𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 6

490 10 1
                                    

Lumipas ang dalawang buwan ay napapansin ko yung pagbabago ni Ford. Kung dati maaga siyang umuuwi ngayon madaling araw na minsan din uuwi siya ng bahay para magpalit ng damit tapos aalis ulit. Hindi na rin siya nagdadala ng babae kapag uuwi sa bahay ng lasing, alam kong may something talaga sa kanya.

Kaya ngayon susundan namin siya ng bestfriend kong si Anneliese Astrid Flair. Umuwi siya dito sa Pilipinas for vacation. Papunta kami ngayon sa isang hotel na tinext ni kuya Robin sa akin. Siya kasi ang inutusan kong sundan si Ford.

"Babe what if may babae siya?" napatingin ako sa tanong ni Astrid. "What if niloloko ka na niya, ano gagawin mo?" I shrugged. Lumabas na kami ng kotse ni Astrid at naglakad papasok ng hotel.

Kung may babae man siya hindi ko parin ibibigay yung gusto niya. Not so fast. Dumaan na lang kami sa fire exit para safe, kung sa elevator kasi baka bigla silang sumakay edi nabuko kami tsaka sa second floor lang naman.

"Babe kung niloloko ka na please lang wag kang martyr." ngumiti ako at tumango. Nang makarating kami sa second floor ay agad namin hinanap yung room na tinext ni kuya Robin.

"This room." sabi ko kay Astrid. Napatingin kami sa pinto kung nabukas ba kasi papasok na lang kami pero nakarinig kami ng ingay.

"Ohhh...Yes! Harder...fuck! Ahhh! Ahhh! F-ford fuck me harder...yes!"

Dahan-dahan buksan ni Astrid yung pinto at sumilip sa loob. Sumilip na din ako. Si Ford nga nakapatong ito sa babae. Hinila ko na si Astrid paalis doon at pinindot yung elevator.

"Walangya talaga yang asawa mo." hindi ako nagsalita. Kahit anong gawin niya hindi niya makukuha ang gusto niyang position baka hindi na niya makukuha eh.

~••~~••~~••~

Nandito na sa bahay at kahit inaantok na ako kailangan kong hintayin si Ford to confront him. Hindi ko nga alam bakit ko pa siya kakausapin eh kasal lang naman kami sa papel.

Bumukas ang pinto at iniluwa nun si Ford na maraming chikinini sa leeg. Napailing-iling na lang ako sa nakita ko. Nilapitan niya ako at hinagis sa couch yung gamit niya.

"What are you doing there, huh?" kumunot ang noo ko. "I saw you on CCTV! What are you doing there? Let me tell you this para alam mo. I owned that fucking hotel." ngumisi ako.

"Sino yung kinakantot mo kanina? Babae mo na naman? Ang shala hotel talaga." niluwagan niya yung necktie niya.

"None of your business."

"None of my business? Baka nakalimutan mo'ng kasal ka sakin." natawa siya sa sinabi ko.

"Sa papel lang tayo kasal, don't assume na magugustuhan kita and I married you because..."

"You married because of the position, right? Kailangan mo para bumalik sayo ang taong mahal mo." nagulat siya sa sinabi ko.

"A-alam mo naman pala, hindi ko na kailangan magpaliwanag sayo."

"Don't worry ako na magfile ng annulment once na nakuha mo na yung gusto mo." umakyat na ako at pumasok sa kwarto ko. Asa ka naman Ford. Never mong makukuha yung position na gusto mo.

THE NEXT DAY

Tinatamad akong bumangon at kumain. Kanina pa nga ako nakatulala dito sa kwarto ko eh at maraming beses na din pabalik-balik sila yaya dito sa kwarto ko para ayain kumain. Bakit affected ako sa nangyari kagabi putangina. Bumangon na lang ako at pumasok sa banyo para maligo.

After kong maligo at magbibis ay lumabas na ako ng kwarto tsaka bumaba. Habang pababa ako ng hagdan napansin ko si Ford na may kasamang babae sa couch, hindi nila ako napansin kasi nakatalikod sila sa akin.

"Ma'am Elle, kumain na po kayo." tumango ako. Pumasok na si yaya sa loob ng kitchen, susunod na sana ako ng nagsalita yung babae.

"Sino siya babe?" tanong ng babae ni Ford sa kanya. Tinignan naman ako ni Ford at sabay sabing.

"Just my wife, don't mind her." ngumisi naman yung babaeng mukhang basahan.

"Hey you...get me some water and cook something." tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi niya ako katulong dito, bakit hindi ikaw ang kumuha? Are you scared?" umuusok sa galit yung haliparot. Tinignan naman ako ng masama ni Ford. "Wag mo akong matignan ng ganyan Ford, sino ba nagalok ng kasal? Diba ikaw?" iniwan ko na sila doon at pumasok sa kitchen. Kapal ng mukha.

"Ma'am Elle, gusto mong resbakan?" ngumiti at umiiling-iling. Nagsimula na akong kumain. Kaya ko silang dalawa at hindi ko kailangan ng tulong. Ilalabas ko yang baho mo tignan natin.

Pagkatapos kong kumain ay lumabas na ako ng kitchen. Nandito pa pala yung haliparot. Ano kaya magandang gawin? Pinagmamasdan ko lang sila habang nagiisip.

"Babe kailan mo ba hihiwalayan yang fake wife mo?"

"Kapag nakuha ko na yung position ko babe para maibigay ko na lahat ng gusto mo."

Then I remembered what Ezlyn said to me. Kung bakit naghiwalay si Ford at yung girlfriend niya noon...so she's the ex-girlfriend. Pangit talaga mga kabit ano.

"Ma'am Elle, may naghahanap po sa inyo." sino na naman naghahanap sa akin. "Lalake po tapos kamukha po nung pumunta dito na lalake." huh? Sino ba yun. Naglakad ako papunta sa pinto ng marinig ko yung sinabi ng babae.

"You married a slut, babe?" tinignan ko siya ng masama pero nginitian niya lang ako.

"Hindi ako pumapatol sa kagaya mong gold digger."

"Aleyah!" inirapan ko si Ford at tuluyang lumabas. Kapal talaga ng mukha. Nang makita ko yung naghahanap sa akin ay napabuntong hininga na lang ako. It's kuya Cyrus. Pinagbuksan naman siya nung security guard. Pumasok na lang ako sa loob ng bahay pero hinabol niya ako.

"Lavelle!" nahawakan ni kuya yung kamay ko. "Bunso we're very sorry...who the fuck is this?" sabay turo ni kuya sa girlfriend ni Ford. "Are you fucking cheating on my sister?!" hindi nakapagsalita si Ford at yung girlfriend niya namulta sa takot.

"Ako ang pinunta mo dito hindi sila." sabi ko kay kuya.

"You knew?" umiwas ako ng tingin. "This is all my fault!" napasabunot si kuya Cyrus sa buhok niya. "You married my sister dahil sa position, right? Alam ko na yang style mo, Malcolm. Do you think makukuha mo yun?" naglakad palabas ng bahay si kuya kaya nagmamadali akong umakyat ng hagdan. I wasn't expecting that. Gosh! I have a bad feeling then nahagip ng mata ko yung camera ni Astrid.




















~••~~••~~••~

𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 𝐌𝐚𝐫𝐫𝐢𝐚𝐠𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon