CHAPTER 23

58 9 0
                                    

KASALUKUYAN akong nasa daan patungo sa bahay nina Aron , it has been almost a month mula ng mag celebrate kami ng monthsary namin at simula noon ay pagli na akong sinasabihan ng mga matatamis na salita ni Aron , walang araw na hindi niya ito ginagawa sa akin kahit pa anong oras hindi niya pa din pinalampas .

Ngayon lang ulit kami magkikita dahil patapos na ang first semester sa school kaya pareho kaming busy . Habang nasa daan hindi ko mapigilang hindi kabahan , kaya kasi ako pupunta kina Aron para sa isang family dinner at gusto ni Aron na pumunta ako para ipakilala sa kanyang pamilya .Dapa nga noong last month pa dahil birthday ng Dad niya kaso naging busy ako kaya ngayon na lang daw kami magdidinner.

Noong una habang nagpapaalam si Aron kay Dad gusto pa niyang isama sina Dad kaso sabi ni Dad hindi siya pwede kaya ako lang daw muna ang ipapakilala , Isasama ko sana sina kuya kasi kinakabahan ako kaso sabi nila kaya ko na raw. Kakagaling ko lang sa school kaya hindi na din ako nagpa sundo kay Aron dahil doon na din ako ng ayos .

Matapos ang ilang minutong pag mamaneho ay na abot ko na ang village nina Aron , agad ko namang tinawagan si Aron at mabuti na lang at agad itong sumagot .

"Hello , Babe asan ka na ?"

"Nasa labas na ako ng village niyo" sabi ko

"Okay , just drive straight makikita mo ako sa labas " sabi niya

"Okay "

"Be safe , I love you " sabi niya

"Ito naman magkikita na tayo ilang sandali lang may pa be safe ka pang nalalaman " sabi ko

"Mas mabuting yan ang sabihin ko sayo kay sa naman agad akong mag sabi ng bye so Be safe na lang mas maganda " sabi niya , hindi pa rin napapagod si Aron na pakiligin ako.

Ewan ko ba kung saan niya nakukuha ang pagiging sweet eh malabo namang ma impluwensyahan siya ni Evan , hindi yun sweet patago lang tapos kung si Anthony naman torpe saka mapalihin hindi naman ganun si Aron malabo ding si Tyson dahil yun talaga ang babaero sa kanila , si Jeff naman laging maingay saka galit pero kay Kathy ngalang .

I drove slowly para makita ko kung nasaan si Aron at ng maka lampas ako sa pang pitong bahay doon nakita ko si Aron , kumakaway pa ang loko .

Ipinarada ko ang sasakyan ko sa harap ng bahay nila at agad namang lumapit si Aron sa akin , bumaba na ako inalalayan pa ako ni Aron upang makalabas .Ng makalabas na ako ay agad akong niyakap ni Aron ng mahigpit

"I miss you " sabi niya habang yakap yakap ako ng mahigpit ,'Loko talaga hindi man lang hinintay na masara ko ang pintuan ng sasakyan ' sabi ko sa aking isip

"I miss you too " saad ko saka bumawi sa yakap niya , after a few seconds ay bumitaw na siya saka hinalikan ang pisngi ko .

"How's school ?" tanong niya

"Fine , kakatapos lang ng exam kaya free na kaming lahat saka wala naman ako nga lackings kaya pwede na talaga ako everytime " sabi ko

"That's great to here , same with us kaso next week pa kami free may last project pa kaming ginagawa " sabi niya kaya tumango tango lang ako , kinuha ko ang aking bag sa loob saka lumabas at isinara ang sasakyan magkahawak kamay kaming nagtungo sa kanila

Binuksan niya ang bahay nila saka ako pinaunang pumasok

"Oh you're here?" napa tigin ako sa isang babae na sa tingin ko ay nasa mga 30s na , lumapit ito sa akin naramdaman ko naman ang kamay ni Aron sa aking likuran at pinalapit ako sa babae

"Mom si Jenny , daughter of tito Nestion , my girlfriend" pagpapakilala ni Aron sa akin sa kanyang ina

"Good afternoon po " sabi ko , lumapit ang mommy ni Aron sa akin saka ako niyakap at nakipag beso beso sa akin

Bad Boy Series #2 : Loving Aron Castergon (COMPLETE)Where stories live. Discover now