CHAPTER 29

52 7 0
                                    

MATAPOS KUMAIN ay nagtungo na kami sa salas at nagsimula ng manood ng pelikula , pumili si dad ng bagong action film , isa din yan sa mga rason kung bakit pumayag ako kay Allena ng sinabihan niya akong sumali ng gang . Mahilig kasi sina dad ng action kaya nakahiligan na din naming lahat 

Matapos ang palabas ay isa isa na kaming nagtungo sa mga kwarto namin , kasma ni Aron si kuya Jyro , si kuya Jyro lang kasi ang hindi maselan kapag natutulog , yung iba may iba't ibang weird characteristics . Si kuya Roji hindi nakakatulog pag wala ang mga stuff toy niya , si kuya Jae hindi nakakatulog kapag walang maraming unan sa kanyang buong higaan, Tapos si kuya Jameson naman hindi nakakatulog ng walang music .

Maron naman ding ganoon si kuya Jyro pero hindi katulad ng iba kong kuya , hindi nakakatulog si kuya Jyro ng hindi siya nakakabasa ng libro , kahit anong libro okay lang sabi ni kuya kaya daw siya nagbabasa para kapag natulog siya maayos ang utak kung baga nawawa lahat ng stress na iniisip niya kapag nagbabasa siya .

Ako naman well .. nakatulog lang ako kapag nakikita ko si Aron … Karott ano ba hindi naman ako ganon ka landi masyado , pero sa totoo lang nakakatulog ako kahit walang weird na ginagawa pero mas mahimbing akong makakatulog kapag naka suot ako ng sleep mask o kaya naman ay kinakantahan ako bago matulog , yun kasi ang ginagawa nina Dad sa akin dati .

   𝛐  𝛐  𝛐 

SA MAKALIPAS NA APAT NA ARAW. palagi pa rin kaming nagkikita ni Aron , minsan sa cafe ni Ron minsan naman pinupuntahan niya ako sa bahay kapag tapos na ang classes niya kapag naman walang pasok pumupunta kami sa kanila , tinuturuan ako ni Tita mag luto minsan siya rin ang nagtuturo .

Naglalakad ako ngayon sa hallway ng school kakatapos lang ng last period ko sa morning , I messaged Kathy kung nasaan na siya sabi niya nasa cafeteria na daw siya si Allena naman ay susunod na lang daw may pinagawa pa kasi ang prof nila , busy si Allena dahil siya ang ginawang Student government president  ng batch namin for the student council , noong una tumangi pa si Allena kaso pinilit siya ng prof kaya ayun she said yes .

Si Kathy naman hindi pa masyadong busy dahil wala pang events and school , siya naman ang president ng dance club , sabi ni Kathy ayaw naman daw niya maging president kaso nakilala siya , kalaban pa nga daw niya si Vivian sa votings .

Samantala ako naman ay sumali sa journalism club , I have been fond of writing kaya nga mass com din ang kinuha ko pangarap kong makapag trabaho sa isa sa mga sikat na publishing house , it’s either Italy , paris of new york yun ang big dreams ko .

“Jen “ kunmaway si Kathy sa akin , inilagay ko na ang bag ko sa gilid at agad na umupo 

“How was class ?” agad na tanong ni Kathy sa akin 

“Same …same , you ?” I saw  Kathy shrugs her shoulders before answering my question 

“Well I saw new boys kanina “ kinikilig pa siya agad ko siyang inirapan 

“At sino naman ang mga iyon ?” tanong ko 

“It was members of POF ,remember yung dating naka laban nina Ann sa battle of bands they came to visit one of their member yung Vincent “ sabi niya 

“Ay si Vincent , blockmate ko yun Kath “ sabi ko , agad naman nanlaki ang mga mata niya at agad na lumapit sa akin 

“Pakilala mo naman ako please” may pa nguso nguso pang nalalaman si Kathy 

“Bakit naman ?” tanong ko 

“I want to be close to him , like ko kasi isa sa mga members nila yung guitaris si Makel , girl please pakilala mo ko “ napa irap ulit ako 

“Sige ipapakilala kita …” sabi ko agad na lumawak ang kanyang ngiti 

“Yeah , thank you girl “ sabi nito sabay yakap sa akin 

Bad Boy Series #2 : Loving Aron Castergon (COMPLETE)Where stories live. Discover now