COLOR sky blue, na may white. Nag-f-form ng pa-horizontal na linya, parang mga bulak—maninipis—na nag-c-cross sa isa't isa ang mga ulap. Ang ganda ng langit, 'no?
Hindi masikat, pero hindi rin naman makulimlim. Mahangin. Ramdam ko ang pagdampi ng hangin sa buhok ko. Hindi mainit ang hangin, hindi rin naman malamig. Sakto lang.
Napangiti ako, nakasandal sa upuan habang ang ulo'y nakasandal sa may bintana ng classroom, ang mga matay'y nagniningning habang nakatingin sa langit. Feeling ko ganitong ganito ang definition ko ng perfect weather.
At feeling ko nasa music video ako or movie—alam mo 'yun, iba talaga ang feels kapag naupo ka sa gilid ng bintana ng classroom n'yo o kaya sa gilid ng bintana ng mga sasakyan. Kumbaga, main character feels. Sana may leading man din.
Tinitigan ko lang ang langit, bukas ang bintana ng classroom—pa'no, ang init kasi. Sira 'yung isang electricfan dito, kaya ayun dalawa na lang tuloy. Ang saya lang panoorin ng langit kapag nasa byahe't boring ang klase.
Palalim nang palalim ang titig ko sa langit. Naisip ko tuloy bigla . . . ano nga kaya ang hitsura doon sa ibabaw ng langit? Like, ano 'yung nandoon?
Na-i-imagine ko tuloy na nandoon ang galaxy at space. Ta's iyong ulap, kumbaga parang siya 'yung exit papalabas ng Earth. At speaking of Earth! Ano nga kaya 'yung hitsura no'n? Bilog ba talaga siya't may color green and blue na color? Proven naman na na, na oblate spheroid ang shape ng Earth, na-prove din 'yon nang pinaanod ang barko sa dagat at mukhang lumulubog pero hindi naman talaga, and many more evidence. Pero nahahati pa rin ang mga tao sa Round vs. Flat-earther.
Plus 'yung mga katabi pa niyang planet—may ring ba talaga ang planet Saturn? At . . . gaano kalapit ang Sun mula sa Earth? Mabubulag kaya talaga kapag tumingin sa Sun? Bilog din ba ang Sun? Ano kaya feels ng makaapak sa moon? Lumulutang kaya?
Sabi nila kapag in-love ka para ka raw pumupunta sa ibang planeta. Ang makapunta kaya sa moon ang perfect at literal definition no'n? May feels kaya talaga na gano'n kapag pumunta sa moon?
Talaga kayang pwede raw masilayan mula sa space ang The Great Pyramids of Giza ng Egypt at more other large anyong tubig-anyong lupa na nasa Earth? O naks 'diba, halatang nakikinig ako sa A.P. namin nung elem.
Ano kaya ang hitsura ng milkyway galaxy?! Sa lahat, iyon ang pinakagusto kong makita sa space. Siguro kasi, dati palang, fascinated na ako sa mga stars.
Pero hay, grabe. Ang daming tanong bigla ang napasok sa utak ko. At paulit-ulit na tanong na lang. Laging ganito. Puro tanong na lang, wala namang sagot. I mean, may sagot naman. Through Google, Youtube, books. Dami ko nang nabasa't napanood about doon. Pero siguro kaya laging natatanong ko pa rin 'yon sa utak ko tuwing tinititigan ko ang langit, kasi kahit may alam na ako about doon, gusto kong ma-experience sa sarili ko na makapuntang space. Or more on, siguro ang correct term, gusto kong ako mismo ang makapunta ro'n sa space at ako mismo ang makasaksi—with my bare eyes na wow ganito pala talaga 'yung hitsura.
Nadako ang tingin ko sa notebook na nasa desk ko't napatitig sa drawing ko rati roon. Sa drawing ay nandoon ang space at earth at ibang planets—ang buong solar system. May galaxy din. Tapos may spaceship, sa bintana ng spaceship ay may nakasilip na astronaut. Hindi ko pa tapos 'yung pag-drawing doon sa may part na spaceship, iniisip ko kung gawin ko bang marami 'yung astronaut na nakasilip sa bintana? Ang cute, 'di ba, kasi 'pag gano'n? Parang sa Among Us lang. Parang ang lungkot kasi kapag isa lang 'yung astronaut doon, like ang lonely. O gawin ko kayang dalawa 'yung austronaut na nakasilip doon sa bintana ng spaceship? Ship, 'no? Tapos mapapa-sana all na lang ako tuwing makikita ko 'yung drawing kong 'to.
BINABASA MO ANG
Unknown Universe
Science FictionLiving in space is magical . . . Rhae is a high school girl who is very curious about astronomy -- about the whole world. She has always been fascinated by what is above the sky, dreaming of going to space. What if she met a boy who has the same int...