CHAPTER 4
"MGA gaano ba katagal ang itatagal nitong fish food na ito?"
Hindi napigilang mapangiti ni Charlotte habang pinagmamasdan si Seishiro na lukot na lukot ang mukha habang nakatingin sa batang abalang-abala sa pag-alog ng plastic bag na may lamang gold fish.
Kanina, 'pagkatapos ng madugong interogasyon ng pamilya niya sa binata ay niyaya siya nitong maglibut-libot. Kulang na nga lang ay ipagtabuyan sila ng kanyang ina kanina sa pag-a-akalang mag-de-date sila. But then again, ano pa nga ba ang tawag sa ginagawa nila?
"Sa tingin ko, mas tatagal pa kaysa sa isda." Bulong nito na mukhang nakarating sa pandinig ng mga naroon.
Napabunghalit na lang siya ng tawa ng lingunin sila ng mag-asawang abala sa pag-u-usisa sa attendant ng pet shop na pinasukan nila. Maging ang pobreng attendant na nag-a-asikaso sa mag-asawa ay hindi na rin napigil ang impit na matawa.
Nag-peace sign lang siya sa mga ito nang hatakin niya si Seishiro palabas ng shop. Hindi iilang beses nitong nilingon ang kinaroroonan ng batang mapang-api na ngayon ay mukhang sinesermunan na ng mga magulang nito.
"Ang lupit ng batang iyon, 'no? Enjoy na enjoy siyang gawing yoyo iyong pobreng isda." Tatawa-tawang tinapik niya ang balikat nito nang lingunin uli nito ang petshop.
"Sorry." Napapailing na napangiti na lang ito nang balingan siya. "Hindi ko lang napigilang sumabad kanina. I mean, I'm a vet. Masakit sa paningin ko ang makakita ng mga hayop na...inaabuso."
Hindi na naman niya napigilang mapabunghalit ng tawa ng makitang nalukot ang mukha nito. She couldn't believe that a man like him with a huge frame of almost six feet would get this upset and affected by a three-inched bloated fish.
Ngunit sa halip na ma-turn off ay lalo lamang nadagdagan ang pogi points nito sa kanya. Why, he was so damn gorgeous in her eyes as he continued to worry about the little creature.
Maya-maya ay narinig niya ang pagbuntong-hininga nito bago siya tuluyang binalingan. He was wearing his alarmingly charming smile again when he turned to her.
"Saan mo nga pala gustong magpunta? Do you want to eat?"
"Seishiro, kakakain lang natin. Hindi naman gano'n kabilis ang metabolism ko."
Saglit na nag-isip ito. "I heard there's a pet show today. Gusto mo bang pumunta?"
At makasama ito ng mas matagal? Havey! "Sure. Saan ba iyon?"
Bilang sagot ay maingat na ginagap nito ang pulsuhan niya. Siya namang si gaga, pa-simpleng hinatak ng kaunti ang kamay niya para sa palad niya sumayad ang palad nito. Mukhang hindi naman ito nakahalata nang walang imik na hatakin siya nito patungo sa pinaka-malapit na elevator. Gano'n na lang ang paglapad ng ngiti niya.
They went up a couple of floors bago niya natanaw ang sinasabi nitong pet show.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang mga "pet" na kasali sa show.
"Oh, my God! They're so cute!" excited na hinatak niya ito palapit sa platform. "Is that a rabbit or a cat?" tanong niya sa mabalahibong hayop sa harap niya.
"That's a Manx." Tahimik na tumabi ito sa kanya sa mababang fencing ng venue. "It's a domestic type of cat. Medyo nakakalito nga lang ang hitsura niya kapag ganyang single colored siya dahil sa body shape niya. And it doesn't have a tail."
Pinaningkit niya ang mga mata saka pinakatitigan ang hayop. Sa unang tingin ay hindi niya agad masabing pusa nga iyon. Pero nang mapagmasdan na niya iyon ng mabuti ay natanto niyang pusa talaga iyon.
BINABASA MO ANG
Loving The Charming Prince
RomanceCharlotte had no clue about love. Sa buong buhay niya ay hindi pa niya nararanasan ang ma-inlove. Pero nabago ang lahat ng iyon nang dumating sa buhay niya ang guwapong beterinaryo ng village nila. Seishiro made her feel a lot of different emotions...