*Jenny's pov *
Few days have past at hindi ko na mabilang ang mga pagkakataon na nag kikita kami ni Aron kahit nga yung pont system na ginawa ko kung sino ang mangiinis ay tuluyan nang nawala
Kasalukuyan kaming nasa Naves High ang paaralan nina Allena , ngayon kasi mangyayari ang Face Of Naves kung saan kasali si Allena at Aron / Mister Typhoon
Hindi ko alam kung bakit pero pagkatapos lang ng ilang pagtatagpo namin ni Aron nasanay na ako na Mister Typhoon ang tawag sa kanya
Magkakilala na kaming lahat ng dahil na din sa paminsan minsan na pagtatagpo naming mga babae at ng mga kaibigan ni Anthony
Ng makaupo na kami nina Ann ay nag paalam muna ang mga binata na pupuntahan si Allena at si Aron sa backstage habang naiwan si Evan dahil kailangan niyang icheck ang buong venue ng event
Hinintay namin sina Anthnoy na bumalik at makalipas lang ang ilang minuto ay bumalik na sila si Athony ay umupo sa tabi ni Ann habang si Kathy ay lumapit kay Jeff
After 5 minutes biglang nagsalita ang mc dahil sisimulan na daw nila ang pagent after 5 minutes
*Aron's pov*
"Is there a problem ?" tanong ko kay Allena na nakangiting nakatingin sa labas ng stage , humarap siya sa akin
"Wala masaya lang ako na nandito mga kaibigan ko " sagot ni Allena
Tumingin muna ako saglit sa labas kung saan nakatingin si Allena nakita ko ang mga kaibigan namin pati na ang mga babaeng kaibigan ni Allena , biglang pumasok sa isip ko ang mga nangyari noong nakaraang linggo sa amin ni Jenny
"Yeah, pakisabi nga pala sa tomboy mong kaibigan ibalik niya ang polo ko " sabi ko nakita ko namang napa ngiti si Allena
"Nagkakamabutihan na pala kayo ?" nabigla ako sa tanong ni Allena
"Wala yun pinahiram ko lang naman " sabi ko
"Okay " sabi niya , alam ko sa tono ni Allena na hindi siya naniniwala nagkatinginan at sabay na tumawa
Tinawag na ang mga contestants dahil malapit nang mag start
Bigla kong naalala ang nangyari noong nakaraang linggo kung bakit na kay Jenny ang polo ko
F L A S H B A C K
Naglalakad ako papunta sa Cafe kung saan ko laging nakikita si Jenny , simula noong una ko siyang nakita doon ay palagi na din akong pumupunta rito ewan ko ba para bang hindi na bubuo ang linggo ko kapag hindi ko siya nakikita
Papasok na ako ng Cafe ng biglang may bumangga sa akin sabay ay nakarinig kami ng isang malakas na tinig
"TULONG MAGNANAKAW!" napalingon ako sa likuran ko , si Jenny pala ang sumigaw tumatakbo itong hinahabol ang isang lalaki na papasok ng Cafe na siya ring naka bangga sa akin
Dahil connected ang Cafe sa isang mall may tatlong pintuan ito dalawa sa labas at isa papasok sa mall tumingin ulit ako sa lalaking tinawag ni Jenny na magnanakaw at agad na hinabol ito
Mabilis tumakbo ang lalaki ngunit hindi ako magpapatalo ' Baka ex-athlete ito ' sabi ko sa aking sarili , patuloy ko na hinabol ang lalaki
"Excuse me "
"Excuse " sabi ko sa mga taong dinadaanan ko habang hinahabol ang lalaki
Hanggang sa ma corner ko ang lalaki sa isang boutique kung saan walang labasan kaagad kong sinabihan ang guard na hulihin siya
"Kuya magnanakaw yan hulihin ninyo !" mabilis ko na sinabi , sa bilis ng aking pagbigkas ay para na akong nag rap
Agad na hinugot ng isang Guard ang barili niya , napa upo nalang ang lalaki dahil sa pagod at dahil alam niyang hindi na siya makakatakas pa , hinawakan ko siya sa damit mula sa likuran
YOU ARE READING
Bad Boy Series #2 : Loving Aron Castergon (COMPLETE)
RomanceWARNING: R18+| SPG M A T U R E D C O N T E N T A H E A D Aron Castergon isang lalaking cold , matapang , maangas, ngunit mabuti Jenny ang boyish girl na may overprotective na pamilya Pinagtagpo dahil sa kanilang mga kaibigan , nag mahalan ,nagsak...