Chapter 6

238 6 0
                                    


CHAPTER 6

HINDI mapigilang mapangiti ni Charlotte nang matanaw si Seishiro mula sa salaming dingding ng klinika nito.

Gaya ng dati, mukhang aliw na aliw na naman ito sa pakikipag-usap sa alaga nitong parrot. Inayos niya ang pagkakasukbit ng backpack niya saka ito pinagmasdan. He was in his usual long sleeved polo, black slack pants and white robe.

Kahit saang anggulo talaga ito tingnan ay napaka-guwapo nito.

Ilang sandali na rin niya itong pinagmamasdan nang mapagawi sa kanya ang mga mata nito. Nagsimula na namang maging abnormal ang tibok ng puso niya. She tried so hard to breathe and steady her heart beat.

Nang bahgaya na siyang kumalma ay nakangiting kinawayan niya ito.

Gumanti ito ng ngiti sa kanya saka itinuro ang pinto ng klinika nito. Tumango siya saka lumakad palapit sa pinto.

Habang naglalakad siya palapit sa klinika nito ay hindi niya mapigilang mailang. Lalo na nang itukod nito ang dalawang kamay sa mesa sa likuran nito saka siya matamang pinagmasdan.

Pinatatag niya ang mga tuhod nang makaramdam ng panghihina mula sa mga iyon.

Utang-na-loob, 'wag mo akong tunawin, Seishiro!

Hanggang sa maka-pasok siya sa pinto ng clinic nito ay hindi siya nito hinihiwalayan ng tingin. Kagat-labing huminto siya malapit sa sofa sa harap ng mesa nito.

"Hindi mo naman ako planong tunawin niyan?" aniya nang hindi na siya makatiis.

"Would you?"

Kamuntik na talaga siyang matunaw nang mapang-akit na ngitian siya nito. Gusto na niyang tumili sa sobrang kilig na nararamdaman niya pero pinigilan niya ang sarili.

Pumalatak siya. "I didn't know you could be such a flirt, Seishiro."

Tumawa lang ito bago lumapit sa kanya. Ngiting-ngiting kinuha nito sa balikat niya ang bitbit niyang backpack saka iyon ibinaba sa sofa. "Naligaw ka yata? May dinalaw ka bang pasyente?"

Umiling siya saka naupo sa sofa. "Nagbayad lang ako ng mga kautangan. Alam mo na. Baka magka-interes ang mga iyon." Kumunot ang noo nito nang tingalain niya. "Bills. I just paid my bills, Seishiro. You don't have to look so confused."

"Oh." Napapangiting naupo ito sa armrest sa tabi niya.

The moment her skin felt his warmth, her senses started to work overtime. Napakagat-labi siya bago marahang ipinilig ang ulo.

"Nakikipag-kuwentuhan ka na naman sa parrot mo." Pag-i-iba niya sa usapan. "Hindi na ako magtataka kung kabisado na niya ang talambuhay mo."

He chukled. "Misha gets bored easily."

"Misha?"

"My parrot." Inginuso nito ang ibon na nakatingin sa kanila. "Ayaw niya nang hindi siya pinapansin. Nagta-tantrums siya kapag nabo-bore na siya. And that would be bad for her health."

Napakislot siya nang ipatong nito ang isang braso sa sandalan ng sofa. Pilit niyang ini-ignora ang kaway ng damdamin niya lalo na nang maramdaman ang pag-dikit ng balikat niya sa braso nito. Kakaibang kiliti ang gumapang sa buong katawan niya nang laruin ng daliri nito ang ilang hibla ng mahabang buhok niya.

Napalunok siya. "Ang 'arte naman pala ng ibon mo."

"Gano'n talaga ang ibang mga hayop. They want to feel loved and secured. Ayaw nilang nararamdaman na napapabayaan sila."

"Parang tao."

"Yeah."

Gano'n na lang ang pagbilis ng tibok ng puso niya nang maramdaman ang hininga nito sa ulo niya. Guni-guni lang ba niya o talagang sinisinghot nito ang buhok niya?

Loving The Charming PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon