CHAPTER 10

69 9 0
                                    

*Aron's Pov*

Simula noong tumawag ako kay Jenny ay apat na araw na kaming hindi naguusap

Gustong gusto ko na siyang makita at makausap kaso minamadali na ako ng mga teachers para sa paparating namin na event

Habang nagmumuni muni ako sa school biglang tumunog ang phone ko

Tumatawag si Tyson akay agad ko itong sinagot

"Tyson napatawag ka ?" sabi ko ng masagot ko ang tawag

"Dude are you free right now ?" tanong niya

"Yeah why ?" narinig ko na parang nasa sasakyan ang kaibigan ko

"Dude pwedeng humingi ng favor nasiraan kasi ako " sabi niya

"Sure nasaan ka ?"tanong ko

"Papunta ako sa school nina Ann nagpapasundo kasi siya gusto nilang bisitahin si Allena , I'm at KC street " sagot ni Tyson

"Sige I'll call you once I arrive at KC " sabi ko agad ko namang binaba ang tawag ,'Buti nalang talaga at van palagi ang dala ko ' sabi ko sa aking sarili

Agad akong nagtungo sa van ko at agad na umalis patungo sa KC street

"Dude thanks kanina ko pa kasi tinatawagan sina Anthony hindi naman sumasagot buti nalang talaga at sumagot ka " sabi ni Tyson ng makapasok na ito sa sasakyan ko

"Saan tayo ?" tanong ko

"Unahin na muna natin si Ann since malapit na naman na tayo sa school niya " sagot ni Tyson

Agad naming sinundo si Ann

"Oh Aron " binati ako ni Ann ng makita niya ako

"Hi " sabi ko

"Kina Kathy na muna tayo tapos isusunod natin si Yen" sabi ni Tyson agad akong tumango at nagtungo sa paaralan nina Kathy at Jenny

"Aron? Akala ko si Tyson lang ang susundo sa atin ?" tanong ni Kathy kay Ann ng makapasok na sila sa van tahimik lang si Jenny na nakikinig ng music gamit ang ear pods niya

"Eh nasiraan kasi ako ng sasakyan kaya tumawag ako ng tulong hindi naman sumasagot sina Anthony kaya si Aron nalang ang tinawagan ko tama rin dahil van ang dala ni Aron kasyang kasya tayo lahat " sagot ni Tyson

Agad naman naming pinuntahan si Yen , habang papunta na kami ng Naves pasulyap sulyap lang ako kay Jenny na ngayon ay nakatingin sa labas

𝛐 𝛐 𝛐

"Anthony ?" agad namaing nakita si Anthony noong makarating kami sa hallway ng Naves High

Patakbo naman itong nagtungo sa amin

"Aron hanapin mo muna sina Jessa " utos niya sa akin agad akong tumango

"Anthony what's going on ?" tanong ni Ann

"Allena is brought to the clinic pero kailangan ko pang pumunta sa school office para malaman ang tungkol sa nangyari sa kay Allena " sagot ni Anthony

"Samahan ka na namin " sabi ni Jenny agad na tumango si Anthony

"Kapag nahanap mo na sina Jessa pumunta na kayo sa clinic mukhang may alam sila sa nangyari kay Allena " sabi ni Anthony agad akong tumango sa sinabi niya at agad na tumakbo upang mahanap sina Jessa

"Jessa ?" agad naman na lumingon sa akin si Jessa , lumapit ako sa kanya

"Aron, may kailangan ka ?" tanong ni Jessa sa akin

"Allena is brought to the clinic " sabi ko

"What ? si Erika nasan ?" tanong niya

"I don't know " sagot ko

Bad Boy Series #2 : Loving Aron Castergon (COMPLETE)Where stories live. Discover now