Nagising ako at agad na napadaing nang maramdaman ang sakit ng ulo.
Nilibot ko ang aking paningin sa paligid at napasinghap nalang ako nang marealize na di ito ang kwarto ko. Naalala ko ang nangyari kagabi, ang pagyaya sa akin ni Dizen, ang mga babae, at ang kahayupan ng kaibigan ko.
Agad na hinanap ng mga mata ko ang aking cellphone at nakahinga naman ako ng maluwag nang makita ito sa side table. Sandamakmak na missed calls at chats ang bumungad sa akin. Nangunguna na doon ang galing kay Twyna.
Twyna: Hon where are you?
Twyna: Alam kong gagabihin ka pero di ko pa din maiwasang mag-alala.
Twyna: Alas-onse na, Hon. Magtext kanaman dahil nag-aalala na talaga ako.
Twyna: Are you having fun, Ryle?
Biglang lumukot ang mukha ko nang mabasa ang mga chat niya, lalo na ang pinakahuli. Mukhang nalaman niya na ang nangyari kagabi.
I swear that if I see that as*hole, I will break his bones and make him pay! Ilang taon ko siyang tinuring na kaibigan at eto ang igaganti niya?!
Nai-imagine ko pa lang na umiiyak si Twyna ay nasasaktan na ako. G*go ka Dizen! Magbabayad ka talaga!
Dali-dali akong lumabas ng building na sa pag-oobserba ko ay isang hotel. Hinanap ko ang aking kotse pero di ko iyon makita kaya wala akong choice kundi magtaxi.
Nakarating ako sa condominium namin at laking tuwa ko nang makita si Twyna sa sofa habang nanunuod ng telebisyon. Nagtaka pa ako ng una pero narealize ko rin na Sabado pala ngayon kaya wala siyang trabaho.
"H-Hon?" nag-aalangang at kinakabahang tawag ko sakanya.
"Ryle," seryosong aniya matapos akong lingunin.
"I'll explain myself, Hon! Sana makinig ka sa'kin," pagmamakaawa ko.
"Sige," malamig na tugon niya.
"Spill out the questions you wanna ask me and I promise to you that I'll answer it honestly," saad ko at tumango naman siya bilang pagsang-ayon.
"Totoo bang may kasama kang mga babae kagabi?" parang hirap na tanong niya na siyang nagpadagdag ng kaba ko.
"Oo," yumuko ako matapos kong sabihin niyo ngunit nahagilap ko ang sakit sa mga mata niya, "Pero may pinainom si Dizen sa akin, Hon! Nahilo ako at di ko na alam ang sumunod na nangyari," pag-eexplain ko.
"Bakit naman gagawin ni Dizen yon? I thought you two are bestfriends?" pagtataka niya.
"Yun din ang akala ko pero hindi. He wants to stole you from me. Gusto ka niyang agawin sa akin," di ko napigilan ang pagluha ko.
Imagining myself without this girl is like a torture.
"I-It's ok, Hon. Di ako mawawala sa'yo," bumabadya rin ang mga luha sa mata niya matapos niya yong sabihin.
"Anong sinabi ng tarantadong yon sa'yo?" mahina ngunit galit na tanong ko.
"He said that you don't want me anymore. Sinabi niyang may ibang babae ka ng gusto, na niloloko mo lang ako. Pero di ako naniwala sa kanya Ryle, not until he showed me some photos of you, enjoying yourself with another girls," naluluhang paliwanag niya.
"Ginawa niya yon dahil gusto niyang agawin ka sa'kin. Sinisiraan niya ako sa'yo, Hon. Please maniwala ka sa akin,"
"Naniniwala ako sa'yo, Ryle. Pero ang tiwala ko ay di na gaya ng dati," halos pabulong nalang na sambit niya saka naglakad papunta sa kwarto.
Doon ako napaluhod sa sahig. Para sa mahihina lang daw ang pag-iyak pero di ko talaga mapigilan ang mga luhang umaagos mula sa aking mata.
Why do I have to hurt my girl? Kahit di ko naman sinasadya ay palagi ko siyang nasasaktan. Di ko na mabilang kung ilang beses akong nilasing ni Dizen pero ngayon ko lang nalaman kung bakit niya to ginagawa. Napakawalang kwenta kong tao. Ang tanga-tanga ko dahil di ko man lang nalaman ang motibo ni Dizen noong una pa lang.
Sobrang hirap, napakahirap na makitang nasasaktan ko nalang palagi si Twyna. Habang siya naman ay patuloy lang din akong iniintindi at pinapatawad.
Bukas na ang fourth anniversary namin pero ganito pa ang nangyari.
Kailangan kong bumawi sa kanya. I need to make my girl happy again. I want to give her a surprise.
Naging busy ako sa trabaho ngunit pinaghahandaan ko pa rin ang surprise ko sa kanya bukas. It should be held at our favorite place.
Marami akong inasikaso at isa din ang pagbawi sa kompanya ko.
"Sir na reschedule ko na po ang meeting niyo with investors," sambit ng secretary ko.
"What time?" pagsasalita ko habang nakatitig sa mga papeles.
"2 pm po sa Delight Cafe,"
"Alright, I'll take note of that,"
Lumabas na ang aking sekretarya sa opisina habang ako naman ay patuloy pa rin ang paghahalukat ng mga papeles.
Malapit na ang 2 pm kaya naghanda na ako para sa gaganaping meeting. Inaayos ko ang aking neck tie nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nabigla pa ako nang makita ang pangalan ng nakababatang kapatid ko, si Rayla.
"Hello? Kuya?" parang malungkot na saad niya sa kabilang linya.
"Oh Rayla, bakit napatawag ka?" pagtataka ko.
"Si M-Mama—" di na niya natuloy ang sasabihin niya dahil sa biglaan kong pagsasalita.
"Bakit?! Anong nangyari kay Mama?!" tarantang pagsigaw ko.
"Sinugod si Mama dito sa hospital, Kuya," naiiyak na sambit niya.
"I-send mo sa'kin ang address, papunta na ako," dali-dali akong lumabas ng opisina.
"Sir ang meeting niyo—" pinutol ko ang sasabihin ng sekretarya ko.
"Cancel the meeting! Meron akong emergency!" sigaw ko saka lakad takbong tumungo sa parking lot.
Pagkadating ko sa hospital ay agad kong nahagilap si Rayla na umiiyak.
"Anong nangyari kay Mama?" agad kong tanong sa kaniya.
"Nahirapan siyang huminga, Kuya," saad niya saka pinahid ang mga luha. Yinakap ko siya at pinatahan.
Ilang minuto lang ay dumating ang doctor.
"Inatake lang siya ng asthma niya, huwag kayong mag-alala, mabuti na ang kanyang kalagayan," sambit ng doctor kaya dali-dali naman kaming pumasok sa kwarto na kinaroroonan ni Mama.
"Ryle, anak kamusta ka na?" bungad niya nang makita ako.
"Ako dapat ang nagtatanong sa'yo niyan, Ma," saad ko.
"Mabuti na ang pakiramdam ko. Kayo? Kamusta na kayo ni Twyna?" nakangiting sabi niya.
"O-Ok naman po kami, Ma. Nagkaroon kami ng pagtatalo kahapon pero naayos din namin,"
"Mabuti yan anak. Kahit anong problema ang sumubok sa inyo ay huwag kayong susuko," sambit niya kaya niyakap ko siya ng mahigpit.
Ilang oras ko pang sinamahan si Mama sa hospital bago kami pinauwi. Inihatid ko muna si Mama sa bahay at bumalik naman si Rayla sa paaralan niya dahil meron pa daw siyang kailangang gawin. Medyo matagal din akong namalagi sa bahay bago ako makauwi.
Nang makarating sa condominium namin ni Twyna ay nagulat ako dahil parang walang tao sa loob.
"Hon?" tawag ko ngunit walang sumagot.
Binuksan ko ang aking cellphone at nagulat ako dahil napakaraming missed calls at messages na puro galing kay Twyna.
Binasa ko ito isa-isa at laking panlulumo ko nang mabasa ang pinakahuli niyang mensahe.
Twyna: Patay na si lola.
BINABASA MO ANG
Did I Ever Lose Your Love?
RomanceYou are perfect and you don't deserve to be hurt, my angel. But unfortunately, I hurt you. I make you feel unimportant and worthless. That's the worse mistake I've done in my life. I'll do everything to make you mine again. I'll cherish you this tim...