CHAPTER 7
"DOC,"
Napa-angat ng tingin si Charlotte nang marinig ang tinig ni Jadis. Nakasungaw ang ulo nito sa pinto habang nakatingin sa kanya.
"Bakit?" aniyang muling sumandal sa swivel chair niya.
"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong nito nang pumasok sa opisina niya. "Gabi na rin, ah."
Itinaas lang niya ang isang kamay saka iyon ikinumpas. "Maya-maya na. Gusto ko munang magpahinga. Tinamaan yata ako ng pagod ngayong araw."
Katatapos lang niyang asikasuhin ang huling pasyente niya para sa araw na iyon. Matagal-tagal na proseso rin ang root-canal kaya marahil nagre-reklamo na ang mga balikat at binti niya.
Kinatok nito ang mesa niya. "'Wag kang matulog dito, Doc. Baka tangayin ka ng mga lamok."
"Walang lamok dito."
"Oo nga. Pero, 'wag ka pa ring matulog dito. Kung gusto mo, ihahatid na kita sa bahay mo."
Sa halip na sundin ito ay umungol lang siya. "Hindi ako matutulog dito. Magpapahinga lang ako sandali at nangangatal na ang mga paa ko."
"Pero—"
"Jadis."
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito kasabay ng pagbukas muli ng pinto. Napabuntong-hininga na lang siya saka ipinikit ang mga mata. Akmang isusubsob na niya ang kanyang mukha sa mesa sa harap niya nang may biglang pumigil sa mga balikat niya.
Biglang kumabog ang dibdib niya nang makilala ang pamilyar na amoy na iyon.
"You just told Jadis you weren't going to sleep here, Cha." Dagling iminulat niya ang mga mata. Napasinghap siya nang salubungin siya ng nakangiting pares ng mga mata. "Hello, there."
"Seishiro..."
Daig pa niya ang tumakbo sa marathon sa bilis ng tibok ng puso niya. Seeing him up-close right now, ngayon niya nare-realize kung gaano niya ito na-miss. Napakurap-kurap siya nang tumuwid ito ng tayo saka bahagyang sumandal sa mesa niya paharap sa kanya.
Nakangiting inalalayan siya nitong umayos ng upo. "Masyado mo na namang sinagad ang sarili mo, Cha." Sinipat nito ang suot na relo. "It's past ten o'clock already. Bakit may pasyente ka pa rin?"
"Madam Lucille's root canal took almost five hours, Seishiro." napalabi siya. "Hindi ko kasalanan kung gano'n katagal ang inabot ng huling pasyente ko."
"You could've just re-scheduled her for tomorrow."
"At harapin ang galit ni Madam? No way!" napaka-bugnutin pa naman ng pasyente niyang iyon. Kunot-noong binalingan niya ito. "Ikaw rin, ngayon ka lang uuwi?"
Hinawi muna nito ang ilang hibla ng buhok sa mukha niya bago marahang tumango. "I had to tend to some horses in labor at Remus Farm." Tukoy nito sa isang sikat na horse breeding farm sa Cavite. "Kaya 'wag mo akong isali sa usapan."
Napangisi siya nang kurutin nito ang ilong niya. Nasa ganoong posisyon pa rin sila nang may tumikhim sa likuran nito.
"Ah, excuse me lang ano? Magpa-paalam lang sana ako." Nanunuksong nginisihan siya ni Jadis na naroon pa pala sa pinto at nakamasid sa kanila. "Mukhang okay ka na, doc. Mauuna na ako, ha?" Binalingan nito si Seishiro. "Doc Pogi, alagaan mo iyang boss ko, ha? Alam mo naman, nawawala iyan sa sarili minsan."
Kinindatan lang nito ang binata nang pandilatan niya ito. "Umuwi ka na nga." Angil niya.
Tinawanan lang siya nito. Nakatalikod na ito nang muli itong magsalita. "Ila-lock ko ba iyong pinto sa labas?" tanong nito.
BINABASA MO ANG
Loving The Charming Prince
RomanceCharlotte had no clue about love. Sa buong buhay niya ay hindi pa niya nararanasan ang ma-inlove. Pero nabago ang lahat ng iyon nang dumating sa buhay niya ang guwapong beterinaryo ng village nila. Seishiro made her feel a lot of different emotions...