Lavelle's Pov
After 5 months ay nakabalik na kami ng parents ko dito sa Pilipinas. May makakasama kasi ang ninang ko doon sa Iceland, dumating ang anak niya galing Australia. Gusto ko man mag stay doon kaya lang kailangan ko ng maghanap ng trabaho. Ayoko maging pabigat sa mga magulang ko. Ayaw nga nila daddy kasi may mga business naman daw kami pero matanda na ako at kailangan ko na maging independent.
Nagpahatid ako sa driver namin dito sa mall, babalikan na lang daw niya ako mamaya after niyang maihatid sila mom sa mansion. Pagpasok ko sa loob ng mall ay bumungad sa akin ang couple na naglalambingan sa gilid ng halaman (decoration) pero familiar si boy...oh it was Stellan yung crush ko noon. Walang pinagbago sa mukha niya gwapo parin.
Tinignan ko yung kasama niya kung si Camilla ba yun pero hindi ah so hindi pala sila nagkatuluyan. Deserve. Naglakad na ako palayo sa kanila at pumasok sa dept store para mag shopping. Kakarating ko lang galing sa flight ko shopping kaagad hahaha. Bibili ako ng outfit ko for my interview char.
"Ouch!" ano ba naman itong si kuya hindi natingin sa dinadaanan niya.
"I'm so sorry miss nagmamadali kasi ako...here. Bumili ka ng bagong damit. Sorry talaga. I have to go." grabe naman yun 5k talaga yung binigay sa akin. Maglalakad na sana ako ng may naapakan akong isang business card. Kinuha ko yun at tinignan kung sino ang mayari ng card. Theodore Vincent Collins, nice name isa nga pala siyang real estate agent.
From: Mom
Anak umuwi ka muna bukas ka na mag shopping. Importante lang anak nasa parking lot na yung driver.
To: Mom
Okay po.
Buti wala pa akong nahahanap na damit. Lumabas ako ng dept store at naglakad papunta sa elevator para mas mabilis akong makarating sa parking lot ng mall.
"Lavelle?" tinignan ko naman yung nasa gilid ko. Oh no si, Stellan. "Remember me? Yung crush mo dati hahaha." ngumiti lang ako.
"Yeah I r-remember you. K-kamusta?"
"Ito okay lang naman, ikaw ba? Gumanda ka lalo ah." sus bolero.
"Okay lang din naman ako." bumukas ang pinto ng elevator kaya pumasok na kami sa loob. May mga ibang tao rin naman kaming kasama dito.
"Natuloy ka sa ibang bansa noon? Balita ko pumunta ka daw ng Spain?" tumango ako. "So nandito ka for vacation?" ang daming tanong nito e hindi naman siya ganito noon.
"Yes for vacation lang, babalik din ako next week." tapos nakita niya ako ulit no hahaha.
"We should hangout isama natin sila Camilla, Natalie at Julian." ngumiti ako.
"I'll try kung wala kaming gagawin ng family ko."
"Sige, message mo na lang ako sa facebook." tumango ako. Nauna na siyang lumabas sa akin at nagpahuli ako kasi ayaw ko siyang makasabay. Ang awkward kasi.
"Ma'am Elle, okay lang po ba kayo? Nakita ko po kasi kayo parang natatakot ka po."
"Hindi, ayos lang ako manong." sabi ko sa driver namin. Naglakad na kami papunta sa kotse. "Ano po bang meron sa mansion ngayon?"
"May bisita po kayo." pumasok na kami sa kotse at agad naman nag maneho si manong.
"Kilala mo ba manong?" kilala na ni manong yung mga bisita na pumupunta sa mansion.
"Hindi po, ngayon ko lang din po sila nakita."
"Okay po." kinabahan naman ako bigla sa bisita nila mommy what if mangungutang pala yun naku hindi pa naman yan sila marunong magbayad ng utang nila.
~••~~••~~••~
Pagkadating ko sa mansion kanina ay nakilala ko agad yung bisita nila mom at dad. It was Ford and his family they were asking to help their company. Ford asked to my parents kung pwede ba niya ako pakasalan buti hindi niya sinabi na may nangyari sa amin.
"You can't say no." nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.
"Sa tingin mo papayag ako?" he smirked at me. Arrggghh! Nakakainis talaga.
"Papayag ka man o hindi magpapaksal tayo. Ito lang ang naisip kong paraan para makuha ko ang CEO position at kapag nakuha ko na pwede na tayong magfile ng annulment." napailing ako.
"Bago mo makuha yang gusto mo dapat paghirapan mo muna hindi yung gagamit ka ng tao para makuha yun." ngumisi lang siya. "Hindi mo makukuha ang CEO position na gusto mo."
"Well see about that."
"Bago mo makuha ang position na yun alam na ng daddy mo na yun lang ang habol mo. Maling tao yung ginamit mo." naglakad na ako papasok ng mansion at nung malapit na ako sa kanya ay binangga ko siya. "Good luck." tsaka tuluyang pumasok sa loob.
Naabutan ko naman sila mom at yung family ni Ford na naguusap. May kapatid nga pala siyang babae her name is Princess Ezlyn Malcolm and she's 20 years old.
"Pare mauuna na kami, see you tomorrow?"
"Sure pare. Magiingat kayo." nagpaalam na din sila amin nung makakaalis sila ay pinaupo ko ulit ang parents ko. "What's wrong?"
"Bakit po kayo pumayag na ipakasal ako doon sa anak nila."
"Anak ganon talaga sa business industry tsaka pwede ka naman magfile ng annulment if hindi nagwork yung marriage niyo. Mabait naman si Ford nak." mabait? Hindi niyo lang po alam. Sa sama ng loob ko ay umakyat na lang ako at nagtungo sa kwarto ko.
Anong gagawin ko? Hindi ako papayag na gagamitin niya ako para lang makuha ang gusto niya. Paano naman ako? Hindi na matutupad ang mga pangarap ko kapag kasal na ako sa kanya. Tangina mo talaga, Ford.
~••~~••~~••~
BINABASA MO ANG
𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 𝐌𝐚𝐫𝐫𝐢𝐚𝐠𝐞
Romance𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐄𝐍𝐓 | 𝐑-𝟏𝟖 𝐖𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠: Not suitable for young readers and sensitive minds. It contains graphic sex scenes, adult languages and situations intended for mature readers only.