Isang linggo ang nakalipas ay nakabalik na kami ni Ford dito sa Pilipinas. Ngayon ang kasal nila kuya Joshua at Sarah then next year sila kuya Cyrus at Shaila. Nung nagkita kami ramdam ko na agad na mabait silang tao specially Shaila. Parihas pala kami ng sitwasyon noon, nagka-girlfriend yung kuya niya tapos nakalimutan siya. Tapos sabi niya sa akin.
"Hindi ka naman nakalimutan ni Cyrus, sinasabihan ko nga siya na umuwi ng Pilipinas para makasama ka niya kaya lang sobrang busy talaga sa kumpanya. Don't worry kapag may time kami bibisitahin ka namin sa Pilipinas."
Totoo naman pala na busy sila kuya sa kumpanya dahil may malaking projects silang gagawin this year.
"Baby!" napatingin ako kay Ford. "Sorry for shouting, kanina pa kasi kita tinatawag eh." napakamot naman ako ulo ko. Nilapitan ko siya sa couch.
"Bakit?" tumabi ako sa kanya.
"You want to come with me tomorrow?" babalik na kasi siya ng kumpanya bukas. Binigay na kasi sa kanya ng daddy niya yung position na gusto niya.
"Ano naman gagawin ko doon bukas." nginitian niya ako. "Hell no." umiiling ako. Sabi niya kasi kagabi na isasama daw niya ako sa kumpanya para daw may sexy time kami.
"Wala naman akong sinabi baby. Sumama ka na then lunch date tayo." kinurot ko ang pisngi niya. "Please?" tumango ako.
"Bukas mo lang ako idate?" tinaasan ko siya ng kilay.
"No! Everyday tayong magd-date. Gusto mo ba ngayon?" agad akong tumango. "Sige, magpalit muna tayo ng damit." pumasok kami sa walk-in closet para magpalit ng damit.
Dito na pala kami nakatira sa bahay na binigay nila mommy noon sa amin kasi mas malaki kasi ito kumpara sa bahay niya. Kinuha namin yung mga katulong noon para naman may trabaho ulit sila tsaka mapagkatiwalaan rin.
"May magandang restaurant sa Makati may rooftop, pwede doon tayo?" tanong ko kay Ford.
"Sure baby, no problem." lumabas na kami ng kwarto at bumaba. Kinikilig ako everytime na hinahawakan ni Ford yung kamay ko at parang may something sa tiyan ko.
~••~~••~~••~
Nandito na kami ni Ford sa restaurant na may rooftop. Si Theo pala ang mayari neto kanina lang din sinabi ni Ford sa akin.
"Sana all date." biglang sabi ni Asher.
"Kamusta na yung nililigawan mo?" nagtingin-tingin ako sa menu kung anong masarap kainin.
"May napili ka na, Aleyah?" tumango ako. pinakita ko kay Theo yung mga napili kong pagkain.
"Eat with us na rin." sabi ko sa kanila. Nakakahiya naman kung hindi mo sila ayain.
"Bait mo naman, Aleyah." sabi ni Asher sabay irap kay Ford. "Buti pa itong asawa mo kupal ka." sakto naman siguro yung inorder ko.
"What did you order baby?"
"Ahhmm pizza, buttered chicken, sisig, calamares, rice and dinakdakan." hindi naman halatang gutom no hahaha.
"What about drinks?"
"Wala pa, ikaw na lang bahala." tinawag naman ni Ford yung waiter at nag order ng drinks. Beer sa kanila ang sa akin coke then mamaya bibili ako ng yoghurt.
"Aleyah, kaibigan mo si Astrid diba." tumango ako sa tanong ni Theo. "Okay lang sayo kung magiging kami?" nagtaka naman ako.
"Nililigawan mo siya? Bakit hindi niya sinabi sa akin."
"Gusto muna daw niya makasiguro na seryoso ako sa kanya. Actually dalawang buwan ko na siyang nililigawan." walang sinabi yun sa akin.
"Okay lang naman sa akin basta hindi mo sasaktan at lolokuhin." babatukan ko talaga yun.
BINABASA MO ANG
𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 𝐌𝐚𝐫𝐫𝐢𝐚𝐠𝐞
Romance𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐄𝐍𝐓 | 𝐑-𝟏𝟖 𝐖𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠: Not suitable for young readers and sensitive minds. It contains graphic sex scenes, adult languages and situations intended for mature readers only.