SA isang silid, may makukulay na mga ilaw. Sa gilid, nandoon ang dingding, kung saan nakasabit ang isang frame na nakalagay ang mga salitang, "Things are ending, but they are beginning too."
"We all have dreams . . . either small or big dreams, both matters, for their impact is beyond the world." Samantala, iyon naman ang mga katagang nakasulat mula sa isang poster na nakasabit sa kabilang dingding.
Nakatayong nagtatawanan at nakangiti ang labin-tatlong mga taong nakasuot ng kulay asul na tila ba pajama—o uniporme. Sa kaliwang bahagi ng uniporme, nakalagay ang logo at ang salitang NASA. Sa likod nila ay ang photo backdrop na may mapusyaw na kulay ng bughaw.
Nang oras na para picture-an ang bagong klase ng mga astronaut na ga-graduate. Tumingin na sila sa camera.
Sa pinakadulo sa kaliwa nakapwesto ang isang lalaki, hinihila niya ang dulong buhok ng isang babaeng nasa harapan niya sa tapat. Naiinis ang babae, pero hindi niya pa rin mapigilan ang pagngiti.
Habang silang lahat ay nakatayo pa rin at naghihintay ng isa pang kuha ng litraro. Hinawakan bigla ng lalaki ang kamay ng babae.
Sa kanang bahagi ng uniporme ng lalaki ay nakasulat ang pangalang Keigo. Samantala, sa kanang bahagi ng uniporme ng babae, nakasulat ang pangalang Rhae.
* * *"And,
when you want something,
all the universe conspires in helping you to achieve it."— Paulo Coelho,
The Alchemist
Maybe . . . the meaning of life is for all we to dream, and to achieve our dreams.
BINABASA MO ANG
Unknown Universe
Science FictionLiving in space is magical . . . Rhae is a high school girl who is very curious about astronomy -- about the whole world. She has always been fascinated by what is above the sky, dreaming of going to space. What if she met a boy who has the same int...