Tatlong araw kaming nanatili ni Twyna sa bahay ng lola niya. At ngayon ay pauwi na kami sa condominium sapagkat may naiwan kaming trabaho.
Isa akong business man at guro naman si Twyna. There's a lot of people whose against to our relationship pero di kami nagpatinag. Dahil don ay umabot kami ng 3 years, and the day after tomorrow is our fourth anniversary.
Nakarating kami sa condominium at mabilis akong naghanda para sa trabaho. Habang si Twyna naman ay nag-aayos ng mga gamit namin. Excuse pa rin siya sa trabaho hanggang ngayong araw kaya ako lang ang aalis.
"Hon, baka mamayang gabi na ako makauwi. May dinner ako with some of the investors," mahinang sambit ko habang inaayos ang aking polo.
"Sure, Hon," sagot niya saka ngumiti.
Bago ako umalis sa condo ay hinalikan ko siya sa noo at niyakap.
This day was so busy, ang daming nangyari buhat ng mawala ako ng tatlong araw. I had to fix a lot of things lalo na ang pagkalugi ng isa sa mga branches namin. I'm an owner of a well-known department store. Kaya napakahands-on ko talaga sa lahat ng mga branches namin.
"Sir I'd like to inform you that your meeting with the investors at 6 PM is cancelled," saad ng sekretarya ko.
"Bakit naman nila kinansela?!" inis na singhal ko. Halatang nabigla siya sa pag-sigaw ko at parang nag-aalangan pang sumagot sa tanong ko.
"A-Ahm kasi S-Sir-" di niya na natapos ang sasabihin ng muli akong sumigaw.
"What?!"
"Ayusin niyo daw muna po ang problema ng kompanya niyo bago kayo makipagkita sa kanila. Ayaw nila ng pabagsak na kompanya," mabilis at natatarantang sagot nya.
"D*mn!!" inis na sigaw ko kaya mabilis na lumabas ang aking sekretarya sa opisina ko.
Sa kalagitnaan ng pagpapalamig ng ulo ko ay napag-isipan kong tawagan ang babaeng kayang pawalain ang galit ko. Pero ilang beses ko siyang tinatawagan ay di siya sumasagot. Her line is busy.
Napasuklay nalang ako ng ulo ko dahil sa inis. Bakit kung kailan ang panahon na kailangan ko siya ay wala siya?!
Naibato ko ang aking cellphone sa sofa ngunit ilang segundo lang din ang lumipas at nag-ring ito. Sa pag-aakalang ang girlfriend ko ang tumatawag ay mabilis kong kinuha ang cellphone sa sofa.
Ngunit laking panlulumo ko nang mabasa ang pangalan ni Dizen, matalik kong kaibigan.
"What do you need?!" inis na singhal ko.
"Woah ang init ata ng ulo mo," nang-aasar na saad niya sa kabilang linya.
"Tumawag ka lang ba para mas painitin ang ulo ko?" naiinip at naiinis na sagot ko sakanya.
"Well I'm just checking you and it seems that you're not fine. Wanna drink?" kahit di ko siya makita ay alam kong nakangiti siya. Adik din kasi sa alak ang isang 'to.
"I can't, I'm not in the mood right now," seryosong saad ko.
"Kaya nga tayo iinom dahil wala ka sa mood! C'mon! Minsan na nga lang tayong mag-bonding, tinatanggihan mo pa ako?!" nailayo ko ang telepono sa aking tenga dahil sa malakas na pag-sigaw niya.
"I said I can't and that's final,"
"Sige ka! Susumbong ko kay Twyna na nakipaglampungan ka sa ibang babae!"
"What the hell dude?! Nakikipaglampungan?! I don't remember myself involving to other women except for my girlfriend!!!" nilakasan ko talaga ang sigaw sa telepono dahil sa pagkainis.
"Hoyyy 'wag ako ang lokohin mo! Noong isang araw lang ay nakipaghalikan ka kay Yera!" sigaw niya pabalik.
"That woman?! It is all because I'm drunk which is technically your fault! You jerk!" nanggigigil na talaga ako sa kanya. Parang gustong tumama ng kamao ko sa taong to.
"Di mo ko matatakot sa pagsigaw mo dyan Ryle! Kaya pumunta ka dito kung gusto mong may girlfriend pa na babalikan!" napasinghap nalang ako dahil sa sinabi niya.
Agad kong inayos ang mga gamit ko saka tumungo sa address na binigay niya at di ako nagkamaling isang maingay na bar ang sasalubong sa akin.
Nasa VVIP ang tarantado kong kaibigan. Pagkarating ko roon ay nakadekuwatro pa siya at sumisipol-sipol pa.
"Hoyyy!!!" malakas na sigaw ko sakanya dahilan para aligaga siyang tumayo at tumungo sa akin.
"Wassup bro!" masayang bati pa ng ugok.
"Ano bang kailangan mo at bakit pinipilit mo talaga akong pumunta dito?" seryoso ngunit gigil na gigil na tanong ko.
"Easy lang! I'm here to bond with you, that's it! And of course to introduce some girls," pilyo siyang ngumiti at kumindat pa.
"Alam mong may girlfriend na ako," malamig na sambit ko.
"Yeah yeah of course I know. Pero alam mo, di naman kailangan na iisa lang di'ba? Don't make your life boring!" pagpapaliwanag niya.
Ni minsan ay di ko talaga maintindihan kung bakit kailangan niyang makasakit ng damdamin ng babae para lang sumaya.
"You're stupid," diretsong sabi ko.
"When stupidity means handsomeness, I'll gladly accept your compliment," nakangising sagot nya, "Gurllssss!" sigaw niya pang dagdag.
Napagitla naman ako nang may lumapit na babae sa akin.
"Get off me!!!" malakas na sigaw ko kaya napatigil silang lahat.
"C'mon bro! Huwag kang KJ," sambit ni Dizen.
Tumayo ako sa kinauupuan ko para umalis na pero tinawag muli ako ni Dizen.
"Anong kailangan mo?" seryoso ko ng saad sa kanya.
"Inumin mo muna 'to," sabi niya sabay bigay sa akin ng isang baso.
"Bakit naman kita susundin?!" iritadong tanong ko.
"Dali na! Pwede ka ng umalis kapag nainom mo na yan!"
Dahil na rin sa kagustuhang makaalis dito at makasama na ang girlfriend ko ay agad ko itong nilagok. Pero sa di mapaliwanag na dahilan ay agad din akong nakadama ng hilo at sakit ng ulo.
Tumingin ako kay Dizen na nakangisi at parang may sinabi na siyang ikinabigla ng buong pagkatao ko.
Ilang segundo lang din ay dumilim na ang paligid ko kaya bumagsak ako sa sahig pero ako mawalan ng malay ay naalala ko ang sinabi niya, ang sinabi ni Dizen.
"Akin lang si Twyna, Ryle. Babawiin ko siya sa'yo, tandaan mo yan! Jerk!"
BINABASA MO ANG
Did I Ever Lose Your Love?
RomanceYou are perfect and you don't deserve to be hurt, my angel. But unfortunately, I hurt you. I make you feel unimportant and worthless. That's the worse mistake I've done in my life. I'll do everything to make you mine again. I'll cherish you this tim...