Chapter 1:

3 0 0
                                    

AN: Hiii readers welcome to Miss Hotelier. This is my third story hope u like it.. Pls read po and feel free to continue or leave. Remind ko lang po na I'm not really super duper good in english and using eche bureche. Expect badwords pero bawal gayahin. Expext typos. Expect the unexpected!!! Abang abang kayo at marami pa akong ongoing stories na iuupload.

#readatyourownpace

Racky's Pov

"Ma please? Pwede mo ba kausapin si papa? " nagpapaawang sabi ko.

" Alam mo naman na kahit anong sabihin ko eh buo na ang desisyon ng papa mo at kung tatanungin mo mga ate mo eh sila mismo ang nagsabi na ipadala ka doon." mahabang turan ni mama.

"ANO?" napasigaw ako sa gulat. Huhuhu bakit naman nakisawsaw pa sila ate.

" Wag ka ngang sumigaw, ano ba kasing naisipan niyo at nagpunta kayu doon. Paanong hindi magagalit ang papa mo first time niyang mapatawag sa presinto at ikaw pa ang dahilan."

" Ma mukha ba akong drug addict? Sinabi ko na nga na magcecelebrate lang naman kami , malay ba namin na drug dealer ang may-ari ng bar na yun." Nakakainis naman nadawit lang naman kami doon.

" Ma ayaw kong pumunta doon,  isa pa ayaw ko muna mag trabaho kakagraduate ko lang ma. Baka naman pwedeng magbakasyon muna ako kahit isang taon lang hehe please." mahabang sabi ko habang nagbebeautiful eyes para mas effective hahaha. Kapag nakumbinsi ko si mama ay malaki ang tyansa na makumbinsi ko si papa.

"Cleo"

Napalingon ako sa nag-iisang taong tumatawag sakin ng Cleo,  si papa. Patay na.

" Kinukulit mo nanaman ang mama mo. Wag mo nang subukan sakin at hindi na magbabago ang desisyon ko." pag mamatigas ni papa. Lumapit ako at kumapit sa braso ni papa kaya ko to pacute mode activated.

" Pa, hindi niyo ba ako mamimiss ni mama. Ako na nga lang kasama niyo ipapadala niyo pa ako doon. At ayaw ko pang magtabaho pa,  wala pa ngang isang buwan nung naggraduate ako eh. Kahit isang taong bakasyon lang pa please? " sana pumayag si papa ayaw ko talagang pumunta doon.

" Araaaay naman" napahawak ako sa noo ko na pinitik ni papa hayss.

" NapakaOA mo talagang bata ka. San ka ba nagmana?" problemadong tanong ni pappa sabay tingin kay mama na nakataas na ang isang kilay. Haay ang cute nila, sana ganyan den kami ni future husband.

" Alam mong hindi ko nagustuhan ang nangyari nung isang araw. Paano nalang kung may nangyaring masama sa inyo. Isa pa busy ang mga ate mo kaya ikaw na muna ang bahala sa Isla Rocktel." wala na tapos na ang maliligayang araw ko.  

"Magandang opurtinitad din ito sayu anak, consider it as your first stepping stone towards your dream." dagdag pa ni mama. For sure bato talaga una kong matatapakan doon hayss.

Hindi na ako sumagot pa at umalis nalang. Dumiretso ako sa kwarto ko at na upo sa kama. Hayss gusto ko ng umiyaak.

Ang Isla Rocktel ay isa sa mga hotel na pagmamay-ari ng magulang ko. Mag iisang taon palang ng maitayo ito. Dapat ay si ate Ruonnie ang mamamalakad dito kaso hindi niya den maiwan-iwan si ate Angel sa pagpapalakad ng La Rocktel sa Italy. Wait there's more may isa pa akong ate si ate Page. Nasa Ilocos siya ngayun dahil taga doon ang napangasawa niya skl.

Sa ngayun may tatlo kaming hotels, ang La Rocktel na nakabase sa Italy, ang Costa Rocktel na nakabase dito sa Manila at ang Isla Rocktel na nakabase sa Iloilo kung saan lang naman ako IPAPAPADALA!!!!

Hindi naman sa ayaw ko ang Isla Rocktel pero  mas ok sana kung dito nalang ako sa Costa Rocktel. Wala naman kasi akong kakilala doon dahil hindi pa ako nakakapunta doon. Huhuhu ayaw ko pumunta doon mag-isa.

"Sigii na please sama na kayo sakin" kasalukuyan kong kausap sila Rara,  Alex at Josh through video call.

" Teh ilang taon kana ba at ganyan ka magmaktol ha" - Alex

" Ang arte mo ha, ang ganda kaya ng pupuntahan mo" - Rara

" Agree" patango tangong sabi naman ni Josh na busy kakatype.

" Hindi naman ako pupunta doon para magbakasyon ipapadala nila ako don para magtrabaho. Hoy Alexander baka nakalimutan mo ikaw nagdala samin sa bar na yun. "

" Yakkk don't call me that. Well I heard a lot about that bar marami daw ang nagpupunta doon so malay ko naman na bentahan pala yun ng druga!!" - Alex

"My mom freaked out about that by the way, she thought for a second that I'm into drugs." -Josh

"HAHAHAHHAHAHA" nagsitawanan kaming lahat maliban kay Josh.

" So guys ano na?  Sasamahan niyo na ba ako? " pangungulit ko sa kanila. Bigla silang tumahimik na parang may tinatago eh. Tsk Masyadong halata.

"Spill it."

" Uhm kinausap na kasi kami ni tito about that wag ka daw muna namin samahan this time in case na tawagin mo kami, Sorry na gurl pagprapray ka nalang namin hehe." sabi ni Alex sabay peace sign. Napabuntong hininga nalang ako.

My parents really want me to go on my own this time.

AN: Thank you for reading, I hope magustuhan niyo. Rest assured na tatapusin ko ang mga stories ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Miss HotelierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon