𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 2

637 10 0
                                    

Kasama ko sila mom at dad dito sa lunch meeting ng family ni Ford iba din pala yung kahapon. Paguusapan daw namin ngayon kung kailan ang wedding namin ni Ford.

Sabi ko kay mommy hindi naman ako interesado sa wedding namin so bahala na kamo si Ford kung anong gusto niya total siya ang may gusto nito. Tahimik lang ako habang sila naguusap.

"Family and friends lang po sana." sabi naman ni Ford. "Secret Marriage po ang gusto ko kasi maghihiwalay din naman po kami." napairap na lang ako.

"Ikaw hija anong gusto mo?" tanong ng mommy ni Ford sa akin.

"W-wala naman po." hindi naman itong totoong kasal so bakit pa mag effort. Pwede nga ikasal dyan sa kalsada eh. Makakain na nga lang tsk.

What if nandito sila kuya baka hindi pa matuloy itong pesteng kasal na ito. Kambal silang dalawa and they decided sa Spain na lang sila kasi mas kailangan sila doon kesa dito sa Pilipinas. Nagtatampo nga ako sa kanila eh kasi tatlong taon na hindi parin sila umuuwi dito.

Ayaw na siguro umuwi kasi nandun ang girlfriend nila. Isa din yan sa dahilan kung bakit ayaw ko silang magka-girlfriend dahil mawawalan ng time sila kuya sa akin at tama nga ako. Hindi man lang nila ako naisip.

"Ate Lavelle." tinignan ko yung kapatid ni Ford. "I like you ate for kuya Drix, pasensya ka na din ate kung wala akong magawa para pigilan ang kasal ninyo ni kuya."

"Ayaw mo rin sa kasal?" tumango siya.

"Gusto kita for kuya pero kasi mas maganda yung magpakasal kayo kasi mahal niyo ang isa't isa. Sa totoo lang ate ako naman dapat ipakasal nila mommy pero sabi ni kuya siya na lang daw kasi ayaw niyang mahihirapan ako. Sabi nga ni kuya sa akin na may nagalaw daw siyang babae sa club at kailangan niyang panagutan yun until now gusto ko parin malaman kung sino yun." ngumiti ako. Pero tangina kinabahan ako sa sinabi ni Ezlyn.

"Maghihiwalay din naman kami ng kuya after a year."

"Pero ate wag na wag kang mafa-fall kay kuya." umiiling-iling siya. "Kapag nalaman niyang na-fall ka sa kanya ay naku ate kawawa ka talaga. Kagaya dun sa babae na kaklase niya dati...para hindi siya magustuhan nung babae gagalawin ni kuya yun hangang magalit ito sa kanya. Inlove parin kasi si kuya sa ex-girlfriend niya at natatakot siyang mabaling sa iba yung attention niya." hindi naman ako magkakagusto sa kupal na yun.

"Saan pala ex niya ngayon?"

"Noon kasi ate hindi pa ganon ka successful ang mga business namin nung nagkakilala sila, may buwan na walang-wala kami so hindi sila makapag-date kasi walang pera ganon eh umabot yun ng limang buwan tapos yung ex ni kuya noon maluho. May nakilala ex niya na mayaman na lalake kaya agad niyang hiniwalayan si kuya, nabibigay kasi ng lalake yung mga gusto niya. Until now sila parin." napatango ako.

"Kaya ba gustong-gusto ng kuya mo yung CEO position para patunayan niya sa ex nya?"

"What?" napatingin naman siya kay Ford. "What do you mean ate?"

"Itong kasal namin ang way para makuha niya ang position na yun." napatakip siya ng bibig at napailing. "Wag mo na lang sabihin sa parents niyo ayaw kong magalit sila sa kuya mo."

"Sorry ate, wala akong alam sa plano ni kuya. That jerk." ngumiti na lang ako. Kapag naging CEO si Ford 101% babalik yung ex niya sa kanya. Literal na gold digger.

After our lunch dumiretso kami nila mom at daddy sa isang store to look for my wedding gown. Simple church wedding lang naman.

"Anak kung sinasaktan ka man ni Ford physically let us know, okay?" tumango ako.

"Sorry anak, ito lang talaga ang away para makatulong sa kanila." sabi naman ni mommy sa akin.

"It's okay po." kung sasaktan ako ni Ford makakatikim siya ng karate galing sa akin tangina siya. Tsaka anong akala niya, makukuha niya yung position na gusto niya. Hindi ganon kadali, ginamit niya ako pwes papahirapan ko muna siya bago niya makuha yung gusto niya.

~••~~••~~••~

Tatlong linggo ang nakalipas ay kasal na ako. Kinasal ako sa kupal na ang pangalan ay Hendrix Ford Malcolm. Dalawang linggo pa lang nakita ko na agad yung ugali ng gago. Uuwi ng lasing at may kasamang babae, minsan dalawa or tatlo ang inuuwi niya. Legit fuckboi pero juts naman. Sabi ng kaibigan ko sa akin kapag daw payat at matangkad juts daw hahaha.

"Hoy! Magluto ka nga, nagugutom ako." napataas ang kilay ko sa sinabi ni Ford.

"Ulol ka ba? Hindi mo ako katulong dito gago." napanganga siya sa sinabi ko. "Pinakasalan mo ako para sa position ng kumpanya niyo, hindi maging katulong mo dito." anong akala niya mapasunod niya ako tsk.

Sinipa ko yung paa niya na nakapatong sa coffee table at tinignan siya sabay irap sa kanya. Walang manners amp may manners pa ata alien kesa sa kanya eh.

"Umayos ka ng upo, ang tanda mo na hindi mo alam yung salitang manners." napayukom ang kamao niya. "Ano sasaktan mo ako? Hindot." bigla siyang tumayo at padabog na umalis sa sala. Anyare dun.

Naglakad ako papunta sa kitchen para tulungan yung kasambahay sa pagluluto ng dinner. Pagpasok ko nakita ko si Ford na kinakausap yung kasambahay.

"Stop following me."

"Kupal ka talaga. Doon ka nga sa labas wala ka naman maitulong dito. Shu..." galit yern hahaha ang pula na ng mukha oh.

"Hindi ako aso." natawa naman yung mga kasambahay.

"Arf arf. Labas!" kasambahay namin 'to sa mansion kaya wala siyang karapatan utos-utusan maliban kapag may ipapabili siya sa grocery. "Samahan niyo ako bukas mag grocery." may bibilhin ako hehehe.

"Sige po, Ma'am Elle." habang nagluluto sila, inarrange ko naman yung lamesa. Nilagyan ko ng placemats, plates and utensils.

Maraming kulang dito pero wala akong plano bilhin yung mga yun. Hindi ko naman bahay ito eh bakit ko pa papagandahin. Lumabas muna ako sa kitchen para utusan yung driver na bumili ng soft drinks sa 7Eleven malapit lang naman dito sa bahay.

Maglakad na sana ako pabalik ng kitchen ng makita ko sa Ford na pumunta sa pool area kaya sinundan ko. Iniisip siguro niya na mali ang decision na ginawa niya. Dahan-dahan kong binuksan yung pinto para hindi makagawa ng inggay.

"Kunting tiis na lang mahal magkakasama na ulit tayo. Kaya na ng bilhin lahat ng gusto mo." sabi niya doon sa picture na hawak niya. Yan siguro yung ex niya. Bagay sa kanya yung kanta na "The Man Who Can't Be Moved" kawawang Ford.






















~••~~••~~••~

𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 𝐌𝐚𝐫𝐫𝐢𝐚𝐠𝐞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon