Maaga kong sinundo si Twyna at ang anak namin. Excited ako ngayon para sa surpresa ko sakanya.
"Lola!" masayang bati ng anak ko kay Mom nang makarating kami sa bahay.
"Dito muna si Rendell, Tita," parang nahihiyang aniya ni Twyna.
"Naku ok lang! Masaya nga kami kung palagi siya nandito! He brightens the atmosphere of our house," nakangiting sambit ni Mom saka kinarga si Rendell na tuwang-tuwa din.
"Let's go?" tanong ko kay Twyna saka inilahad ang aking kamay.
"Sige," she answered as she accepted my hand.
"Kuya wait!!!" napasinghap pa ako dahil sa sigaw ng kapatid ko.
"What do you need, Rayla? Bakit ka sumisigaw?" iritadong saad ko.
Nag-peace sign naman siya at ngumiti.
"Pasabay pleaseee," pagmamakaawa niya.
"Hindi pwede, nagmamadali ako," pagtanggi ko sa kaniya.
"Pleaseeee kuya!"
"Sumabay ka na lang kay Dad,"
"Mamaya pa siya eh, please kuyaaa! May event akong kailangan puntahan. Ako ang representative ng school namin, I need to photograph every single moment na mangyayari sa event na yon dahil i-pupublish niya sa school newspaper namin!" mahabang pagpapaliwanag niya.
Napahilot nalang ako sa aking sentido.
"Isabay na natin siya, Ryle. Baka malate pa ang kapatid mo," sambit din ni Twyna.
Napahinga pa ako ng malalim bago pumayag. Masaya naman ang kapatid kong mas nauna pa sa sasakyan.
Naging maingay ang biyahe dahil panay ang kuwento ni Rayla kay Twyna.
"Alam mo ba Ate Twyna, halos lahat ng litrato na nai-pupublish sa school newspaper and magazines namin ay kuha ko," pagmamalaki niya.
"Ang galing mo naman," tuwang-tuwa ding sagot ni Twyna.
Nagpatuloy sa pagmamalaki ang aking kapatid at sinasakyan lang naman ni Twyna ang mga pinagsasabi niya. Nakarating na kami sa event na pupuntahan niya at kahit pababa na ng sasakyan ay todo pa rin ang putak niya.
"Sige na, umalis kana," sambit ko dahil parang ayaw pa niya umalis. Kung kanina lang eh todo ang pagmamadali niya, ngayon ay parang ayaw pa niyang lumabas sa sasakyan.
"Bye, Ate Twyna! Sa susunod ulit hehe! Ang attitude ni kuya eh!" saad ng aking kapatid saka dumiretso na sa event.
Nang makaalis na si Rayla ay nagpatuloy kami sa biyahe.
Napapangiti lang ako bigla kung mai-imagine ko ang posibleng reaction niya kapag nakita ang surpresa ko.
"This road is so familiar," komento niya nang makita ang dinadaanan namin.
"Indeed," sagot ko naman.
"Nadala mo na ba ako dito dati?"
"Never,"
"Ehh bakit parang ang familiar ng lugar na to?" curious niyang tanong.
"You'll find out," I smirked as I said that.
I know that she will be happy if she sees this place. And making her happy is my happiness.
Nang malapit na kami sa lugar ay itinigil ko ang sasakyan at nilagyan ko siya ng blindfold.
"Para saan naman 'to?" gulat niyang tanong.
"It's a surprise,"
"Oo nalang, sasakyan ko nalang ang trip mo,"
I continued driving and nang makarating na kami ay inalalayan ko siyang makababa. And when we reached the perfect spot, I removed her blindfold. Surprised and happiness can be drawn in her face.
"This place," she mumbled and I saw her tears starts to flow, "This is the place where my mother and father used to bring me," naluluha niyang aniya.
A simple picnic place with a beautiful lake. Napakaganda ng lugar na ito, bagay na bagay sa moment naming dalawa.
"I know that this place will make you happy. Yes, memories of your deceased love ones can make you sad but it'll make you more than happy if you recall those happy memories instead of recalling the bad ones," I said and wiped her tears.
"Thank you. Matagal na panahon ko nang binaon sa limot ang lugar na to kasi nga nagdudurusa pa ako noon sa pagkamatay ng magulang ko. But when I realized that I want to remember my parents with this place, di ko na maalala ang eksaktong lugar. Kaya nagpapasalamat ako sa'yo ng sobra dahil dinala mo ako dito, Ryle," she said the hugged me.
"Kaya mo na ba akong tanggapin ulit?" I said out of blue.
"Yes, Ryle. Napagtanto kong mahal pa rin pala kita hanggang ngayon. I want to complete our family, ikaw, ako, at si Rendell,"
I feel like crying as she said those words. I hold her hand and kissed her forehead.
"Let's go and eat before I continue my surprised to you,"
"May sorpresa ka pang iba?"
"Yes, because I will never get tired of making you happy,"
Iginiya ko siya sa isang picnic table kung saan nakahanda na ang lahat ng pagkain, thanks to my secretary.
"Maaga mo pa ba tong inihanda?" nagtatakang tanong niya nang makitang kompleto na ang lahat sa mesa.
"No, my secretary prepare this things," I said while putting foods on her plate.
"Si Kendra pa din ba ang secretary mo?"
"Yes, and may ibang inasikaso lang ako kaya siya ang inatasan ko dito sa preparasyon ng pagkain natin,"
Ine-enjoy namin ang pagkain habang nagkukuwentuhan. Sana ganito nalang palagi. Yung masaya kaming kakain at mag-uusap. If I could just stop the time and stay in this moment.
Natapos kami sa pagkain at sa isang bench naman katabi ng lawa ang pinuntahan namin.
"Bakit parang wala atang tao dito?" she commented when she noticed that it was only the two of us.
"I rent this place,"
"What?!" gulat na gulat niyang tanong.
"Para naman masolo natin yung lugar," pagdadahilan ko at napabuntong-hininga nalang siya.
We embrace the silent and peaceful surroundings. Naging tahimik kami nang ilang sandali before I asked her to stand up.
"Para saan naman to?" she repeated her question hours ago.
I just smiled as a response and started to kneel. Nagulat siya dahil napatakip pa siya sa bibig.
"Alam kong ikalawang beses ko na tong ginawa but I will never get tired to try hanggang sa marinig ko ang matamis mong oo. Hindi pa tayo ngayon and hindi mo pa ako sinasagot. But I'm just too excited to call you Mrs. Dereño. I promised that I will cherish you more this time. I promised that I'll love you more than my life. Hailey Twyna Mendel, will you marry a man like me?" kinakabahan ngunit napakasinsero kong sabi saka inilabas ang singsing.
The same ring I used when I proposed to her last time. Kahit natapon ko iyon noon ay hinanap ko pa rin ito at ginamit muli.
I saw her tears starts to flow again. Kinakabahan ako na baka di niya ito tanggapin tulad ng dati. But when I remembered what she said earlier na mahal niya pa rin ako. My fear turns to confidence na this time, she will say yes.
"Ryle, gaya nga ng sinabi ko kanina, I still love you. And now I'm ready to spent the infinity with you. So my answer is yes," sagot niya.
Di masukat ang tuwa ko dahil sa wakas, akin na ulit siya. Not as her boyfriend but as her future husband. Napatalon pa ako sa tuwa.
I putted the ring on her finger and hugged her tight.
"I'm so excited to marry you, Twyna," I whispered to her.
"Me too, Ryle," masayang sagot niya.
BINABASA MO ANG
Did I Ever Lose Your Love?
RomanceYou are perfect and you don't deserve to be hurt, my angel. But unfortunately, I hurt you. I make you feel unimportant and worthless. That's the worse mistake I've done in my life. I'll do everything to make you mine again. I'll cherish you this tim...