𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 8

558 9 1
                                    

Lumipas ang mga taon walang nagbago sa amin ni Ford pero sila parin ng girlfriend niya. Minsan ko na din silang nahuli na may ginagawang kababalaghan. Aaminin ko nagugustuhan ko na si Ford dapat nga hindi ko hinayaan ang sarili kong magustuhan siya.

Nagsimula itong nararamdaman ko para sa kanya after nung may nangyari ulit sa amin. Ang tanga ko para pagbigyan ulit siya then habang nagsisiping kami ay pangalan ko ang binabanggit niya. Kinabukasan nun ay naging sweet na siya sa akin at tumagal naman ng anim na buwan.

Then last Christmas hindi siya pumunta sa bahay ng parents niya, nandun siya sa girlfriend niya. Pinili niya yun kesa sa amin. Sa loob ng anim na buwan ay ginagamit lang pala niya ako at hindi totoo yung mga sinasabi niya sa akin.

"I'm so happy babe." sumilip ako sa sala kung ano ang ginagawa nila.

"I'm happy too babe. Like I said earlier mag-file na ako ng annulment." maraming beses ko na yan narinig sa kanya pero hangang ngayon wala akong natatanggap.

"Dapat lang babe para hindi isipin ni baby na wala siyang daddy." she's pregnant?

"Bago lumabas si baby kasal na tayo babe. I promise." magkakaanak na sila. Naglakad ako palabas ng bahay pero dito sa likod dumaan para hindi nila ako makita. Wala si kuya Robin ngayon kasi kasama nila yaya sa supermarket.

Pumara ako ng taxi at agad akong sumakay. Kahit hindi nakuha ni Ford yung position sa kumpanya mag-file na ako ng annulment. Ako na ang gagawa para sa kanya. Nagpahatid ako sa mansion ng mga magulang ko at hindi na ako babalik doon sa bahay ni Ford. Habang nasa biyahe kami panay tingin sa akin ng taxi driver.

"Neng, may problema ka ba? Kanina ko pa napapansin yang luha mo." napahawak naman ako sa pisngi ko, oo nga may luha. Pinunasan ko naman yun gamit ang mga palad ko.

"Ayos lang po ako, manong."

"Yung anak kong babae neng bihira lang din magsabi sa amin ng problema niya. Kaya ikaw neng kung gusto mo'ng ilabas yang problema mo magsabi ka sa mga magulang mo. Malay mo matutulungan ka pala nila." tumango ako.

"Opo manong, salamat po."

Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami dito sa subdivision pero hangang guard house lang kasi hindi pwedeng pumasok yung mga taxi sa loob. Umutang muna ako sa mga security guard ng pera pangbayad sa taxi. Kilala naman nila ako eh then pinasakay nila ako sa golf cart para ihatid sa mansion.

Sobrang higpit na dito sa subdivision kasi natatakot na silang ulit ng mga magnanakaw. Ang matandaan ko lang is ginamit ng mga magnanakaw yung taxi para makapasok dito buti na lang isang bahay lang yung pinagnakawan nila pero agad naman silang binawian ng buhay dahil police yung pinagnakawan nila eh.

"Salamat po, hintayin niyo na lang po yung bayad." sabi ko mga security guard na naghatid sa akin.

"Sige po, Ma'am Elle." pumasok na ako sa mansion at hinanap yung PSG na nagbabantay sa labas. Takte saan ba yun pumunta.

"Apple, si Alejandro?"

"Ay naku po nasa banyo pa, magiisang oras na nga po eh." napakamot naman siya sa ulo niya.

"Bayaran mo muna yung security sa labas, bigyan mo ng 1k babayaran kita mamaya."

"Okay po, Ma'am." umakyat ako sa taas para hanapin sila mommy at daddy. Gusto ko na silang makausap agad hindi ko na paabutin bukas. Pumunta ako sa kwarto nila pero natutulog ata sila.

"Mom? Dad?" hindi naman sila sumagot kaya tumalikod na ako at naglakad palabas ng kwarto nila. Naglakad ako patungo sa kwarto ko para magpalit sana ng damit kaya lang trip kong maligo ulit. Mamaya na nga lang nagugutom na ako, nagpalit lang ako ng damit tsaka lumabas ulit ng kwarto.

Bumaba na ako tsaka naglakad papunta sa kitchen para kumain. May niluto naman siguro silang pagkain edi kung wala ako na magluluto.

"Good evening po, Ma'am."

"Good evening din, may pagkain ba? Nagugutom kasi ako." tanong ko sa mga kasambahay.

"Meron po, hindi pa naman po kumain sila madame." tumango ako. Mauuna na akong kakain kanila mom at dad. Galing kasi sila sa trabaho kaya nakatulog sila. Tahimik lang akong kumakain.

"Ma'am, may nagwawala sa labas at hinahanap ka po." sabi ng kasambahay sa akin.

"Sabihin mo wala ako dito, magdahilan ka." sinunod naman niya ang sinabi ko. Narinig ko naman ako boses ni daddy.

"What happened, Apple?" pumasok sila mom at dad dito sa kitchen. Tumayo ako para magmano sa kanila.

"What happened anak?" tanong ni mommy sa akin. "May nangyari ba? Hinahanap ka ni Ford." ewan ko ba kung bakit niya ako hinahanap at nagwawala sa labas.

"Tell us what happened?" uminom muna ako ng tubig bago nagsalita.

"Anak kung may gusto kang sabihin sa amin ng mommy mo, sabihin mo lang. Makikinig naman kami."

"Ahhmmm...I w-want an annulment po." nagulat sila sa sinabi ko.

"What? Why?"

"H-hindi po ako masaya at hindi nagwo-work yung marriage namin. Diba po sabi niyo noon kapag hindi nagwork yung marriage pwede magfile ng annulment." napatango sila mom at dad.

"Sinasaktan ka ba anak?" umiiling ako. "Alright. Kami na bahala anak, okay?" tumango ako.

"Pwede po kayo na lang kumuha sa mga gamit ko doon?" nagkatinginan naman sila mommy at daddy.

"No problem, anak."

What if kausapin ko si tito Samuel tungkol doon sa position na gusto ni Ford. Malay mo ibibigay niya kay Ford yun. Pagiisipan ko muna ng maigi.


~••~~••~~••~

Nakalipas ang dalawang linggo ay wala na akong balita sa kanila. Nakabalik na din sila yaya Nelly dito sa mansion. Masaya ako kasi finally matutupad na ang mga pangarap ko na hindi ko nagawa this past few years. And sana mabilis ang pag-process ng annulment.

"Dad..." nilingon naman ako ni daddy. Umupo ako sa tabi niya. "Dad, pwedeng bumalik na lang tayo sa Spain?"

"Are you sure, anak?" tumango ako. "Sige, aayusin ko muna lahat tsaka tayo bumalik doon."

"Thank you dad."

Makakalimutan din kita Ford at sana maging mabuti kang ama sa anak niyo ni Kaylene. Tumingin ako sa langit, ang ganda ng stars. Napangiti na lang ako sa mga nangyari sa buhay ko.






















~••~~••~••~

𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 𝐌𝐚𝐫𝐫𝐢𝐚𝐠𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon