Chapter 1

477 9 0
                                    


No part of this story may be reproduce or transmitted in any forms or by any means, electrical or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without my permission.

Plagiarism is a crime.

Drew's POV

"Ano? tapos ka na ba dyan?" tanong ko kay andrea, inihahanda na nya ang regalo nya para kay Juniel bukas

"wait, malapit na"

yung totoo, may nararamdaman pa rin ako kay andrea at wala pa ring nagbabago dun pero tanggap ko naman na,, baka nga sila talaga ni Juniel ang para sa isa't-isa

"okay na! hayy excited na ako bukas!" ginulo ko ang buhok nya

"ang swerte ni Juniel sayo" ngumiti lang sya sakin

"mahahanp mo rin yung para sayo"

ngumiti na lang din ako

"Sige una na ako gabi na rin kasi, advance happy monthsary nga pala" sabi ko at umalis na, naglalakad-lakad lang ako, hanggang sa may nakita akong bote ng tubig buti na lang wala ng laman, sinipa ko yon,,

"Aray!" napalingon ako sa paligid, may um-aray eh

napakibit-balikat na lang ako wala namang tao eh

biglang may bumato sakin pabalik

"Aray ah!"

may babaeng lumapit saakin parang kilala ko kaya lang di ko masyadong makita yung mukha kasi madlim kaya tinutukan ko sya ng flashlight ng cp ko

"patayin mo nga yan ang sakit sa mata!"

"Jessica?"

"Drew?"

"anong ginagawa mo dito gabi na ah" tanong ko sakanya

"w-wala l-lang m-may binili lang ako" ano ba naman tong babaeng to? lagi na lang nangangatal kapag kausap ako highblood ata to eh

"Ah san ka nauwi ngayon?" Tanong ko

"b-bakit?"

"hatid na kita, gabi na oh san ba naka-park ang kotse mo?" nung una ayaw nya pang pumayag pero wala naman na syang nagawa

tahimik lang kami habang nasa loob ng kotse lately ang weird nitong babaeng to eh, pero ngayon hindi naman na

"galing ka kay andrea?" Jessica, tumango lang ako

"bilib talaga ako sayo" sabi nya sabay iling-iling

napatingin ako saglit sakanya

"ha?"

"mahal mo si andrea pero kahit ni-reject ka na at lahat-lahat andyan ka pa rin para sakanya"

"I chose our friendship over my feelings for her, isa pa masyado na kaming matagal magkasama tapos dahil lang sa ni-reject nya ako mawawala lahat ng yun? wag ganun" tumango na lang sya at tumingin sa labas ng bintana

"hindi masakit?" sya

"Ang alin?"

tinuro nya ang kaliwang bahagi ng dibdib nya

"puso, hindi masakit sa puso?"

ngumiti ako habang nagmamaneho pa rin

"sobra"

"alam mo bang alam ko ang pakiramdam na yan? mahal ko sya pero may mahal syang iba kahit na yung mahal nya may boyfriend na, hindi nya ako mapansin, manhid sya, napaka-manhid"

nahinto ko ang sasakyan, at napatitig ako ng maigi sakanya, this can't be.

Jessica's POV

naglalakad ako pabalik sa kotse, may binili lang naman ako pero since madilim na-

"Aray!" anak ng tinapa! ang sakit nun ah, napahawak ako sa ulo ko sino yon?! nakita ko yung laalking nakatalikod.. binato ko pabalik sakanya yung bote

"Aray ah!" sya, quits na tayo! hmp!

lalapitan ko sana ng bigla naman nya akong tinutukan ng flashlight

nakakasilaw!

"patayin mo nga yan ang sakit sa mata!"

"Jessica?"


"Drew?"

"oyy! anong ginagawa mo dito gabi na ah" sya

"w-wala l-lang m-may b-binili lang ako" bakit ba nauutal ako?

"Ahh san ka nauwi ngayon?"

"b-bakit?"

"hatid na kita gabi na oh san ba naka-park ang kotse mo?" shems nung una ayaw kong pumayag pero wala rin naman akong nagawa tahimik lang kami habang nasa loob ng kotse at hindi ko sinasadyang makapagtanong

"galing ka kay andrea?" tumango lang sya

"bilib talaga ako sayo" sabi ko sabay iling-iling

napatingin ako sya saakin

"ha?"

"mahal mo si andrea pero kahit ni-reject ka na at lahat-lahat andyan ka pa rin para sakanya"

"I chose our friendship over my feelings for her, isa pa masyado na kaming matagal magkasama tapos dahil lang sa ni-reject nya ako mawawala lahat ng yun? wag ganun" tumango na lang ako at tumingin sa labas ng binatana, oo nga tama naman sya dun

"hindi masakit?" tanong ko ulit

"Ang alin?"

tinuro ko kung nasan ang puso ko

"puso, hindi masakit sa puso?"

ngumiti sya at sabay sabing..

"sobra"

"alam mo bang alam ko ang pakiramdam na yan? mahal ko sya pero may mahal syang iba kahit na yung mahal nya may boyfriend na, hindi nya ako mapansin, manhid sya, napaka-manhid"

nahinto nya ang sasakyan at napatitig saakin ewan ko kung paano ko nasasabi tong mga bagay na to,, come on drew sana mahalata mo na this time

gulat na gulat ang expression nya ghadd.. alam na nya kaya na sya yun? matutuwa ba ako? shems kinakabahn ako ngayon

lumapit sya at hinawakan ang balikat ko

"who's that jerk?" nang marinig ko yan gusto ko syang sikmuraan at tadyakan eh manhid pala talaga to eh

napa-face palm na lang ako

"huy! sino yung gagong yun?!" sya

'ikaw, ikaw yung gagong yun leshe' nabulong ko na lang

"ha?" sya

"Wala magdrive ka na bilis, inaantok na ako"


Take A Chance On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon