Seventh

127 3 2
                                    


KAMOT-KAMOT ko ang mga mata ko nang binuksan ko ang pinto ng sleeping room ko. Pagkabukas ko ng pinto, sumalubong sa akin ang kitchen/dining room. At nandoon si Keigo sa tapat ng mesa, at sa mesa, may mga pagkain.

Lumingon sa akin si Keigo, kaagad akong napaayos ng tayo't tinanggal ang mga kamay kong nagkakamot sa mga mata. Dali ko ring inayos ang buhok ko.

"U—Uy." Ngumiti ako. "Good morning," sabi ko sa kaniya't pumwesto sa tapat niya.

Napatitig ako sa pagkain sa mesa. Brownies at mangga na naka-pack. At kape sa drink pouch—hindi ako nagkakape, last tikim ko ng kape napapaitan ako. Gusto ko sana maging coffee lover katulad ng mga nakikita ko sa Facebook, kaso hindi talaga. Gusto ko naman 'yung cappuccino na flavor ng shake. Tinapon ko rin ang kape galing sa Starbucks noong bata ako. Pero matagal naman na 'yun, baka masarapan na ako ngayon.

Nakakatuwa naman, kahapon ako ang naghanda ng almusal para sa amin, tapos ngayon siya na.

Binubuksan ko ang brownies mula sa pagkakabalot nang nagsalita si Keigo, "Namamaga mata mo."

Automatic na napahinto ako bigla sa ginagawang pagbubukas, feeling ko na-freeze ako bigla. Napatingin ako sa kaniya na nakatingin din sa akin. Napahawak ako bigla sa mga mata ko. Kapag pa naman namamaga mga mata ko mukha akong singkit na ewan!

Gusto ko sanang sabihin na nakagat siguro ng ipis, pero parang ang ano namang pakinggan—at as if naman may ipis dito sa space?

"Ah—oo," nasabi ko na lang. Yumuko ako't medyo ini-stretch stretch ang mga mata ko. Bakit pa kasi ako umiyak kagabi? Kagabi pa talaga bago matulog, e mas malala pagkamaga kapag gano'n!

"Umiyak ka?" tanong pa ni Keigo kaya automatic na naiangat ko ang tingin sa kaniya, nakatingin siya sa akin.

"Um . . ." Hindi maipinta ang mukha ko, hindi ko alam ang sasabihin. "Oo?" nasagot ko na lang.

"Homesick?" diretsong tanong pa niya, ang color brown niyang mga mata ay nakatingin sa akin. Bakit ko nga ba ulit kailangang sagutin ang mga tanong niya?

"Hindi, ah," tanggi ko't daling umiling. "Masaya lang ako't siguro pag-iisip tungkol sa future ganun."

Tumango siya't inalis ang tingin sa akin, nagsimulang sumipsip sa kape niya. Ang napansin ko kay Keigo kapag kakain siya, uunahin niya muna ang mga drinks.

"Natapos ko na 'yung Little Prince," sabi niya.

Napangiti ako. "Same same! Natapos ko na rin 'yung The Alchemist."

Maganda ang The Alchemist, tungkol siya sa pangarap . . . sa mga dreamers at wonderers . . . sa purpose natin—tungkol sa Personal Legend ng bawat isa. Sobrang deep at meaningful, siguradong 'yung Little Prince rin deep at meaningful dahil ang alam ko may similarity talaga sila—parehong mahiwaga't naglalakbay. Bagay sa akin ang libro kasi katulad ng main character doon, may pangarap din ako—nangarap, nangangarap, at mangangarap.

Pagkatapos naming kumain ng almusal, nagpalitan kami ng libro. Saka rin niya sinabi na iikot kami sa solar system—ibig sabihin itong sinasakyan naming spaceship ay iikot sa mga planeta!

Kaya ngayon, kasalukuyan kaming nasa tapat ng bintana ni Keigo rito sa airplane room. Kumikinang ang mga mata ko't nagsisitaasan ang mga balahibo. Nagsimula kami sa unang planet na pinakamalapit sa Sun—ang Mercury, na kamukha ang Earth's Moon, may mga craters din sa Mercury, dahil sa mga meteoroids at comets. Color light gray ang Mercury. Tila ba kumikinang. Ang Mercury ang pinakamaliit na planet, ang pinakamabilis mag-spin.

Sumunod ay sa Venus, sobrang init daw ng surface ng Venus! Rusty color, yellow-white, at napapalibutan ng crunched mountains pati ng libo-librong malalaking bulkan. Based sa mga scientists, posible na ang mga bulkan sa Venus ay active pa rin. Ang Venus ang hottest planet sa solar system natin.

Unknown UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon