"Babe?" tawag sa akin ng isang babae habang nandito ako sa isang grocery store sa gasoline station.
"Who are you?!" inis na singhal ko sakanya.
"Duh, you don't remember me?" maarteng saad nito.
"I don't even know you exist woman!" I shouted at her.
Napatingin ang ibang tao sa paligid but I don't care. Kasama ko ngayon ang girlfriend ko and I don't want to hurt her. Hailey Twyna Mendel is the woman that you don't wanna hurt, isang matinding kasalanan ang saktan siya. Alam kong di siya selosa pero masasaktan ko pa rin siya kung may makita siyang babaeng umaaligid sa akin.
"What's happening here, Hon?" tanong ng girlfriend kong kararating lang galing sa banyo.
"This girl is annoying!" I shouted again while pointing at the girl.
"What did she do?" mahinang tanong niya sakin so I faced her.
"S-She called me b-babe but I d-don't even know h-her," nag-aalanganin kong sagot.
"Hmm? Really?" she said then look at the girl and...SMILE.
"Ahm ate baka nagkamali ka lang. This guy here is my boyfriend and he doesn't know you, you must be mistaken him for another person," sinsero at nakangiting saad niya sa babae.
I'm so lucky to have this one of a kind girlfriend. Siguro kung ibang babae lang ay sasabunutan niya na tong malanding to kanina pa. But instead, she's so angelic and kind.
"I'm not mistaken Miss! This guy here is the one I accompanied last night on the bar!" malanding tugon ng babae.
Nawala ang ngiti ni Twyna dahilan para kabahan ako ng matindi. Doon ko na naalala ang babae. The one who accompanied me last night, the one whom I call babe, and unfortunately, the one I kissed. Pero lasing na lasing ako noon, I don't know what I am doing.
"A b-bar? Hmm siguro nga ay sinamahan mo siya sa bar but it doesn't mean you have the right to call him babe. Maybe he wasn't interested in you at pinagsisik-sikan mo lang ang sarili mo sa kanya," nakangiti ngunit inis na sabi ng girlfriend ko.
This is the first time I heard her say those words.
"Well I'm afraid it's not! Siya nga ang tumawag sa akin ng babe and we kissed! So I'm assuming that he likes me!" malanding paninigurado ng babae dahilan para lingunin ako ni Twyna.
"I-Is it true, Hon? It's not, right? Nagkakamali at nagdedelusyon lang ang babaeng to diba?" nakangiti ngunit malungkot ka saad niya.
"Let m-me explain—" sabi ko dahilan para talikuran niya ako.
Naiwan ako sa grocery store kasama ang malanding babae. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Don't ever let me see your face again or else I'll make you experience hell!!" galit na sigaw ko sakanya dahilan para mapahiya siya. Well she deserves it.
Tumungo ako sa cashier para bayaran ang aking mga pinamili saka dumiretso sa sasakyan ko. Malayo pa lang ay nakita ko na si Twyna na humihikbi. Parang pinipiga ang puso kong makita siyang ganito.
Dahan-dahan akong lumapit sa kotse at nang makita niya ako ay agad niyang pinahid ang mga luha saka pilit ngumiti. Pumasok ako at kinabit ang seatbelt niya, pati na rin yung akin.
Doble ang sakit na naidulot sa akin nang makita ko ang namumugto niyang mga mata.
"Hon, I'm so so so so sorry," sinserong saad ko.
"Naiintindihan kita Ryle, alam kong lasing ka lang ng mga panahon na yon at di mo alam ang ginagawa mo," sambit niya dahilan para yakapin ko siya ng mahigpit.
"Thank you, Hon," mahinang sabi ko saka siya hinalikan sa noo, "...I love you," dagdag ko pa saka pinahid ang mga luhang namumuo ulit sa kanyang mga mata.
"Always remember na kahit gaano na kasakit, kahit pagod na ako, pipilitin ko pa rin. Dahil mahal na mahal kita Ryle and losing you is like losing my life," naluluhang aniya.
"I swear this is the last time that I hurt you, Hon. I love you so much and I don't want to lose you too," sambit ko at bumitaw sa pagkakayakap saka diretsong tumitig sa mga mata niya.
"Di mo kailangang ipangako yan, Ryle. Minsan, nakakasakit tayo ng tao na hindi natin sinasadya. Pero doon kasi tayo natututo, sa pamamagitan no'n ay malalaman na natin ang mga bagay na di natin dapat gawin para makaiwas tayong magkamali ulit. Mahal na mahal kita Ryle, at iintindihin kita palagi," saad niya saka ako niyakap ulit.
"You're one in a million, Hon," nakangiting aniya ko.
"I guess I am," nakangiti rin niya sagot saka bumitaw sa pagkakayakap.
Pinaandar ko na ang kotse saka nagbiyahe. Papunta kami ngayon sa bahay ng lola niya. It's been a long time since nakapunta kami dito.
Lola niya nalang ang meron siya, she is only child kaya wala siyang mga kapatid. Di niya kilala ang mga kamag-anak niya. And her parents died on a plane crash. At ngayon ay nagkasakit ang lola niya kaya kami papunta doon.
Naawa ako sakanya, her grandmother is the only family she have tapos mawawala pa ito sa kanya. I don't know if she can take it anymore. Napaka-fragile niya para masaktan ng ganito.
"Andito na tayo, Hon," pag-gising ko sa kanya dahil nakatulog siya sa biyahe.
"Hmm?" parang inaantok niya pang tugon kaya nginitian ko siya at ganon din siya sakin.
Pumasok kami sa loob ng bahay ng lola niya at ang caregiver ang bumungad sa amin.
"Kamusta na si Lola?" nag-aalalang tanong ni Twyna sa caregiver.
"Mabuti naman po kaso lang ay nahihirapan akong pakainin siya," malungkot na sabi ng babaeng caregiver.
"Bakit naman wala siyang gana kumain?" nag-tatakang sambit ni Twyna.
"Di ko po alam ang talagang dahilan pero palagi niya pong hinahanap ang taong nangangalang Tina," pagpapaliwanag ng caregiver.
Napahagulgol nalang ang girlfriend ko dahil sa nalaman niya. Tita Tina is Twyna's mother and also her grandmother's daughter. 5 years na ang nakakalipas noong namatay ang mga magulang niya.
Niyakap ko siya at pinatahan ngunit tuloy-tuloy pa rin ang kaniyang pag-iyak.
Ilang minuto lang ay tumigil din siya sa pag-iyak at pinuntahan ang Lola nito sa silid.
"Tina? Anak ikaw ba yan?" sambit ng Lola niya saka siya niyakap ng mahigpit.
Muling tumulo ang luha ni Twyna dahil sa sinabi ng kaniyang Lola.
"Salamat at bumalik ka anak ko," muling saad ng matanda dahilan para mas lalong humagulgol ang girlfriend ko.
Matanda na ang lola niya at marami na itong karamdaman kasama na ang pagiging malilimutin.
"D-Di po ako ang anak n-niyo," nahihirapan sambit ni Twyna, "A-Ako po si Twyna, a-apo niyo p-po ako," dagdag niya pa.
"Apo?" mahinang sabi ng lola niya.
"O-Opo,"
"Bakit naman umiiyak ang apo ko?" nag-aalalang tanong ng Lola nito. Di nakasagot si Twyna, sa halip ay mas umiyak pa ito.
"Alam ko na kung bakit ka umiiyak," nakangiting saad ng Lola niya, "Nasaktan ka sa pag-ibig no? Ang pag-ibig ay parang rosas yan iha, napakaganda nito ngunit may kaakibat na tinik. Kahit ano ka pa kaiingat sa paghawak nito, may panahon na masasaktan at masasaktan ka pa rin," paliwanag ng Lola niya.
Napatingin sa akin si Twyna at parang may pilit pinaparating ang mga mata niya.
"Huwag kang bumitaw hangga't kaya mo pa iha. Katulad lang din yan ng paghawak sa rosas, mas lalo lang sumasakit pag hinigpitan mo ang kapit, pero kung sa tingin mo ay hindi mo na kaya, bumitaw kana at gamutin mo ang mga sugat mo hanggang sa maghilom ito," makahulugang sabi ng matanda.
BINABASA MO ANG
Did I Ever Lose Your Love?
RomanceYou are perfect and you don't deserve to be hurt, my angel. But unfortunately, I hurt you. I make you feel unimportant and worthless. That's the worse mistake I've done in my life. I'll do everything to make you mine again. I'll cherish you this tim...