Akala ko ay lilipas din agad ang naging alitan namin ni Twyna pero tumagal ito. Hanggang sa dumating na ang araw ng kaarawan niya ay di pa rin kami nagbabati. Oo at nasa iisang condo lang kami pero di namin maramdaman ang isa't-isa.
"Kamusta bro? Ayos na ba kayo ni Twyna?" tanong sa akin ni Dizen. Nandito siya ngayon sa opisina ko.
"Malabo na kami," malamig na saad ko saka napabuntong-hininga.
"It's her birthday today, anong balak mo?"
"I'm planning to propose to her,"
"What?!" gulat na gulat na tanong ni Dizen.
"You heard it right. Alam kong maayos pa namin to dahil mahal namin ang isa't-isa,"
"Good luck bro!" masayang bati ni Dizen.
Maaga pa akong umalis ng opisina para isagawa ang plano kong proposal. Balak ko itong gawin sa park kung saan naging kami noon. Kung saan niya ako sinagot. Kung saan kami palaging nagdidiwang ng anniversary.
Palagi nilang sinasabi na habang tumatagal ay nawawala ang saya sa isang relasyon pero handa akong patunayan na mali sila. Magiging masaya kami ni Twyna hanggang sa huli. Siya lang ang gusto kong mahalin at patuloy na mamahalin. Siya lang ang gusto kong makasama habang buhay.
Nakahanda na ang lahat para sa sorpresa ko kaya tinawagan ko na si Twyna.
"Ryle? May kailangan ka?" malamig na tugon niya. Parang bumigat ang puso ko dahil parang wala lang ako sakanya.
"Gusto ko sanang makipagkita sa'yo," parang nahihirapan kong sambit.
"May ginagawa kasi ako ngayon,"
"Importante to Twyna, kaya pleaseeee pumunta ka," pagmamakaawa ko.
"O-Oh sige, saan ba yan?"
"Sa lugar kung saan mo ako sinagot noon,"
"Papunta na ako,"
Nakahinga ako ng maluwag dahil pumayag siya. Nakangiti akong inihanda ang aking gitara para sa pagdating niya at pinapanalangin na sana maging maganda ang kinahihinatnan nito.
Dalwang oras na ang lumipas ngunit di pa rin dumadating si Twyna. Talagang kinakabahan na ako na baka di siya sumipot pero ang kaba na yon ay napalitan ng tuwa nang marinig ko ang boses niya.
"Ryle? Bakit ang dilim?" nagtatakang tanong niya.
Pinindot ko ang remote dahilan para muling lumiwanag ang paligid saka tinipa ang aking gitara.
“Work all day, work all night
Might not get no sleep tonight
Baby can you stay up?
We could talk, we could dance
Don't matter the circumstance
We don't let it change us”Di ko mapigilang lumuha nang maalala lahat ng masasayang alaala namin.
“That's the beautiful thing about us
'Fore all the diamonds and rings, we got trust
Roll with me, get it right, faded on a summer night
Let's see where it takes us”Tiningnan ko siya at nakita kong masaya siya ngunit di pa rin non naitago ang lungkot na nagkukubli sa mga mata niya.
“I got real big plans, baby, for you and me
So love me for who I am and for who I'm gonna be
Ain't got everything you want, but got everything you need
So take a chance, take a chance on me”"R-Ryle—" I cut her words as I continue the song.
“Know you're tired, know you're down
Know you wanna leave this town
Baby, give me one year, yeah
Take my hand, take a leap
Girl, you gotta wait and see
Where I take it from here”I smiled to her which causes my tears to drip down.
“That's the beautiful thing about you
I know that you'd do the same in my shoes
Never switch, never stop, I could see us at the top
Girl why don't we go there”I stand up and put my guitar down but still singing. I give the sign to the personel and the lights on the ground shines and say the words I want to say.
“That's the beautiful thing about you
I know that you'd do the same in my shoes
Never switch, never stop, I could see us at the top
Girl why don't we go there”I kneel and held her hand. Napasinghap siya dahil sa ginawa ko at ang isang kamay niya ay nakatakip sa kanyang bibig.
"Thank you for the things you've done for me. Thank you for making a better man. I just can't live my life without you. I want to fulfill all of my plans with you. Hailey Twyna Mendel, will you marry me?" abot-langit ang saya ko kahit di ko pa alam ang sagot niya. Because one of my dreams came true, and that is to propose to this girl standing in front of me. Inilabas ko ang singsing habang hawak pa rin ang kamay niya.
"R-Ryle," parang nahihirapan siyang sumagot.
"Just say your answer, Hon," I said, hoping that she'll say yes.
"I'm s-sorry Ryle, but I can't," I can feel my world just collapse as she said those words.
"P-Pero mahal mo ko di'ba?"
"God knows how much I love you pero pagod na ako Ryle. Pagod na akong paulit-ulit kang intindihin. Pagod na akong paulit-ulit kang patawarin, nakakasawa din Ryle!" humihikbi niyang sambit.
Tumayo ako sa pagkakaluhod saka pinahid ang mga luha niya.
"Pleaseeee Twyna! Huwag kang mapagod. Pinapangako ko sayo na this time, mamahalin na kita, papahalagahan na kita, di na kita ulit sasaktan. Basta huwag mo lang akong iwan. Di ko kayang mabuhay nang wala ka,"
"Pasensya na pero sarili ko muna, Ryle. Pipiliin ko muna ang sarili ko," malungkot na sambit niya bago ako tinalikuran.
Naibato ko nalang ang hawak na singsing dahil sa sakit na nararamdaman. Sobrang sakit na parang di ko na kaya, na parang ayaw ko na sa mundo.
Napaupo ako damuhan at inilabas lahat ng luha nang biglang tumunog ang aking cellphone. Ngunit mas dumoble lang ang sakin na yon dahil sa aking nabasa.
Twyna: We're over, Ryle. I'm sorry but it's time to let go.
Naramdaman kong namanhid na ang buong pagkatao dahil sa sobrang sakit.
"I deserve this," aniya ko sa sarili saka mapait na ngumiti.
Mabilis ang bawat hakbang ko patungo sa kotse. Marahas kong binuksan ang pintuan at marahas ko din tong sinarado.
I can't take this anymore. Agad kong pinaandar ang sasakyan at mabilis itong pinaharurot. Di ko alam kung saan ako pupunta pero gusto ko munang lumisan sa lugar na yon.
Mas binilisan ko pa ang pagmamaneho because I feel so much frustrated. At di ko inaasahang sasabay ang panahon sa nararamdaman ko. Bigla na lang umulan at dahil dun ay naging madulas ang daan.
Gumewang-gewang ang aking sasakyan dahil nga sa bilis nito at sa dulas na rin ng daan. Napapikit nalang ako ng makita kong babangga ito sa puno.
'Siguro mas mabuti pa ngang mamatay na ako dahil wala ng saysay ang buhay ko kung wala siya'
At nang bumangga na ito ay bigla nalang dumilim ang aking paningin.
BINABASA MO ANG
Did I Ever Lose Your Love?
RomanceYou are perfect and you don't deserve to be hurt, my angel. But unfortunately, I hurt you. I make you feel unimportant and worthless. That's the worse mistake I've done in my life. I'll do everything to make you mine again. I'll cherish you this tim...