NAKATULALA lang ako rito. Rito sa mismong kinatatayuan ko noong huli kong nakita si Keigo . . . noong huli kong nakita ang mga mata niya't ngiti . . . at narinig ang boses niya. Napaupo ako't tinakpan ang mukha ko ng mga kamay ko. Humikbi ako, humagulgol. Tila ba pinapatay ng milyon-milyong beses ang puso ko.
Bakit . . . bakit kung kailan nahanap na natin ang isa't isa, saka nawasak? Bakit . . . bakit kailangan mo pang magsakripisyo? Bakit kailangan pang may magsakripisyo?
Tila ba nag-flashback sa akin ang lahat. Simula pa lang noong una kaming nagkita sa spaceship—o baka nakita ko na siya noon sa parada. Nag-flashback sa akin 'yung mga times na nakatingin kami sa color black na space mula sa bintana ng spaceship niya . . . 'yung mga adventures namin . . . hanggang sa kaninang nagpaplano kami ng future. Hindi matigil ang paghikbi ko, sunod-sunod na halos hindi na ako makahinga. At mas masakit, tahimik ang iyak ko. Pinipilit kong huwag humikbi, pero mas sumasakit.
Ang poker-face-innocent look niya, ang ngiti niya hindi ko na ulit makikita . . . Ang boses niya hindi ko na ulit maririnig . . . hindi ko na ulit siya makakasama. Ang mga plano namin sa America . . . hindi na matutuloy.
Sinundo ako ni Papa rito, naabutan niya akong umiiyak na nakaupo sa gitna ng mga tao rito sa Christmas Eve fiesta. Ayoko pa sumama kay Papa, gusto ko pang hintayin si Keigo rito . . . sa eksaktong pwesto ko. Hihintayin ko siya . . . kahit gaano katagal.
Pero alam ko namang wala na . . . wala na, e. Sumabog na siya.
Hinatak ako ni Papa papatayo. Para akong zombie na naglalakad. Pinapagalitan niya ako, kung bakit hindi pa raw ako umuuwi't bakit ako nakatulala't umiiyak na nakaupo roon. Naiyak na lang ulit ako—kasi tunog naiinis siya sa akin. Nakakainis ba ako?
Pagkauwi sa bahay, binalita nila sa akin na ligtas na raw ang Pilipinas. Nabalita rin sa TV. Na may spacecraft daw na pinalipad papunta sa fireball meteor, at 'yon ang nasabugan ng fireball. Na . . . ang spacecraft daw na 'yon ay galing sa PAG-ASA. Na inagapan daw nila ang pagsabog ng fireball sa Pilipinas.
Gusto kong magalit habang naririnig 'yon sa balita. Napahikbi ako't napaiyak. Sunod-sunod ang pagdaloy ng mga luha na para bang hindi na iyon matatapos. Sinakripisyo ni Keigo . . . ng mahal ko ang buhay niya para sa Pilipinas, pero . . . ang lumabas parang hindi siya nag-e-exist.
Gusto kong magalit at magwala . . . kasalanan nila dahil hindi nila kaagad inagapan ang fireball. Tapos ngayon magsisinungaling sila? Umakyat akong kwarto't doon umiyak.
Gusto kong sabihin sa buong mundo na si Keigo ang gumawa no'n . . . na siya ang may dahilan kung bakit ako at sila ay nandito pa rin sa mundo't nabubuhay. Proud ako kay Keigo . . . proud na proud . . . pero hindi ko pa rin maintindihan, kung bakit kailangang mangyari 'to.
Gusto ko siyang ipagmalaki, na handa niyang isakripisyo ang buhay niya para sa mundo. Na dahil sa kaniya kaya masaya ang mga tao't nag-e-exist pa rin sila hanggang ngayon. Pero gusto ko ring magluksa para sa pagkawala niya. Kasi noong nawala siya . . . parang nawala rin ang kalahati ng kaluluwa ko.
* * *
SI mama ang nag-impake ng mga gamit ko papuntang America, dahil halos hindi nila ako makausap. At wala akong gana. Tinanatanong nila ako kung anong problema, sabi ko meron ako ngayon kaya moody ako. Pero hindi naman 'yon ang totoo.
"Ate! Nakikinig ka ba?" rinig kong tanong sa 'kin ng nakababata kong kapatid na babae, thirteen years old. Hindi ako sumagot. May kinikwento siya pero labas sa tenga ko. Nakatulala lang ako habang bitbit ang maleta ko't naglalakad. Kasalukuyan kami ngayong nandito sa airport para sa flight namin papuntang America.
"Hayst, 'wag na nga!"
"Broken-hearted yata si Ate," sabi naman ng kapatid kong lalaki, seven years old.
Naramdaman ko na naman ang namumuong luha ko. Akala ko naiyak ko na lahat kanina, pero hindi pa pala. Pupunta kaming America ngayon . . . nang wala man lang si Keigo. Hindi ko ma-imagine ang future nang wala siya . . . lahat ng plano namin, sa isang iglap naglaho. Parang siya . . . parang siya kanina lang nandito pa, tapos biglang naglaho.
Feeling ko may sakit ako ngayon, nakakapanghina. Ang bigat sa puso't pakiramdam. Gusto ko na lang matulog buong magdamag.
Dapat kasi sasabay siya sa amin ngayon, e. Dapat nag-uusap kami ngayon dito habang naglalakad . . . dapat sa eroplano magkatabi kami.
Hindi ko alam kung paano ko nasabing mahal ko siya. Pero sobrang . . . sobrang nararamdaman ng puso ko 'yon.
At sobrang . . . sobrang sakit din na mawala siya. Kasi pakiramdam ko siya ang kalahati ng kaluluwa ko, at wala ako kung wala siya.
Gusto kong sisihin ang mundo. Ngayon alam ko na ang nararamdaman ng papa niya kaya against siya sa pagiging Astronaut . . . kasi dahil doon kaya nawala ang asawa niya, at ayaw niya ring mawala ang anak niya. Pero alam kong kahit magalit ako sa mundo, sa huli rito pa rin naman ang balik ko. Kasi ito ako . . . ito ang tahanan . . . This is where I belong.
Pinunasan ko ang tumulong mga luha sa pisngi ko.
Nasa dulo ako ng pila rito sa isa sa mga boarding gates. Malayo ang tanaw ko sa may departure hall, tulala ako na para bang lumilipad ang utak ko sa space. Nang biglang natanaw ko mula rito ang isang lalaki roon, nagmamadaling siyang maglakad papunta rito, hawak-hawak ang isang color black na maleta.
Ramdam ko ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko. Nang nakaalis siya ro'n, sa 'di kalayuan binabasa niya ang mga nakasulat sa itaas nitong mga boarding gates. Pakiramdam ko huminto ang paligid at kami na lang dalawa ang nandito nang nagtama ang paningin namin.
Napahinto siya sa paglalakad. At ngumiti—'yung ngiti niyang tipid, pero totoo. Dali-dali siyang tumakbo papunta rito, papalapit sa akin.
"K-Keigo?" bulong ko.
Bago pa man siya tuluyang makalapit, binitiwan ko ang hawak-hawak kong maleta't pumunta sa kaniya, dinamba ko siya ng yakap, mahigpit na para bang ayoko nang mawala siya ulit. Naramdaman ko ang pamumuo ng luha ko. "P-Panaginip ba 'to?"
"Kung panaginip 'to . . . please, huwag ka munang umalis," nanghihina kong sabi.
"Shh, totoo 'to. Buhay ako." Hinagod niya ang likod ng ulo ko. "Tumalon ako sa spaceship. Buti may parachute na naka-ready do'n at mabilis kong nasuot."
Rinig na rinig ko ang pintig ng puso niya habang yakap-yakap ko siya—nararamdaman ko. Rinig ko rin ang akin. At gusto ko . . . gusto ko ang tunog ng mga puso namin . . . na para bang dalawang musikang pinaghalo't naging isa—gusto ko siya. Nang humiwalay ako sa yakap, mamasa-masa ang mga mata ko nang tiningnan ko siya.
Tinitigan niya ako sa mga mata ko . . . na para bang isa akong star. Saka sinabing, "Puno ng maybes ang mundo . . . Puno ng perhaps, theories, hypothesis. Na-realize ko na hindi na pwedeng mabago 'yon. Kasi . . . 'yon 'yung mystery ng mundo. Pero na-realize ko rin na gusto ko pang gumawa ng bagong baka, maaari, siguro, maybe's, perhaps, theories, hypothesis. Gusto ko pang i-explore ang mundo, Rhae . . ." Ngumiti siya. "Gusto ko pang i-explore ang mundo kasama ka."
And the moment he said that, I knew the universe may be unknown, but it will not remain unknown . . . forever.
BINABASA MO ANG
Unknown Universe
Science FictionLiving in space is magical . . . Rhae is a high school girl who is very curious about astronomy -- about the whole world. She has always been fascinated by what is above the sky, dreaming of going to space. What if she met a boy who has the same int...