CHAPTER 17

66 9 0
                                    

*Jenny's Pov *

"So kumusta naman bilang isang teacher Al?" tanong ni Kathy , nasa bahay kami nina Ann nagtatambay matagal tagal na din kasi kami hindi nagkakaroon ng girls day , kung sa iba girls night sa amin girls day dahil buong araw kaming mag nag hahangout

"Ano ba Kathy two days pa lang simula ng mag start ang classes , the bad days are not yet to come " sabi ni Allena

"Ay sorry nagtatanong lang naman hehehe" sabi ni Kathy inirapan siya ni Allena

"Anyways may chika ako sa inyo " sabi ni Ann

"Ano ?" agad na tanong naming lahat

"Livies is back " masayang sabi ni Ann

"Talaga congrats girl " sabi ni Kathy , Livies ang pangalan ng band nina Ann si Ann ang vocalits ng band akala namin tuluyan ng hindi kakanta si Ann dahil college na

"Yeah congrats to them " sabi ni Ann may bahid ng kalungkutan ang kanyang boses

"Oh eh bat malungkot ka ?" tanong ni ko

"Eh kasi naman hindi na ako ang vocalist ayaw ko ng sumali kasi pero I'm still part of the band but not as a vocalist but their manager " sabi ni Ann

"So may iba ng vocalist ?" tanong ni Yen , umiling si Ann

"Wala pa sila,  nahahanap kay tumutulong na din ako para makahanap na sasali kasi ang Livies sa darating na battle of bands " sagot ni Ann

Matapos ang ilang pag uusap ay nagtungo na kami sa silid ni Ann para doon na magpalipas ng oras at nanood ng mga series and movies

"Guys dinner is ready !" tumayo na kaming lahat at bumaba na para makakain na kami ng dinner

"Nga pala Yen tumawag ang tita mo kanina" sabi ni Ann , nakita ko ang pagkabigla sa mukha ni Yen

"A-ano sabi ?" napa kunot ang noo ko dahil napansin ko ang kakaiba kay Yen para bang kinakabahan ito

"Wala lang kinakamusta ka lang " sabi ni Ann , nakita ko ang pag bugtong hininga ni Yen

Nagsimula na kaming kumain ng dinner inabot nga kami ng halos magiisang oras dahil sa mga chika nina Kathy at Ann , ng matapos kami ay nagpasya muna kami na pumunta sa park malapit sa bahay nina Ann para maglakad lakad , pero syempre nagpahinga muna kami baka kasi magkasakit kami kapag agad kaming naglakad eh kakatapos pa lang naman namin kumain ng dinner .

Ng makarating kami ng park agad natanaw namin ang naglalaro ng basketball , kaya dali daling inayos ni Kathy ang kanyang sarili ewan ko ba sa babaeng ito kung magasta kapag nandyan si Jeff parang pagmamay ari niya talaga tapos kapag naman wala si Jeff kung maka landi wagas hay nako .

"Girls tara doon oh" sabi ni Kathy sabay turo sa bench malapit sa mga naglalaro ng basketball

"Ano ba Kathy doon na lang tayo sa may pond may mga tao diyan " sabi ni Ann

"Sus ano ba tara na " hindi na kami naka palag dahil hinila na ni Kathy si Allena at Ann kami naman ni Yen ay sumundo na lang sa kanila , dali daling umupo si Kathy sa bench kaya umupo na din kaming lahat

Ng maka upo kami saka ko lang nakita ng malinaw ang mga naglalaro nung una wala akong pakialam pero nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino ang isa sa mga naglalaro

Tom... 'What the heck is he doing here?' agad na tanong ko sa aking sarili , nabalot ng kaba at takot ang aking buong katawan dahil alam nina Kathy ang tungkol sa kanya at alam nila na siya ang ka isa isang lalaki na minahal ko ng sobra sobra

"Wait? girls pamilyar yung isa sa kanila " nanlaki ang aking mga mata ng magsalita si Ann agad napatingin silang lahat

"O-M-G" sabi ni Allena

Bad Boy Series #2 : Loving Aron Castergon (COMPLETE)Where stories live. Discover now