Second

132 5 17
                                    

NAPAHAWAK ako nang mahigpit sa suot kong i.d. lace. Ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. Hindi ako makapaniwala. Halo-halo ang nararamdaman ko—pagtataka, kaba, gulat, pero mas nangingibabaw 'yung pagka-excite at paghanga.

Like totoo ba 'to?!

Hindi naman 'to siguro panaginip, 'di ba?! Kinapa-kapa ko 'yung mukha ko gamit ang dalawa kong kamay. Ramdam ko naman 'yung pagkapa. Totoo nga 'to.

Okay, totoo 'to.

TOTOO 'TO.

Huminga muna ako ng malalim para naman makalma ko ang sarili ko. Siguro kasi mukhang na-star struck ang hitsura ko ngayon, at deep inside—sobrang sobrang lakas ng tibok ng puso ko na para bang aatakihin na ako.

Nang makalma ko ang sarili, dahan-dahan akong naglakad papalapit sa spaceship.

Oo, lumapit ako—LUMAPIT AKO SA SPACESHIP.

Ako—si Abby Rhae E. Concepcion ay LUMAPIT SA SPACESHIP NA NASA HARAP NIYA.

Imagine?! Ilang centimeter na lang ang layo ng spaceship sa akin?! Parang dati lang sobrang mundo ang pagitan ko at ng spaceship. Tapos . . . tapos . . . TAPOS NGAYON—nasa harap ko na lang siya!

Tinitigan ko ang spaceship na para bang 'yon lang ang tanging nakikita ko ngayon, tinitigan ko ito na para bang isa siyang ginto na ngayon ko lang nakita—ah, hindi! More than gold pa. Color white ang spaceship, expected ko naman na color white talaga ang kulay. Sabi kasi sa mga nabasa kong libro about sa Astronomy, kaya color white ang spaceship ay dahil color white din ang mga space suits na isinusuot ng mga astronauts. May mahabang horizontal na bintana sa spaceship kaso hindi ako makasilip sa bintana, hindi ko kasi abot. Pa'no, masyadong malaki ang spaceship.

Tila ba bumobomba ang puso ko nang dahan dahan kong idinampi ang kamay ko sa spaceship. Malamig—parang ako, nilalamig ako dahil sa hangin at dahil sa pagtaas ng mga balahibo ko. Hindi ako makapaniwala. AS IN.

Ramdam ko bigla ang pamumuo ng mga luha ko. Feeling ko maiiyak ako bigla dito. Alam mo 'yun, hindi ko lang expected na darating 'yung araw na 'to—na darating pa pala 'yung araw na 'to . . . na mahahawakan at makakakita ako ng spaceship.

Ang bubong ng spaceship ay umiilaw, 'yung direksyon ng liwanag ay pumupunta paitaas—papunta sa color dark blue na langit. Siguro ito 'yung ilaw na nakita ko kanina.

Nadako ang tingin ko sa right part ng spaceship nang biglang may tumunog na soft sound doon. At halos malaglag ang panga ko sa nakita ko ro'n. Nakita ko lang namang bumukas ang pinto ng spaceship! AT P.S., hindi siya pinto lang. 'Yung pinto na parang pinto ng elevator, gano'n!

Sa ibabang part ng pintuan ay may hagdan na kaunting steps lang naman—ang hagdan ang daan papunta sa nakabukas na pinto. Tila ba sobrang modern talaga ng spaceship, dahil ang spaceship at maging ang hagdan sa ibaba ng pintuan no'n ay para bang ginamitan talaga ng technology ang hitsura. Parang robot na gawa sa steel, cast iron, at aluminum.

Pero in fairness, ang ganda ng hitsura nitong spaceship sa labas! Naisip ko tuloy, ano kayang hitsura ng spaceship sa loob?

Kumabog na naman ang dibdib ko. What if . . . what if pumasok ako sa loob ng spaceship?! Silip lang naman, e!

Napatango tango ako. Tama, silip lang. Dahan dahan akong naglakad papunta sa tapat ng hagdan. Ramdam ko ang matinding pagkabog ng puso ko, isabay pa ang pagtaas ng mga balahibo. Feeling ko nanghihina at nanginginig ang binti ko nang nagsimula akong umakyat sa hagdan. Nagwawala na ang puso ko—kalma ka lang, Heart. Kalma ka lang, Abby, spaceship lang 'yan.

Nang nakapunta ako sa doorway, kita ko mula rito ang loob ng spaceship. Color white, sobrang modern at more on technology talaga. Tipong parang scientist lab.

Unknown UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon