Chapter 85

85.1K 4.5K 8.5K
                                    

Napakunot-noo na lang ako sa nabasa. Ibig niya bang sabihin ay naghuhukay ng libingan si Lemuel at sa disyerto pa talaga ang napili?

Geez! Sinong maniwala don diba? Kahit naman may pagkabaliw talaga ang animal na 'yon ay hindi naman siguro dadating sa punto na maghuhukay siya ng sarili niyang libingan.

Sa arte non ay siguradong ayaw niyang mainitan, kaya kung maghuhukay siya dapat sa medyo malamig na lugar para masarap ang paglalakbay niya papuntang impyerno. Bwahahaha!

"Ehem! Ang sama ko na talaga at nahahawa na ako sa mga kademonyohan ng mga characters!"

Umiling na lang ako sa mga kabaliwang naiisip bago nag-reply sa kaniya. Syempre bilang tsismosa--este mabait na nilalang ay nararapat lamang na magtanong ako tungkol kuno sa kamatayan ni Lemuel. Gusto ko kasing dumako kung kailan ang libing. P--pfft!

To: Brother-in-law

Anong ibig mong sabihin, young master? Nanganganib ba ang buhay niya?

From: Brother-in-law

Hahaha! I don't want to say why. Just ask my little brother.

Napataas ako ng kilay sa susunod na message ni Clive. Bakit si Vile pa ang tatanungin ko? Ano namang kinalaman ng daddy ko kay Lemuel diba?

To: Brother-in-law

Huh? What does it have to do with your brother?

From: Brother-in-law

Secret! Hahaha!

Napaupo na lang ako sa inis nang mabasa ang sinabi ng animal. Tsk! Nakakainis talaga yung mga taong magbibitaw ng mga salita na makakakuha ng atensyon mo, pero kapag tinanong mo na hindi naman ikukwento sa'yo!

"Aish! Kalma ka lang, Carnelia! Ikaw na lang ang umintindi sa takbo ng utak ng mga male characters dahil ikaw ang mas matino sa kanila."

Naputol ang pagpapakalma ko sa sarili nang biglang tumunog ang cellphone ni Heavenhell. Mukhang nag-message ang animal nang hindi ako nag-reply sa kaniya. Heh!

From: Brother-in-law

But, Venven, why do you have to accompany Lemuel to the mall? You didn't even ask me to come with you!

Napangiwi ako sa nabasa. Siya? Isasama ko? No way! Si Lemuel pa nga lang ang sakit na sa ulo, paano pa kapag dumagdag pa ang animal na 'to diba?! Sa ingay niya ay baka lahat ng tao sa mall noong araw na 'yon ay napatingin na sa'min.

To: Brother-in-law

If young master Lemuel hadn't appeared in front of the university waiting for me, then I wouldn't even think about going out with him.

From: Brother-in-law

Really? So, you just go with him because you didn't expect him to ask you out of the blue. Am I right?

Err? Bakit parang iba naman ang dating ng sinabi niya? Akala ko pa naman ay mahahalata niya na pasimple kong nainsulto si Lemuel. Yun pala iba pa ang napansin niya!

To: Brother-in-law

Yeah, you're right!

Pagsang-ayon ko na lang sa sinabi niya. Pakiramdam ko kasi kapag iba pa ang nasagot ko ay mas lalo lang hahaba ang usapan naming dalawa. May sira pa naman 'to sa ulo at kung minsan ay iba-iba ang naiisip na hindi ko maintindihan. Geez!

Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon