Habang may inaayos sila dad at mommy sa kumpanya ako naman nandito lang sa bahay pero minsan lumalabas ako kapag gusto ko mag shopping. Pero ngayon busy ako sa paglilinis ng mga gamit ko kasi ibibigay ko ang iba mga kasambahay namin na hindi makakasama sa Spain.
Ang iba kasi sa kanila nagaaral pa at yung iba ayaw payagan ng pamilya nila. Ibebenta na kasi nila mom itong mansion kasi hindi naman na kami babalik dito. If ever na magbabakasyon kami meron naman kaming condo at hotel.
"Ma'am Elle, may naghahanap po sa inyo Kaylene daw po." paano naman siya nakapasok dito at paano niya alam itong address namin.
"Sige, thank you." lumabas ako ng kwarto at bumaba sa hagdan. Naglakad ako papunta sa labas ng mansion at nakita ko si Kaylene. "What are you doing here?"
"Gusto sana kitang makausap tungkol kay Ford." kumunot naman ang noo ko.
"Kung pumunta ka dito para magkaawa na ibigay ko si Ford sayo." ngumiti ako. "Don't worry I already filed a annulment at naghihintay na lang kami..."
"Hindi yun...balikan mo siya...he n-needs you Aleyah." napangisi ako.
"Sayong-sayo na siya, diba magpapakasal pa kayong dalawa." umiiling siya. "Hindi na ako hahadlang sa inyong dalawa. You may leave." pumasok na ako sa mansion at naglakad patungo sa hagdan para umakyat.
~••~~••~~••~
Limang buwan ang nakalipas ay masaya naman ako dito sa Spain at agad akong nakahanap ng trabaho. Family friend yung mayari ng store kung saan ako nagta-trabaho. Pero last month may pumunta sa dito sa bahay at nanggugulo. He wants me back kasi niloko lang daw siya ng girlfriend niya. Again. And hindi daw niya tunay na anak yung pinagbubuntis ng babae. But I said no. Kasi ayaw kong magpagamit ulit sa kanya. Pero sabi niya hindi naman daw niya ako gagamitin, ewan ko natatakot ako at hindi na ako naniniwala sa kanya. Natatakot akong mahulog sa kanya ulit. Umuwi na siguro yun Pilipinas.
"Alam mo ba yung ginawa ni Ford?" nagtataka naman ako sa tanong ni Astrid sa akin.
"Hindi, wala naman kaming communication."
"Binalita lang din sa akin to ewan ko lang kung totoo pero sabi nila natagpuang patay sila Stellan at Camilla kanina sa apartment nila. Diba nakwento mo sa akin noon maghihiganti ka sa nangbully sayo." pinatay ni Ford? OMG.
"Hindi naman siguro si Ford ang may gawa tsaka bakit naman niya gagawin yun eh hindi naman niya kilala sila Stellan at Camilla." tangina kaya nga pala ni Ford maghire ng P.I pero anong dahilan? Bakit niya pinatay?
Kakauwi ko lang dito sa bahay nagkita kasi kami ni Astrid sa coffee shop, dalawang linggo na kaming hindi nagkita kasi busy kami parihas sa work. Isa kasi siyang nurse kaya busy.
"Ma'am, pinapatawag ka po ni sir Cyrus." nandito siya? "K-kakarating lang din po nila." sino na naman ang kasama niya.
"Saan siya?"
"Nasa backyard po." tumango ako. Binigay ko kay yaya yung bag ko at dumiretso sa backyard. Hindi pa ako nakalabas ay nakita ko si kuya Cyrus na may kasamang babae. I think that his girlfriend. Lumabas na ako at nilapitan sila.
"You're looking for me daw?" nilingon naman nila ako. Nginitian ako ng babae.
"Bunso may ipakilala ako sayo." tinignan ko naman yung babae. "This is Shaila Auriana Estévez my fiancée..." fiancée? Dapat pala hindi na ako nagpakita. Tinalikuran ko sila at nagmamadaling maglakad papasok ng bahay. Tinawag pa ako ni kuya pero hindi ako lumingon sa kanya.
Iniwan na lang talaga ako nila kuya. Si kuya Joshua pinakilala na din niya sa amin yung fiancée niya last month. Pumasok na ako sa kwarto ko at nilock yung pinto. Ayaw ko muna may kausap.
"Anak? Can we talk?"
"Sorry mom pero gusto ko muna mapagisa."
"Alright..." sino yung kausap ni mom sa labas. Humiga ako sa bed at binuksan yung t.v. Naghahanap ako ng magandang movie sa Netflix pero wala akong nagustuhan kaya pinatay ko na lang yung t.v at natulog.
~••~••~~••~
Nagising ako ng madaling araw shet napahaba ang tulog ko. Nakaramdam ako ng gutom kaya bumangon ako at naglakad papunta sa pinto ng kwarto ko. Sinuot ko muna yung jacket ko bago lumabas. Itong bahay walang heaters kasi hindi sanay si daddy sa ganon. Bumaba na ako at nagtungo sa kitchen. Parang gusto kong kumain ng carbonara madali lang naman yun lutuin.
Pagpasok ko sa kitchen ay nakita ko yung cupcakes at brownies sa countertop. Nagbake ata si mommy. Mamaya na yan magluluto muna ako. Hinanap ko yung pasta sa pantry kaso ubos na pala. NOOOO! Pwede naman siguro itong spaghetti no tsk ako lang naman kakain eh.
"Maybe mom forgot to turn off the lights." napalingon naman ako sa likuran ko kung sino yung nagsalita pero walang tao. Lord gutom na gutom na po talaga ako bukas na lang yang pananakot niyo. Habang nilukuto ko yung pasta bigla naman nag patay sindi yung ilaw.
"Putangina!" dinampot ko yung knife...tanga mo Aleyah hindi naman sila masasaktan sa knife. Jusko naman ngayon pa talaga kung kailan ako gutom. Tinignan ko wall clock 1am pa lang eh.
"Ma'am? Hala! Sorry po, nagpalit lang po ng ilaw sa backyard." tumango ako. Pumasok naman sila kuya Cyrus at kuya Joshua dito sa kitchen.
"You're hungry?" hindi ko sila pinansin. "May dala kaming pagkain mo, alam naman kasi namin na kumakain ka ng midnight." yung favorite ko pa talaga ang dinala ha.
"Upo ka, ako na magluluto ng carbonara mo." pinaupo naman ako ni kuya Joshua sa stool at sila na ang nagluto ng pasta. Tinikman ko na lang yung cupcake na gawa ni mommy. Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni kuya Cyrus mula sa likod.
"I'm sorry bunso." ang higpit ng yakap niya sa akin. "Hindi ka namin nakalimutan and sorry kung wala kami nung kasal mo. Sorry din kung wala kami sa tabi mo kapag kailangan mo kami." pinaharap niya ako sa kanya kaya tumingala ako. "Mapapaatawad mo parin ba kami? A-anong kailangan namin gawin ni Joshua para lang mapatawad mo kami." iiwas sana ako ng tingin nang hinawakan niya ang mukha ko.
"Gusto mo bang h-hiwalayan ko si Sarah?" Sarah Blanche Travleso, ang fiancée ni kuya Joshua. "Gagawin ko yun bunso basta magkaayos lang tayo." napayuko ako. Hindi ko kasi alam yung isasagot ko eh.
"Bunso look at me..." tinignan ko ulit si kuya Cyrus. "Alam namin na malaki ang pagkukulang namin sayo bilang mga kuya mo pero kung yun ang paraan para magkaayos tayong tatlo. Sige, hihiwalayan ko din si Shaila. Mahal kita bunso." hinalikan ni kuya Cyrus yung noo ko at niyakap ako ng mahigpit.
"Kain ka na." nilapag naman ni kuya Joshua yung carbonara sa harapan ko at hinalikan ang ulo ko bago lumabas ng kitchen. I don't know kung matutuwa ba ako. Hihiwalayan nila yung fiancée nila para magkaayos lang kami. Ang gusto ko lang ay bumawi sila sa akin kasi matagal kaming hindi nagkasama, yun lang.
~••~~••~~••~
BINABASA MO ANG
𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 𝐌𝐚𝐫𝐫𝐢𝐚𝐠𝐞
Romance𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐄𝐍𝐓 | 𝐑-𝟏𝟖 𝐖𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠: Not suitable for young readers and sensitive minds. It contains graphic sex scenes, adult languages and situations intended for mature readers only.