WARNING : Welcome to the exciting part .. Chariss ..
WARNING : Some words, actions , and scenes might not be suitable for young readers .. I do not support nor promote these actions; these are just needed for the theme of the story .
READ AT YOUR OWN RISK
(The scene can be very detailed , if you don't like how detailed I became for this scene feel free to remove my story in your library , youngsters who support me can read but please be open minded . I have already given a warning .)
MATAPOS naming kumain ay pumunta kami sa loob ng bahay at nagtungo sa living room nina Aron . Magkatabi sina tita Cassie at tita Mariel sa malaking sofa pati na si tita James at tito Athan.
Habang si ate Catherin naman ay nasa isang single chair pati na si Vivian , magkatabi naman kami ni Aron sa isang masikip na upuan , ayaw niya daw kasing humiwalay , nahihiya pa nga ako dahil para na akong uupo sa kandungan niya . sina Kate at Karlo naman ay umupo na lang sa carpet .
"Oo nga pala bago mas lumalim ang gabi , may cupcakes pa pala kunin ko muna " sabi ni tita Mariel tapos tumayo
"Tulungan ko na po kayo " sabi ko sabay sumunod sa kanya sa kitchen
"Jen pagpasensyahan mo na ang tita Cassie mo ah " sabi ni tita habang hinahanda namin ang ginawa naming cupcakes
"Wala po yun tita , hindi naman po kasalanan ni tita Cass kung bakit hindi niya alam . Pero aaminin ko po medjo na bigla at kinabahan ako dahil doon , akala ko kasi sasabunutan niya ako tapos kakaladkarin palabas " sabi ko mahinang napa tawa si tita
"Buti na lang din po talaga nandon si Aron " sabi ko , napa tingin naman siya sa akin
"Jen , are you really sure about my son ?" biglang tanong ni tita , nginitian ko siya tumango
"Hindi po ako sure kung siya na ba talaga , pero isa lang po ang sure na sure ako at yun ay mahal ko siya at masaya ako kapag kasama ko siya . Kaya niyo po ba yan na tatanong dahil mapaglaro si Aron ?" tanong ko tumango naman si tita
"Jen , nakikita kong mabait kang bata pero yang anak kong yan hindi yan mabait lalo na sa babae well except sa amin na mga kapamilya niya . Hindi ko talaga alam kung bakit mahal mo ang anak ko alam mo namang babaero yan , pero Jen hindi kita pipigilan gusto ko lang sabihin sayo na wag mong ibuhos lahat ng pagmamahal mo sa anak ko dahil alam kong masasaktan ka lang niya at pag dumating yun tiyak na mas matatakot ka ng magmahal muli " sabi ni tita
"Mabait po si Aron sa akin , well hindi noong mga unang pagkakakilala ko sa kanya pero ng tumagal na po doon ko po nakita na maalaga siya at mapagmahal , yun po ang minahal ko kay Aron alam ko naman pong hindi pa siya nagbabago pero isa lang po ang maititiyak ko sa aking sarili. Yun ay mahal niya ako at kakayanin niyang magbago " sabi ko
"Ngayon alam ko na kung bakit ikaw ang pinili ni Aron , salamat . My son needs all the love and change he needs " sabi nito . makalipas lang ang ilang segundo ay nagtungo na kami pabalik sa salas naabutan naming nagtatawanan sila
"Oo nga noh umakyat ka pa sa puno para lang ikuha ako ng mangga noong naglilihi ako kay Karlo " sabi ni tita Cassie
"Here are the cupcakes " isa isang inilagay namin ni tita Mariel ang mga tray na may lamang cupcakes , isa isa silang tumayo at kumuha umupo na ulit ako sa tabi ni Aron at sa pagkakataon na ito ay nakaupo na ako sa isang binti niya .
"Aron anak dito ka na lang kaya sa sahig umupo ,nahihirapan na si Jenny " sabi ni tita Mariel kay Aron pero umiling si Aron
"Where Jenny sits is where I sit " ramdam ko ang pag init ng aking pisngi dahil sa kanyang sinabi

YOU ARE READING
Bad Boy Series #2 : Loving Aron Castergon (COMPLETE)
RomanceWARNING: R18+| SPG M A T U R E D C O N T E N T A H E A D Aron Castergon isang lalaking cold , matapang , maangas, ngunit mabuti Jenny ang boyish girl na may overprotective na pamilya Pinagtagpo dahil sa kanilang mga kaibigan , nag mahalan ,nagsak...