Nakaupo lang ako dito sa couch habang umiinom ng kape. Hinihintay ko lang makaluto sila yaya ng breakfast. Maaga din kasi ako nagising dahil maaga din ako natulog kagabi.
"Elle." umupo si yaya Nelly sa tabi ko. "Nagtatampo ka daw sa mga kuya mo?" ngumiti lang ako kay yaya. Si yaya Nelly na kasi halos kasama namin noon sa bahay dahil busy sila mom at daddy sa kumpanya.
"Parang nakalimutan na po kasi nila ako yaya, noon nung wala pa silang mga girlfriend araw-araw naman kaming naguusap. Nung nagka-girlfriend po si kuya Cyrus naitindihan ko at naiitindihan ko po na wala kaming communication, baka kasi gusto na magasawa ni kuya kaya hindi rin ako nagparamdam sa kanya. Pero nung nagka-girlfriend si kuya Joshua...I f-felt betrayed yaya." tumulo ang luha ko. Hinagod naman ni yaya ang likod ko.
"S-sabi kasi ni kuya Joshua noon h-hindi niya ako iiwan at tutuparin niya daw yung promise niya pero hindi niya tinupad." tumango si yaya.
"Kinausap mo ba si Joshua tungkol dyan? Sinabi mo ba sa kanila yan?" umiiling ako. "Matanda na kasi mga kuya mo, Elle. Nasabi ng mommy mo sa akin kagabi na nanghihingi na sila ng apo sa dalawa kaya siguro na-pressure pero mahal ka ng mga kuya mo." hindi ko sure. After namin magusap ni yaya ay pumunta na kami sa kitchen at sinabayan niya akong kumain.
Dumating naman si Ford at nakabihis na siya. Umupo siya sa harapan ko. Binilisan ko na lang kumain para makaalis na ako dito.
"Aalis nga pala ako yaya."
"Gusto mo samahan kita?" umiiling ako. "Magiingat ka." tumango ako kay yaya tsaka tumayo. Naglakad na ako palabas ng kitchen at nagmamadaling umakyat. Pumasok ako sa kwarto ko at nilock yung pinto. Pumasok ako ng banyo para makaligo na.
~••~~••~~••~
Kakarating ko lang dito sa kumpanya at agad kong pinuntahan sila mom sa office. Sabi kasi ng secretary kakatapos lang daw ng meeting nila mom. Yung mga nakakasalubong kong employees binabati parin nila ako.
"Mom..." ano na naman ginagawa ni Ford dito. "Balik na lang po ako mamaya." isasara ko na sana yung pinto ng pigilan ako ni mommy.
"Patapos na din ang meeting namin anak." tumayo lang ako sa gilid ng pinto habang hinihintay silang matapos.
"Balik na lang po ako mamaya mom." mom? Mommy mo ba? Feeling close amp. Tumayo na siya at naglakad papunta sa pinto. Naglakad na din ako papunta kay mom.
"Wag mo naman sungitan si Ford anak." umupo ako sa upuan.
"Parang magkasundo na kayo mom ah." medyo natawa si mommy.
"I'm just helping him anak ikaw naman." tumango na lang ako. "Napadalaw ka?"
"Sabay po sana tayo kumain ng lunch kaya lang napaaga ata ako."
"Wala naman akong ginagawa pero yung daddy mo may meeting pa, gusto mo ba hintayin na lang natin sa mall." agad akong tumango.
"Shopping tayo mom, matagal na po tayong hindi nakapag-shopping eh."
"Sure anak." kinuha ni mom yung bag niya tsaka kami umalis ng office. Naglakad kami ni mommy papunta sa elevator.
~••~~••~~••~
After namin kumain nila mom at dad ay bumalik na kami dito sa kumpanya. Nakapag-shopping din kami kanina while waiting for dad. Ngayon na lang ako nakabalik dito matagal-tagal din akong hindi sumasama kanila mom dito.
Pupuntahan ko yung mini boutique dito sa kumpanya. Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko naman si Ford, hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hangang makarating ako sa boutique.
"Ma'am, bilhin niyo na po ito." pinakita naman ni manang yung cookies at brownies.
"Bilhin ko din yang macaroons, manang."
"Naku kay sir Ford po yan, Ma'am."
"Anak po ng mayari." medyo nagulat si manang sa sinabi ko.
"S-sige po, sa inyo na lang." ngumiti ako kay manang. Then pumasok ako sa loob ng boutique kasi nakita ko itong spicy noodles tapos may nakita akong buko juice in can kinuha ko na rin. Binayaran ko na yunt pinamili ko.
"Salamat, manang."
"Salamat din po." lumabas na ako at naglakad palabalik sa office nila mom. Kumakain pala ng macaroons si Ford or baka ibibigay niya sa iba tsk. Pagkadating ko sa office ay wala na si mom baka pumunta na sa meeting niya. Kinuha ko na lang yung mga shopping bags at lumabas ng office.
Naglakad ako papunta sa elevator ng may biglang kumuha sa shopping bag na dala ko. Nagulat ako pagkatingin ko.
"Let me help you." kinuha niya sa kamay ko ang shopping bag. "Are you going home?" tumango lang ako. "Hatid na lang kita, let's go." anong nakain niya. Nilingon niya ako kaya naglakad na ako papunta sa elevator at pumasok sa loob.
Ibigay ko na lang kaya yung macaroons niya parang ma-konsenya naman ako. Tahimik lang kaming dalawa dito sa elevator. Bumukas na yung pinto ng elevator at lumabas tsaka ako sumunod. Nandito nga pala kami sa basement ng kumpanya.
"Drix!" napalingon naman kami ni Ford sa tumawag sa kanya. Si kuya Joshua lang pala. "Ako na maghahatid kay, Aleyah." umiiling ako kay Ford.
"Sige brad." sinamaan ko siya ng tingin.
"I can go home, you don't have to drop me off." sabi ko kay kuya Joshua.
"Aleyah talk to me, please?" hindi ako sumagot. "Bunso naman hangang kailan ba yang tampo mo sa amin ni, James?" kinuha ko kay Ford yung shopping bag tsaka ako naglakad papunta sa kotse ko. I saw kuya Robin outside my car.
"Let's go home." tinulungan naman ako ni kuya Robin sa mga dala ko. Binuksan ko yung pinto at nagmamadaling pumasok sa kotse. Nakita ko sila kuya at Ford na nakatayo lang at nakatingin dito sa amin. Nag maneho na si kuya Robin.
Wala akong balak kausapin yang si kuya. Hindi ganon kadali kalimutan yung ginawa nila parang hindi kapatid eh.
~••~~••~~••~
BINABASA MO ANG
𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 𝐌𝐚𝐫𝐫𝐢𝐚𝐠𝐞
Romance𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐄𝐍𝐓 | 𝐑-𝟏𝟖 𝐖𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠: Not suitable for young readers and sensitive minds. It contains graphic sex scenes, adult languages and situations intended for mature readers only.