Tenth

81 4 0
                                    


KASALUKUYAN kami ngayong naglalakad ni Keigo pauwi—nandito pa rin kami sa may Christmas Fiesta. Nagkuwentuhan kami about sa kukunin naming course sa America, university na pag-aaralan, kung anong oras ang flight namin para sumabay siya. Kumbaga, pinaplano na namain ang future—nang magkasama.

Nag-uusap lang kami nang biglang nagsigawan ang mga tao sa likuran namin. Napalingon kami ro'n at napahinto sa paglalakad. Nagtatakbuhan ang mga tao, at tila ba uuwi na silang lahat. Ang mga ekspresyon ng mukha nila ay tila ba nag-p-panic, napupuno't nababalot ng takot.

Ramdam ko ang pagpintig ng puso ko dahil doon. Napatingin kami ni Keigo sa langit, doon kasi nakatingin ang mga tao.

Siningkit ko ang mga mata sa color dark blue na langit, malayo man ay kita ko pa rin mula rito ang isang lumiliwanag na bagay, color orange. Dahil malayo, mukhang maliit ang color orange na bilog. Tila binabalot ng kadiliman ang langit ngayon. Kumunot ang noo ko't napalingon kay Keigo para magtanong, "Anong nangyayari?"

Nagkibit-balikat si Keigo, maging siya ay clueless sa nangyayari rito sa paligid. Nakatingin lang siya ro'n sa parang bato sa langit. Umihip ang malakas na hangin, kasabay ng pagtaas ng mga balahibo ko.

Noong napatingin ako sa mga taong tila nagmamadaling pumunta sa evacuation area, nagtama ang paningin namin ni lola na binilhan ko ng lucky bracelets kanina. Hirap siyang maglakad at halos kuba na rin talaga, mahigpit ang hawak niya sa lagayan niya ng mga jewelries.

Lumapit siya sa akin. Ang mukha'y nababalot ng takot. "Hija! Umalis na kayo ngayon dito! Ang buong bansa nating ito ay mawawasak." Kita ko ang panginginig niya na tila ba dinaluyan siya ng kuryente. Hinawakan niya ako sa braso't tinitigan ako sa mata. "W-Wawasakin ng isang malaki't nakakatakot na meteor fireball ang buong Pilipinas . . . may kalahating oras na lang bago tuluyang tumama iyon."

Nanindig ang mga balahibo ko sa sinabi niya. Dali-daling umalis si lola palayo. Nagkatinginan kami ni Keigo. Tumawag bigla si mama sa phone ko't sinagot ko 'yon. Ang boses ni mama ay natatakot, nag-p-panic, at nanginginig.

[A-ABBY, UMUWI KA NA'T AALIS NA TAYO RITO. DOON MUNA TAYO SA AMERIKA, BABYAHE TAYO ROON BAGO PA TAYO MASALI SA PAGSABOG. LAMAN NG MGA BALITA . . . a-at itong buong bansa natin ang tatamaan.]

"O-Okay." Halos bulong lang, halos hangin na lang ang pagkasabi ko noon.

Nanginginig ang mga kamay ko noong ibinaba ko ang phone sa tainga ko. Pagtingin ko kay Keigo, nakatingin siya sa akin. Tila ba inaabangan kung ano man ang sasabihin ko.

"A-Alis na tayo," nanginginig kong sabi. Ramdam ko ang matinding takot sa loob ko. "S-Sama ka sa amin, bili!"

Hinawakan ko ang kamay ni Keigo, mainit ang kamay niya. Sa akin, sobrang lamig—ang lamig ko, siguro maputla na ako ngayon na para bang bangkay. Dali-dali kong hinatak si Keigo paalis dito.

Kalahating oras. 30 minutes lang—30 minutes na lang. Bakit ang bilis naman? Kaya pa kaya? Ramdam ko ang pamumuo ng luha ko. Pero ayokong matapos 'to.

Tumakbo ako't hinatak si Keigo, pero tumigil siya sa paglalakad. Napahinto rin ako. Kinakabahan ako habang nagsasalita, "K-Keigo! 30 minutes na lang!" Feeling ko maiiyak na ako. "A-Alis na tayo rito, please?"

Tinitigan niya ako, ang mga mata niya ay assuring, comforting—tipong parang nagsasabi ng everything will be all right, parang star. "Ako bahala, dito ka lang," sabi ni Keigo't bumitiw ng pagkakahawak sa akin. Tumalikod siya't akmang aalis, pero hinawakan ko siya sa kamay—mahigpit ang hawak ko sa kaniya, na para bang kapag binitiwan ko siya, tuluyan na siyang mawawala.

"H-Huh? Pero . . . p-pero mamamatay na tayo." Halos hindi ko masabi iyon nang maayos, parang kapag tumayo lang kami rito't hindi pa tumakbo—mawawala na lahat.

Unknown UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon