CHAPTER 34

61 8 0
                                    

KASALUKUYAN akong nasa school namin hinahanap si Jessica dahil sasabay daw siya sa akin kumain actually kasama na din namin si Kathy at Allena .

“Nasaan na ba ang kapatid mo ?” tanong ni Kathy sa akin naiinip na kasi siya sa kakahintay 

“Papunta na yun “ sabi ko 

“Oh wala pa pala si Jessica ?” tanong ni Allena , kakabalik lang niya galing sa counter para bumili ng pagkain 

“Puntahan ko na lang “ sabi ko , tumango sila , naglakad na ako patungo sa building nina Jessica , agad kong nakita ang kapatid ko kasama si Vivian at mukhang nagtatalo ang dalawa .Agad akong nagtago at nakinig sa away nila 

“Bat mo ginawa ?” galit na tanong ni Jessica kay Vivian , habang si Vivian ay naka sandal lang sa gilid at naka krus ang kamay 

“Why not thank me , ng dahil sa ginawa ko mapapansin ka na niya “ sabi ni Vivian 

“Vivian hindi ko kilangan ng atensyon niya “ sabi ni Jessica , galit na galit ang kapatid ko 

“Alam mo simula ng lumipat ka sa bahay ng dad mo nagiba ka na , dati naman okay lang sayo ah mas gusto mo ngayun diba na ako ang gumagawa ng move para sa mga gusto mo “ sabi ni Vivian , napa pikit si Jessica at nakita kong umigting ang panga niya 

“Yun na nga eh , nagiba na ako kaya ayaw ko na sa mga ganyan bawiin mo yung sinabi mo kay Carl “ sabi ni Jessica, napa ngisi si Vivian at inirapan si Jessica 

“And who are you to order me around ? baka nakakalimutan mo kung hindi dahil sa akin hindi ka magiging kasing tapang ng kung sino ka ngayon , baka ngayon tuluyan ka na talagang inetsapwera ng lahat kaya ka iniwan ng mama mo dahil mahina ka saka katulad ka rin naman ng mama mo mga malalandi , sinira niyo ang pamilya nina Jenny tapos pati na pamilya ni Tita Cassie  “ sabi ni Vivian , nakita kong tumulo na ang luha ni Jessica nakita ko rin napa kamao na si Jessica 

“Bawiin mo yun!” malakas na ang boses ni Jessica galit na galit na ito kay Vivian , at si Vivian naman nanatili lang na kalmado at tinatarayan pa si Jessica 

“Totoo naman ah kabit ang mama mo tatlong lalaki pa talaga ang tinira niya tapos magkakaibigan pa ng dahil sa kalandian niya  namatay ang kapatid ni Aron , namatay si tito Casper tapos iniwan ni tita Jessel ang mga anak niya hindi na ako mabibigla kung pati ikaw maging katulad niya “ agad na sinampal ni Jessica si Vivian , hindi makapaniwala si Vivian sa pagsampal ni Jessica 

“How dare you !” sinampal ni Vivian si Jessica agad napa dapa si Jessica agad naman akong lumapit kay Jessica , naka hawak lang ito sa pisngi niya .

“Isa kang malanding babae mangaagaw katulad ng mama mo, diba nga ikaw ang may kasalanan kung bakit naghiwalay sina Althea at Jay dahil nilandi mo si Jay “ sabi ni Vivian tinulungan kong tumayo si Jessica 

“Hindi totoo yan !” patuloy lang na umaagos ang luha ni Jessica 

“Tama na “ sabi ko kay Jessica 

“I’m not lying , I saw the video ikaw ang unang humalik sa kay Jay kaya siya na tukso , you seduced him! “ sabi ni Vivian dumami na ang mga tao sa paligid namain dahil sa mga sigaw nila 

Agad na nilibot ni Jessica ang mga paningin niya ng marinig ang mga bulong bulungan 

“Gosh akala ko pa naman mabait “ sabi ng isa 

“Sayang ang ganda niya “ 

“Totoo pala yung video akala ko edited “

Napa kuyom ang kamao ko ng marinig ang mga bulong bulungan nila mas lumakas ang iyak ni Jessica .

Bad Boy Series #2 : Loving Aron Castergon (COMPLETE)Where stories live. Discover now