(A/N: guys yung ibang scenes po base on a true story but names and characters ay gawa-gawa ko lang po. Someone said na mas maganda daw ang story kapag may half totoo.)
✦ ⠂⠂୨୧
"Sige! Papayag na ako sa gusto mo pero sa isang kondisyon..." sabi ko dito sa lalaking kausap ko ngayon. Isa siyang mafia boss na naka-one night stand ko.
He offered me a marriage kasi kailangan niyang magpakasal bago siya mag 28 years old. Sabi din niya kanina tsaka lang daw ibibigay sa kanya ng daddy niya ang CEO position kapag kasal na siya.
"Okay! What is it?"
"I know you kill people." nagulat siya sa sinabi ko. "Gusto ko maghiganti sa nangbully sa akin noon...i-ikaw na bahala kung a-anong gagawin mo sa kanila." napakamot siya sa batok niya.
"Hindi ako pumapatay kung walang atraso sa akin." I smirked.
"Okay. Maghanap ka na lang ng ibang babae na magpapakasal sayo. Excuse me." lumabas na ako ng office niya at sumakay sa elevator. Tutuloy na lang ako sa Iceland. My ninang want me to go there kasi wala siyang makakasama.
Paglabas ko ng building ay sumakay kaagad ako sa kotse ko at nagmaneho paalis sa lugar. Hindi na ako babalik sa lugar na yun. Malas mo talaga Aleyah Lavelle Venus maraming lalake dyan na pwede mo'ng maka-one night stand bakit pa sa kupal na yun.
Gusto kong maghiganti sa mga bully ko noon. Dahil simula nung grade school kami ay binubully na nila ako hangang nag high school kami. Buti na lang nung 1st year high school ako nag decision ang mga magulang ko na mag migrate sa ibang bansa kaya walang bullying na naganap.
Aminado naman ako na hindi talaga ako matalino, hindi naman ako kagay nila na nasa line of 8 or 9 yung mga grades nila. Pero hindi naman yun dahilan para mangbully, dapat nga tuturuan ka eh kesa sabihan ka ng "bobo" kahit mga teachers namin noon bully din. Pero kapag nabigyan mo ng pasalubong ayon nagiging mapakal ang mukha. Si mom kasi mahilig mamigay ng pasalubong kapag galing sila ng business trip ni daddy pero buti na lang nagsara na yuny school na yun.
Naalala ko pa yung sinabi ng classmate ko sa akin dati nung grade 6 kami.
"Crush mo daw si Stellan?" tanong ni Camilla sa akin na number 1 sa pangbubully sa akin.
"Hindi ah, sino may sabi sayo niyan?" totoo crush ko si Stellan pero kailangan kong ideny kasi parang may something sa kanilang dalawa eh.
"Gagi halata kaya, lahat ng gusto niya ginagawa mo. Kaya nga he test you yesterday." kumunot ang noo ko. "Remember he asked you to bring his things sa classroom natin." napatango ako. "Napatunayan niya kahapon na may crush ka talaga sa kanya at alam ng buong section natin."
Simula nun I distance myself. Tuwing magka-crush ako nalalaman ng mga classmate ko e isang tao lang naman ang sinasabihan ko, yung bestfriend ko.
Then nung naghigh school na kami maraming lumipat ng ibang school pati si Stellan at si Camilla. Nagtataka nga ako kung bakit ang init ng ulo ni Camilla sa akin kapag nakikita niya ako tsaka malakas ang loob niya mangbully kasi principal ang auntie niya sa school na yun at spoiled brat siya.
~••~~••~~••~
Pagkadating ko sa bahay ay dumiresto na ako sa kwarto ko para ayusin ang mga gamit ko na dadalhin sa Iceland. My parents is already there kasi kailangan nilang umattend ng business meeting. Habang nagiimpake ako may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko at bumukas yun.
"Ma'am Elle, may naghahanap po sa inyo Hendrix Ford Malcolm daw po."
"Sabihin mo wala ako...u-umalis kamo. Ikaw na bahala magdahilan." sumilip ako sa bintana, anong ginagawa niya dito. Nagbago na ba isip niya? Nakita ko naman si yaya na kinakausap si Ford then pumasok na si Ford sa sports car niya tsaka umalis.
Pinaakyat ko dito si yaya para tulungan ako. I need to leave ASAP.
"Sino ba yun? Manliligaw mo?"
"Hindi po ah, nakilala ko lang po sa club last week." tumango naman si yaya.
Maghanap siya ng ibang babae na papayag magpakasal sa kanya. Ang dali lang gawin yung kondisyon ko ayaw pa gawin kaya bahala siya.
(A/N: AGAIN yung ibang scene ay base on a true story but names and characters ay gawa-gawa ko lang po, okay? Kung may kapariha ng names nila just let me know papalitan ko ☺️ )
BINABASA MO ANG
𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 𝐌𝐚𝐫𝐫𝐢𝐚𝐠𝐞
Romance𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐄𝐍𝐓 | 𝐑-𝟏𝟖 𝐖𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠: Not suitable for young readers and sensitive minds. It contains graphic sex scenes, adult languages and situations intended for mature readers only.