Pinilit kong ikalma ang sarili habang nakangiting tumingin kay Javier. Nakita ko kasi ang bahagya niyang paglingon sa'kin nang banggitin ni Lieutenant ang pangalan ko.
Syempre kailangan kunwaring inosente naman ako ngayon na para bang wala siyang ginawang masama sa'kin noon. Nanatili na lang akong nakangiti hanggang sa makita ang masamang tingin na pinukol sa'kin ng animal. Err? Problema niya?
Pasimple na lang akong tumaray sa masamang ugaling pinakita niya. Dinaig niya pa nga sa sungit si Janice ehh!
"Aiya! Ngayon pa lang na nakatayo siya sa harap ni Lieutenant ay hindi na maganda sa pakiramdam, paano pa kaya kapag naging partner ko pa siya sa team, diba?"
"I will, Lieutenant." Malamig na sagot ng animal na parang bored na siya sa buhay niya. Sinungaling 'to! Anong "I will" ang pinagsasabi niya?
Tinignan ko na lang ang reaksyon ni Lieutenant. Imbes na mainis ay tumawa lang siya sa naging reaksyon ni Javier atsaka lumingon sa'kin. Marahil ay alam niya na agad ang magiging pakikitungo nito kaya balewala na lang sa kaniya.
"I bet you already know him, Lady Caventry." Nakangiting baling nito sa'kin na kinatango ko nalang.
"Yes, Lieutenant."
Kahit na hilingin ko na sana nga ay hindi kami magkakilalang dalawa ay wala pa ring mangyayari. Like duh? Sino ba naman ang makakalimot sa kababalaghang ginawa sa'kin ni Javier sa opening ng Chiara'Di?!
Halos hindi nga ako makatulog nang gabing 'yon kakaisip na baka naiba na ang genre ng nobela at naging bampira na siya. Aiya. Mga abnormal talaga sila at mukhang balak pa akong idamay sa pagiging baliw nila!
"Mabuti naman kung ganon." Sabi nito na mukhang nakahinga nang maluwag sa sinagot ko. Hmm...
Tumahimik na lang ako saglit nang makita na nag-uusap silang dalawa na may kinalaman sa military. Hindi naman nila ako sinasali sa usapan kaya mas minabuti ko na lang na pagmasdan ang kabuohan ni Javier.
Kumpara sa damit ko ngayon, siya ay nakasuot ng camouflage military uniform na sumisimbolo na may military rank ang animal.
Hindi na rin naman ako nagtaka dahil kahit kabilang pa siya sa mafia ay nagawa niya pa ring makapasok sa military. Base sa pagkakatanda ko sa nobela ay nahulog daw 'tong si Javier sa puno noong ten years old pa lang siya.
Dinala siya sa hospital dahil nawalan siya ng malay. Tapos pagkagising niya ay bigla niya agad sinabi sa buong pamilya na gusto niyang pumasok sa military camp dahil nanaginip daw siya tungkol dito.
BINABASA MO ANG
Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia Boss
AksiCarnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madali ang buhay niya simula pa ng ipanganak siya. Bata pa lang ito ay pinasok na siya sa loob ng militar...