Eighth

102 2 7
                                    


NANG pumunta akong control/communication system. Naaubutan ko si Keigo na nakapwesto sa bandang ibabang part ng mga button. Siguro tina-try niyang tanggalin ang pagkaka-set . . . siguro ayaw pa rin niyang matapos.

"Keigo."

Noong tinawag ko siya, humarap siya sa akin.

"Anong . . . anong—"

Hindi ko na natapos ang pagtatanong ko kung anong full name niya nang biglang may color green na usok ang pumunta sa amin—hindi lang sa amin, sa buong spaceship. Nakakasuka! At nakakahilo!

Napakapit ako sa may pader. "A-Ano 'to?"

Ramdam ko rin ang biglaang pagyanig ng spaceship, kasabay ng usok.

Napatitig sa akin si Keigo, at napaubo dahil sa usok. "Si Papa . . . siya may gawa nito . . . kaya pala."

"H-Huh?"

Napaubo ulit siya bago nagsalita, "Ayaw ni Papa sa Astronomy . . . itong color green na chemical . . . siya may gawa nito."

Napaubo ako. "E a-ano nang mangyayari?!" nag-p-panic kong tanong. "Para saan 'tong chemical na 'to?"

Napatitig siya sa akin. Saka nagsalita, "'Di natin maaalala 'yung mga ala-ala natin sa space rito sa mismong spaceship pagkabalik natin sa Earth . . . lahat ng adventure."

Feeling ko um-stop ang buong kaluluwa ko ro'n, na-freeze na yata ang buong katawan ko dahil doon. Gusto kong tanungin kung joke ba 'yon, pero alam kong hindi.

Napatingin si Keigo sa sahig. "Mahihimatay tayo"—napaubo siya—"dahil dito sa chemical kaya mahihimatay. Papasukin ng chemical buong system natin . . . Paggising natin . . . pagbalik natin sa Earth, wala na tayong maaalala sa mga nangyari sa spaceship na 'to."

Ramdam ko ang pamumuo ng luha ko. "P-Pati ikaw?" halos pabulong kong sabi.

Naiangat niya ang tingin sa akin.

"P-Pati . . . ikaw? 'D-Di kita maaalala?" Feeling ko kapag nagsalita pa ako, tutulo na ang mga luha ko't sasabog ako bigla—pero matatapos na, e. "At ako . . . h-hindi mo rin ako maaalala? Pagkabalik nating Earth?" Halos manginig ang boses ko habang sinasabi ko 'yon, pero buti na lang hindi tumulo, buti na lang napigilan ko ang mga luha. Hindi ko alam, parang mas ayos na na hindi ko maalala ang adventures namin sa space . . . huwag lang si Keigo.

Tumango siya.

Tumango rin ako, at pilit na ngumiti. At ang sakit pala . . . ang sakit pala ngumiti kapag malungkot ka. Tila ba kumikirot ang puso ko—o baka namamaga na.

Napaubo ako bigla, at siya rin. Halos hindi ko na makita ang buong spaceship dahil natatakpan na ng usok. At halos matakpan na rin si Keigo na nasa tapat ko ng usok. Sinubukan kong takpan ang ilong at bibig ko, pero masyadong malakas ang chemical.

"K-Keigo . . . may sasabihin ako sa 'yo," sabi ko. "Tandaan mo, ah?"

Nakatingin lang siya sa akin, hindi siya tumango. Baka alam niya kung gaano talaga katalab ang chemical para hindi niya matandaan 'tong mga sinasabi ko pagbalik namin sa Earth . . . kaya hindi siya tumango.

"T-Tandaan mo 'to . . . at least i-try mo." Ngumiti ako. "Ako si Abby Rae Estallo Concepcion. 'Yan ang full name ko sa Earth."

Inulit ko pa, para matandaan niya. Nakatitig lang siya sa akin. Napaubo ako bigla't napapikit, ramdam ko na ang matinding pagkahilo at pagkasakit ng ulo ko. Napahawak ako sa ulo ko.

"At . . . " nanghihina kong sabi. First time 'to, first time kong aamin. Hindi rin naman niya na matatandaan, e. Pero sana matandaan niya . . . para aware siya na dahil sa kaniya kaya magical ang experience ko sa space . . . para aware siya na may nag-c-care sa kaniya . . . at na nag-e-exist siya. "Crush kita," sabi ko't pilit na dumilat.

Nakatingin lang siya sa akin, at napakurap. Saka napahawak sa bibig niya para umubo.

"Crush kita kasi . . . ewan." Tumawa ako nang hilaw, at tumitig sa mga mata niya, nakatingin lang din siya sa akin, inalis niya ang kamay sa bibig. Tila ba kumislap ang mga mata niya, parang may stars doon. Sinubukan kong ngumiti, naalala ko bigla ang nakalagay sa The Alchemist. Sabi roon, "One is loved because one is loved. No reason is needed for loving."

"Crush kita Keigo," sabi ko. "Basta crush kita . . . sobrang na-f-feel ko 'yon deepest down sa puso ko . . . Siguro kasi . . . pareho tayo—alam mo 'yun" Ngumiti ako sa kaniya. "Parang konektado tayo . . . parang may malaking magical connection sa 'tin."

Nakatitig lang siya sa akin. Ewan ko kay Keigo kung na-star struck ba siya sa sudden confession ko o wala siyang paki. Nang naramdaman kong nanghihina ang buong sistema ko't mawawalan na ako ng malay. Pinilit ko pa ring sabihing, "S-Sana . . . sa Earth . . . magkita tayo."

Papikit na ang mga mata ko nang biglang ngumiti si Keigo. Nanghihina man, sinabi niya, "Syempre, mahahanap natin ang isa't isa . . . 'yung soul natin . . . pinanganak sa iisang star."

Ramdam ko bigla ang pamumuo ng luha ko dahil sa sinabi niyang 'yon. Sana . . . sana nga mahanap natin ang isa't isa . . . kung sana lang.

Napahikbi ako't tuluyang napapikit. Bakit ba kasi kailangang matapos pati ito? Bago ako tuluyang nawalan ng malay, ramdam ko ang pagtulo ng mga maiinit kong luha.

At bago rin ako tuluyang nawalan ng malay, pagkatapos bumagsak ng mga luha ko, narinig kong sinabi ni Keigo, "Sorry . . . sana maalala kita."

Sana.




* * *

the stars
would be
so proud
to know
their
atoms
created
someone
like you.

Unknown UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon