Sixth

120 4 5
                                    


TUTOK ang mga mata ko sa librong binabasa nang biglang narinig kong bumukas ang pinto. Napalingon ako kay Keigo na kararating lang dito sa library, pero ibinalik ko rin kaagad ang tingin sa librong binabasa.

Nang makita ko sa gilid ng mga mata ko na pumwesto si Keigo sa harap ko, napatingin ako sa kaniya. Nagbabasa rin siya ng libro. May mesa sa tapat namin na tila ba nagsisilbing barrier. Napatitig ako kay Keigo, focus lang siya sa binabasa niya. Noong tumingin siya sa akin pabalik, nag-iwas ako ng tingin, kunwaring busy na nagbabasa rin ng libro ko.

Gusto kong pumikit dahil nakakahiya na nahuli niya akong nakatingin sa kaniya. Maya-maya, nagnakaw na naman ako ng tingin sa kaniya. Tumingin din siya sa akin, 'yung tingin na nagtatanong kung bakit ko siya tinitingnan. Ngumiti lang ako.

Ibinalik ko ang tingin sa librong binabasa. Okay, sa librong binabasa ang focus, Rhae. 'Wag sa kasamang magbasa.

Nang nakuha na ako ng binabasa ko, 'yung tipong parang nandoon ako sa loob ng mundo no'n. Naiangat ko ang tingin kay Keigo dahil umalis siya bigla rito ng library. Pero maya-maya, bumalik din siya. May dala-dalang dalawang drink pouch na may lamang tsaa.

Ibinigay niya sa akin ang isa—pinalutang niya sa tapat ko. Saka niya ibinalik ang tingin sa binabasa. Kinuha ko 'yon at napangiti. "Thank you." Saka ko sinipsip ang drink pouch gamit ang straw no'n. Kahit hindi niya sabihin, alam kong sa isip niya masarap ang mainit na tsaa habang nagbabasa ng kamangha-manghang libro.

Napatitig ako sa mga cool na planet table lamps na nakapalibot dito sa malaking bilog na mesa. Color white ang mesa na parang nakadikit sa sahig dahil hindi natatanggal. Mabigat at parang babasagin—at parang totoong mga planet 'yung planet lamps na nakapalibot dito—lumiliwanag sa dilim. Madilim kasi rito sa library, mga planet lamps lang ang nagbibigay liwanag. Siguro para makapag-focus talaga sa pagbabasa.

Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa. At noong tiningnan ko si Keigo sa kalagitnaan ng pagbabasa, tila tumalbog ang puso ko nang siya naman ang nahuli kong nakatingin sa akin. Nagtama ang paningin namin. Kaagad akong umiwas ng tingin at napakagat sa straw ng drink pouch ko.

Maya-maya, sumilip ako sa kaniya. Ang hawak-hawak kong libro ko ay halos nakatakip sa mukha ko. "Wow!" manghang sabi ko nang nakita ang book cover ng binabasa niya. "Nagbabasa ka ng Little Prince?"

Napatingin sa akin si Keigo't tumango. Haha, Rhae, obvious naman na Little Prince binabasa niya, 'di ba? Kita naman sa book cover.

"Binabasa ko ito." Ipinakita ko ang book cover ng binabasa ko. "The Alchemist, alam mo, may similarity sila ng Little Prince."

Nakatingin lang siya sa akin. Nagpatuloy ako sa pagsasalita, "Pareho kasi silang out of the world adventure at parable. Balak ko ngang basahin 'yang Little Prince pagkatapos ko basahin 'to—what if . . ." Ngumiti ako. "What if tapusin na natin ngayon itong mga binabasa nating libro, tapos exchange tayo ng librong binabasa bukas? Pagkatapos, kuwentuhan tayo, palitan tayo opinyon tungkol sa mga libro?"

Tinitigan ako ni Keigo.

"What if lang naman, ah," nahiya ko biglang sabi.

Tumango siya't ibinalik ang tingin sa pagbabasa. Napangiti ako—una, dahil binabasa niya ang Little Prince. Pangalawa, dahil ewan . . . masaya lang ako.

Noong gabi ring iyon, pagkatapos naming maghapunan, biglang sinabi sa akin ni Keigo na pupunta kaming Mars.

Oo, pupunta kaming Mars. Alam kong seryoso siya, kelan ba siya nagbiro? Sa totoo lang, based sa research, nine months bago makapunta sa Mars—o baka umabot pa ng taon. Pero dahil nga sa may speed-up 'tong spaceship ni Keigo, hindi problema 'yon.

Unknown UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon