Fourth

94 3 5
                                    


"SAAN nanggaling pangalan mo?" tanong ko kay Keigo na nasa tapat ko. Kumuha muna ako ng slice of pizza sa pizza na nasa table sa pagitan namin habang nag-aantay ng sagot niya. Nakabalot ang pizza, nakadikit sa lamesa para hindi lumutang. Lahat ng pagkain dito ay naka-package at nakabalot. Sa lamesa, may mga tape para dumikit doon ang mga pagkain at hindi lumutang.

Inihulog ko ang slice of pizza na hawak ko, pero hindi siya nahulog! Lumutang siya! Ang cool, 'di ba? Dati sa videos ko lang napapanood ang mga 'to—'yung tipong lumulutang ang mga pagkain sa space, tapos ngayon ako na mismo ang gumagawa.

Kinuha ko ang slice of pizza na lumulutang, saka kumagat doon. May orasan dito sa spaceship, Philippine time pa rin ang sinusunod namin. Ang galing nga nung clock, digital tapos ang laki ng size. Sa may control/communication system nakalagay.

Bale, gabi na dito't naghahapunan kami ng pizza. Kasalukuyan kaming nasa kitchen/dining room. In-oven muna namin ang pizza bago kainin para mainit. Walang ref dito, kaya ang mga pagkain namin ay nakalagay sa locker trays. Ang cool, may mga pinipindot sa machine, ang galing. May kanin din na nakalagay sa locker trays, pero sabi ko pizza na lang ang gawin naming hapunan. Kasi una: nag-c-crave ako sa pizza. Pangalawa: feeling taga-ibang bansa kasi ako. Sa ibang bansa kasi—sa America kung saan doon nakatira ang tita ko, hindi sila masyadong nagkakanin. Hindi tulad sa Pinas na may kanin sa almusal, kanin sa tanghalian, kanin sa hapunan—may kanin lahat.

"Nagsisimula sa R pangalan ni Papa, kaya R din nagsisimula pangalan ko," kwento ko kay Keigo, saka kumagat ulit sa pizza ko. Hindi ko alam kung bakit Rhae ang sinabi kong pangalan sa kaniya. Mas kilala naman talaga ako as Abby. Pero siguro kasi . . . gusto ko Rhae ang gamitin kong pangalan kung maging astronaut man ako in the future—na sobrang imposible dahil hindi naman kami mayaman. At siguro din kasi, gusto ko iba ako kapag nasa space, at iba rin kapag nasa Earth. At ewan . . . siguro gusto ko ring makilala niya ako bilang Rhae, hindi bilang Abby.

"Sa Japanese," sagot ni Keigo, saka kumuha rin ng slice of pizza.

"Anong Japanese?" tanong ko't nilagyan ng ketchup ang pizza ko. Ang galing kasi parang naging solid 'yung ketchup habang ibinubuhos ko, pero malambot. Parang jelly ang hitsura habang ibinubuhos ko sa pizza ko, ganoon yata talaga ang hitsura kapag lumulutang ang ketchup.

Tumingin sa akin si Keigo. Kumagat muna siya sa pizza niya bago sumagot, "Respectful language."

Napatango-tango na lang ako kahit hindi ko naman talaga gets. Bakit ba kasi ang iksi niya sumagot? "Keigo . . . oo nga, 'no? Parang Japanese," sabi ko. "Mahilig siguro sa anime family mo."

Hindi siya sumagot, kumagat lang ulit siya sa slice of pizza niya, saka tinitigan ang pizza na nasa mesa.

Ang tahimik talaga niya! Paano ko kaya siya mapapadaldal?

"Pero parang may similarity din 'yung Keigo sa Keid," sabi ko sa kaniya. "Pangalan 'yon ng star. Ang ganda, 'di ba?"

Tumango lang siya, hindi pa rin inaalis ang titig sa pizza na nasa mesa. Napanguso na lang ako't kumagat ng pizza ko. Wala na yata talagang pag-asa na mapadaldal siya.

Pagkatapos naming kumain, tinanong ko siya kung pwede niya akong i-spaceship tour. Pumayag naman siya—P.S. 'yung payag niya, ibig sabihin no'n tango.

At wala na yatang mas c-cool pa sa nakita ko rito sa spaceship! Ang daming rooms dito. Bukod sa may C. R., kitchen/dining room, at control/communication system. May sleeping room din, fire control, maintenance facility, reactor, gym, engine room. Meron ding mga compartment na nakatago't mga vault. At ang cool ng cargo bay! Para bang nagsisilbing storage area't inventory—actually, lahat cool. May library din, at gaming/entertainment room.

Unknown UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon