Untitled Part 10

533 14 0
                                    


CHAPTER 10

"CHARLOTTE."

Walang kagana-ganang nilingon ni Charlotte ang nagsalita. Lukot na lukot na mukha ng mga kaibigan niyang sina Faren at Bianca habang matamang nakatingin sa kanya.

"Bakit?" aniyang hindi man lang tuminag sa pagkakasalampak sa sofa.

"Anong bakit? Naka-drugs ka ba?" pinitik ni Faren ang noo niya.

Pilit niyang pini-picture sa isip ang hitsura niya. Hindi pa siya naliligo at mas lalong hindi pa siya nagsusuklay. Sigurado rin siyang nanlalalim at nangingitim ang kanyang mga mata dala ng ilang araw niyang pagpapaka-puyat sa kai-iyak. Maluwang din ang mga damit na suot niya na may mga mantsa pa ng choco drink na ininom niya kanina.

"Mukha kang sabog, alam mo ba?"

Tumango lang siya.

"Umayos ka nga, Cha. Tumayo ka na diyan at mag-bihis." Untag ni Bianca sa kanya.

"Ayoko. Tinatamad ako."

"Ano ka ba? Hindi ka pwedeng tamarin ngayon. Kailangan mong um-attend ng party."

Napakunot-noo siya. "What party?"

"Seishiro's engagement party."

Masamang-masama ang hitsura niya nang balingan ang mga ito. "Gusto niyo ba akong makitang magbigti?"

"Hay, naku, Cha. Hindi ka pwedeng magmukmok lang dito habang-buhay. So what if you got your heart broken? Face it. 'Wag mong takbuhan. Kailangan mong harapin ang sakit para makapag-move-on ka na."

Asar na tinapik niya si Faren nang hatakin siya nito patayo. "Ang OA niyo naman. Hindi naman ako forever na magmumukmok dito." Umayos pa siya ng upo sa sofa. "Gusto ko lang munang ipagluksa ang pagkabigo ko. I'm already hurt enough. I don't need you both to bash me with more." Sarkastikong ngumiti siya.

Nagkatinginan ang mga ito bago sabay na naupo sa magkabilang gilid niya.

"Look, Cha. Naiintindihan ko kung gusto mo mang magluksa. You were hurt. pero, hindi mo naman pwedeng isisi ang lahat sa sarili mo. People fall and get hurt for them to learn to stand up again. Kailangan mo lang itukod ang kamay mo para makatayo ka na at makapag-move on."

"Faren is right, you know. Isa pa, gusto mo bang ipahiya ang mga magulang ni Seishiro? They personally invited you. Umaasa silang darating ang lahat ng mga kaibigan ni Seishiro sa village na ito. I met them when they gave me the invitations and I know they're good people. They're pretty much like you parents, you know."

Napasimangot siya. Tama naman kasi ang mga ito. Seishiro's parents were nice. If anything, she didn't want to disappoint them, too. Pero, paano naman siya pupunta kung gano'ng isipin pa lang niyang magkasama ito at si Kiyo ay nadudurog na ang puso niya?

"Be brave, Cha."

"Oo nga."

Matamang pinagmasdan niya ang mga ito. "Kaibigan ko ba talaga kayo?"

"Of course. Kaya nga gusto ka naming maging masaya."

"Engagement party ng lalaking mahal ko ang gusto ninyong puntahan ko. Paano akong magiging masaya?" nag-init na naman ang sulok ng kanyang mga mata.

"Come on, Charlotte. Don't tell me, iiyak ka na naman?"

"Kung ako sa iyo, magbi-bihis na ako at mag-a-ayos. Ipakita mo sa lahat ng nandoon na ikaw dapat at hindi ang bansot na Haponesang iyon ang nararapat para kay Seishiro."

Napasinghot siya. "You're such cruel friends."

Nagkatinginan lang uli ang mga ito bago sabay na napangisi. Gusto pa sana niyang magtanong at mag-emote pero ipinagtulakan na siya nito patayo.

Loving The Charming PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon