Chapter 5

218 6 0
                                    

CHAPTER 5

NAGHI-HIKAB pa si Charlotte nang lumabas siya ng bahay niya. Hindi na siya nag-abala pang isukbit sa balikat niya ang dental bag na baon niya. Binitbit na lang niya iyon sa isang kamay saka isinampay sa balikat niya.

Sinipat niya ang suot na wristwatch. Pasado-alas otso pa lang ng umaga pero heto na siya at tumutugon sa tawag ng sinumpaan niyang tungkulin sa ngalan ng dentistura.

Ang totoo, wala naman talagang naka-schedule na check-up sa kanya si Hero para sa araw na iyon. Gusto lang niyang matiyakna maayos na ito. May nakita kasi siyang ilang maga at pagdurugo sa gilagid nito.

Napasimangot siya. "Asar talaga sa buhay ang tiyanak na 'yon." Bubulong-bulong na wika niya.

"I just hope, hindi ako ang tinutukoy mo."

"Ha?" wala sa sariling napalingon siya nang may humablot ng bag niya sa kanya. Handa na sana siyang manlaban kung hindi lang nahagip ng kanyang paningin ang pamilyar na pares ng mga matang iyon. "Seishiro?"

"Good morning, Charlotte." Matamis ang ngiting isinukbit nito sa balikat ang bag niya.

Biglang kumabog ang dibdib niya. Ilang araw din niya itong hindi nakita dahil naging abala siya sa mga pasyente niya. Ilang araw lang iyon pero pakiramdam niya ay ilang taon silang hindi nagkita samanatalang kung tutuusin ay ilang bloke lang ang layo ng bahay nila sa isa't-isa.

Hindi niya napigilang pagmasdan ito. Sa loob ng ilang araw na naging abala siya ay hindi ito nawala sa isip niya. Sa tuwing nakakasingit siya ng kaunting pahinga mula sa tambak na schedule niya ay hindi maaaring hindi niya ito maaalala.

His voice, his smell, his touch... lahat iyon ay malinaw sa alaala niya. Ngayong nasa harap na niya ito ay parang nanikip ang dibdib niya. Iyon na ba ang tinatawag nilang "pangungulila"?

Saglit na nakita niyang napangiwi ang kunsiynesiya niya sa sobrang ka-corny-han ng mga pinagsasasabi niya.

Ah, shut up! Marahang ipinilig niya ang ulo saka alanganing ngumiti. "Good morning, din." Itinuro niya ang bag niyang bitbit nito. "Ako na lang ang magbubuhat niyan. Medyo mabigat, nakakahiya naman sa iyo."

Nakangiting kumunot ang noo nito. "It's alright. Magaan lang naman ito." Tinapik nito ang bag. "Dadalawin mo ba si Hero?"

Tumango siya. "May nakita kasi akong bleeding sa gums niya no'ng bunutan ko siya last week. Gusto ko lang maka-sigurong okay na nga siya at sumisipa na."

"Bleeding?"

"Well, technically, normal lang naman talaga iyon dahil bata pa siya. I just want to make sure he's really doing alright."

Napalis ang kunot sa noo nito bago siya pinagmasdan. "You really care for him, don't you?"

"He's my patient. Of course I care for him."

"You love him."

Saglit na natigilan siya saka nag-iwas ng tingin. Mula nang araw na nag-usap sila ng kaibigan niyang si Faren ay naging sensitibo na siya sa salitang "love". Hindi dahil sa natatakot siya o anupaman.

Masyado lang banyaga sa kanya ang salitang iyon. It was so new to her that even if it were to fall right in front of her eyes, she wasn't so sure if she could and would recognize it.

Napakagat-labi siya. "He's a good kid. Natural, m-mahal ko siya." Mabilis na tinalikuran na niya ito saka nagpatiunang maglakad. Ayaw niyang may mahalata ito sa kakaibang nararamdaman niya.

Wala na siyang narinig pa mula rito. Tahimik na umagapay lang ito sa kanya sa paglalakad paikot sa village nila. She didn't mind. Kumportable na siya sa katahimikan sa pagitan nila basta ito ang kasama niya.

Loving The Charming PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon