*Jenny’s Pov*
Matapos ang tawag ni Aron agad naman akong nag tungo sa office ng coach namin
Sinabi lang niya na pwede kaming magpahinga at least two days para hindi kami ma pagod masyado , agad ko naman itong sinabi sa mga kasamahan ko at sobrang saya nila
“Finally makakapag gimik na ako ulit “ sabi ni Marie
“Buti na lang talaga mabait si Coach pinagbigyan tayong magpahinga” sabi ni Francine
Dahil nga pinapahinga na kami ni Coach pinuntahan ko si Kathy sa room namin vacant kami sa first subject sa hapon kaya sure ako na nasa room lang ito kung wala iyon duon siguro nasa dance club room ang babaeng iyon
“Hey “ agad naman na nilingon ako ni Kathy bahagyang nagulat siya ng makita ako
“Oh anong ginagawa mo rito? Wala ba kayong practice ?” tanong ni Kathy agad naman akong umiling bilang sagot
“Wala pinagpahinga kami ni Coach for two days “ sagot ko agad naman siya tumango sa sinabi ko upang ipakita na sang ayon siya sa ibinigay na rest day ng Coach namin
“Well that’s good to hear , nga pala sasama ka ba mamaya sa amin nina Ann?” agad ako nagtataka sa kanyang tanong
“Saan sa bar na naman ?” agad na tanong ko umiling siya bilang sagot
“No sa mall bibili kasi si Ann ng dress for their upcoming party sa school , nagpasama siya sa akin niyaya ko naman si Yen si Allena naman hindi pa rin nagrereply kay yayayain na din kita para maka bonding din tayo saka para mapagplanuhan natin ang test #3 mo para kay Aron “ sabi ni Kathy
“Sige sasama ako “ sabi ko
𝛐 𝛐 𝛐
Maaga akong naka uwi dahil pagkatapos ng classes namin agad kaming nagtungo sa mall doon na din kami nag kita kita nina Yen at Ann hindi rin kasi kami nagtagal dahil may family dinner pa si Kathy kasama ang step brother niya
“JenJen “ agad ako napa tayo ng marinig ang boses ni Dad
“Dad bakit po ?” naka upo kasi ako sa salas hinihintay na dummating ang iba ko pang kuya kasi ng maka uwi ako kanina si kuya Jameson lang ang naabutan ko
“Dumating na ba ang mga kuya mo ?” tanong ni Dad agad ko siyang nilapitan at tinulungan tanggalin ang coat na suot niya
“Si kuya Jameson pa lang po ang nandito “ sagot ko agad naman na tinanggal ni Dad ang sapatos niya habang tinupi ko naman ang coat na sinuot niya
“Nagluto na ba kayo ng hapunan ?” tanong ni Dad agad naman akong umiling , kaya ko hinihintay sina Kuya dahil nagugutom na ako eh hindi na nila ako pinapayagan magluto kapag ako lang ang nasa bahay , si kuya Jameson naman tulog ayaw ko naman siyang gisingin
Naisip ko ring pumunta sa labas upang bumili na lang ng pagkain kaso tinatamad naman ako
“Oh bat hindi pa kayo nagluto ?” tanong ni Dad
“Eh Dad ayaw niyo ako payagang mag luto kapag walang nagbabantay sa akin tapos si kuya Jameson tulog ayaw ko naman siyang gisingin “ sagot ko
“Why did you not order takeout ?” tanong ni Dad
“Natatakot ako Dad baka magnanakaw pala ang delivery guy tapos kapag nakita niya na magisa lang ako baka pasukin niya ang bahay natin tapos baka ma rape niya ako or worst baka patayin niya ako gusto ko pa naman ma buhay Dad sayang naman ang lahi natin kung hindi ako magkakaanak “ sabi ko nakita kong inirapan lang ako ni Dad at agad na binatukan
“Aray Dad naman masakit yun ah ?” sabi ko
“Sobrang advance mo kasing mag isip mag oorder ka lang ng takeout may pa llusob lusob ka pang nalalaman pati rape at pagpatay sinali mo pa , hay saan ka ba nagmana hindi naman ako ganyan ?” sabi ni Dad
YOU ARE READING
Bad Boy Series #2 : Loving Aron Castergon (COMPLETE)
RomanceWARNING: R18+| SPG M A T U R E D C O N T E N T A H E A D Aron Castergon isang lalaking cold , matapang , maangas, ngunit mabuti Jenny ang boyish girl na may overprotective na pamilya Pinagtagpo dahil sa kanilang mga kaibigan , nag mahalan ,nagsak...