Chapter 3

310 9 1
                                    


CHAPTER 3


"TEKA, bakit ako?" tanong ni Charlotte sa kanyang ina habang pilit niyang inaabotang ponkan na nasa bandang gilid ng mesa.


Ni hindi siya tiningnan ng kanyang ina habang abala itong naghahalo ng masapara sa gagawin daw nitong cake. Naroon siya sa bahay ng kanyang mga magulangdahil araw ng Linggo. Tuwing Linggo, doon siya naglalagi para naman makasama parin niya ang mga magulang at nakatatandang kapatid na hanggang ngayon, hindi payata nagsasawa sa pagiging binata.


"Andiyan naman si Kuya, bakit kailangang ako pa ang mamalengke?" malapitna malapit na niyang maabot ang ponkan na inaabot niya. Kaunting-kaunti na lang...


"May pinag-uusapang mahalaga ang Kuya at Papa mo. Kaunti lang namanitong mga bibilhin mo. Nakalimutan ko kasing magpabili kahapon sa mga katulong."


Kapag kasi Linggo, nakaugalian na ng kanyang mga magulang na gawingholiday iyon para sa mga kasama nila sa bahay. Para na rin magka-solo silangpamilya. Kaya ngayon, wala silang mautusan.


"Kung nagsasama ka ba naman ng nobyo mo rito, eh, 'di sana maynauutusan tayo."


Bigla na lamang siyang nadulas mula sa kinauupuan at diretsong bumagsaksa sahig. Ano raw? Kailan pa ito natutong magbanggit ng tungkol sa lalaki, more so,nobyo sa kanya? Hindi naman kasi ito nakikialam sa personal na buhay nilangmagkapatid.

"Pambihira naman kayo, 'Ma. Bakit naman bigla kayong naghanap ngboyfriend ko? At talagang plano niyo pang gawing utusan?"

Noon lang nag-angat ng tingin ang Mama niya. At parang gusto na niyangtumakbo palayo nang makita ang hitsura nito. Lalung-lalo na ang nangingislap namga mata nito. Kinakabahan talaga siya sa paraan ng pagkakatingin nito.


"'Ma, drop the look, please. Nasisindak ako."


Lalo lamang lumapad ang pagkakangisi nito sa kanya. "Balita ko, may idine-date ka ng guwapo."


"Saan niyo naman narinig ang balitang iyan?" tanong niya. Ang nanay talaganiya, pagdating sa pagsagap ng balita, mabilis pa sa alas-kuwatro.


"Bianca dropped by yesterday and told me about that handsome veterinarianof yours." Nanunuksong wika nito. Mukhang tuluyan na nitong nakalimutan anghinahalong masa.


Sinasabi na nga ba niya. Ang kaibigan talaga niyang iyon, hindi na nagbago.Intrigera pa rin hanggang ngayon.


"'Ma, kilala niyo naman si Bianca, OA magkuwento iyon."


"Well, wala namang masama kung makikipag-date ka man. Ang sa amin langnaman ng Papa mo, ipakilala mo naman sa amin para makilatis naming mabuti."


"'Ma, Seishiro and I are not dating."


"Siyempre para alam namin kung nasa mabuti kang mga kamay hindi ba?"Napailing na lamang siya. Heto na naman ang nanay niya. Kapag nagsimulana itong maglitanya, wala na itong kakilala. Sa kamalas-malasan, siya ang napag-initan ng malupit na kadaldalan nito.

Loving The Charming PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon