Nakatulala lang akong nakatitig sa invitation card habang unti-unting naaalala ang mga detalye tungkol sa biggest foundation ng Atlante. Sa libro ay laging nababanggit ang annual charity event ng foundation at ang taong nagpapatakbo non ay walang iba kung hindi ang mommy ng nag-iisang Vengeance Leroi Eckheart.
Masyado kasing mabait ang mom nitong si Vance. Hindi siya katulad ng mga taong nasa noble class na mapagmataas, yung tipo na pera lang ang nasa utak. Gusto niya na palaging tumutulong sa mga mahihirap kaya naman binuo niya ang Atlante's foundation.
Suportado naman siya ni Vance at ng asawa nito dahil sa pamilya nila si Madam Eckheart ang batas.
But damn! Bakit ko nga ba nakalimutan na ang Mommy ni Vance ay mahilig sa charity event?! Kung alam ko lang edi sana hindi na ako nag-donate diba? Well, hindi naman sa madamot ako sa mga bata, pero paano naman ang katahimikan ko?
Geez! Si Vance pa naman yung tipo ng character na masasabi kong Mama's boy! Kahit nga siguro ang female lead ay walang panama sa puso ni Vance kapag mommy niya na ang pinag-uusapan. Well, kung si Javier Gideon ay may Janice na pinoprotektahan, siya naman ay mommy na inaalagaan.
Sinong mag-aakala na ang mga demonyong 'to ay marunong pa ring magmahal? Kung sabagay nagawa nga nilang mahalin si Lilian na walang mataas na katayuan sa Atlante ehh.
By the way, Vance na lang ang itatawag ko kay Vengeance Leroi since noon ay Ven ang tawag ko sa kaniya, kaya lang sa tuwing naiisip ko ang Ven ay walang ibang pumapasok sa utak ko kung hindi ang hinayupak na si Clive na kasalukuyan akong tinatawag na Venven. Tsk!
"Ms. Caventry, ayos ka lang ba?"
Nabalik lang ako sa ulirat nang marinig ang nag-aalalang tanong ng lalaki na hindi ko pa pala kilala. Well, I'm not interested tho...
"Yeah, I'm alright! But about this invitation, I'll see first if I have nothing to do that day." magalang kong sabi sa dalawa.
"It's okay, Ms. Caventry but we really hope that you can attend. We're sure that our president will be glad to see you."
"Okay, susubukan ko." sagot ko na lang.
"We're glad! W--we also hope that you can perform a song for the children, if it's alright, Ms. Caventry." nahihiyang sabi ng isa. Nahiya pa siya sa lagay na 'yan ahh! Pero ano namang kakantahin ko kung sakaling wala akong choice kung hindi ang pumunta?
Hindi naman ako pamilyar sa mga kanta na nauuso sa mundong 'to at wala akong kaide-ideya kung sino ang sikat na composer na nabubuhay dito. Hayys! This is a problem!
"If I have time to go, then I will do it for the children. I'll go now, sirs..." paalam ko sa kanila dahil kanina ko pa napapansin ang mga tinginan sa'min ng mga bisita. Hindi ko na nga lang din pinapakinggan ang bulungan na kanina ko pa nariririnig.
"Alright, take care Ms. Caventry."
Tinanguan ko sila at tsaka taas-noo na naglakad palabas ng yayamaning cafeteria ng hotel. Medyo nagsisi pa nga ako na dito ako kumain ganoon napakamahal ng pagkain na hinahanda nila. Akalain mo ang simpleng baboy na parang nilagyan lang ng toyo ay halagang libong dolyar na?!
Ano yon pati baboy na niluto nila ay noble class din ? Naghanap na lang sana ako ng middle class na restaurant sa labas baka sakaling mas masarap ang mga pagkain.
BINABASA MO ANG
Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia Boss
ActionCarnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madali ang buhay niya simula pa ng ipanganak siya. Bata pa lang ito ay pinasok na siya sa loob ng militar...