Sinamahan ko ngayon ang aking kapatid sa mall para ipagbili siya ng mga gusto niya. Pangbawi man lang sa mga panahon na di ko siya na kasama.
"Kuya let's go to that place!"
"Huh? You're already 17 years old, what do you want to buy on a toy store?" nagtataka kong tanong.
"Duhh! It's not for me, it's for Ayesha. Remember Kuya Dizen's daughter?" sarkastikong sagot niya.
"Fine,"
Pumasok kami sa toy store at agad namang pumunta si Rayla sa mga nakahilerang laruan para sa mga batang babae.
"Be quick, Rayla," saad ko dahil ang tagal niyang pumili.
"Why naman, Kuya?" maarteng sagot niya.
"I'm just uncomfortable here,"
Inirapan niya lang ako ngunit agad din siyang napatigil at gulat na tumingin sa kung saan.
"Ate Twyna!!" sigaw ng kapatid ko.
Pinaghalong gulat at kaba ang nararamdaman ko nang banggitin ng kapatid ko ang pangalan niya. Lumapit siya sa kinaroroonan namin.
"Oh hi, Rayla! Sinong kasa—"
Di niya natuloy ang sasabihin niya nang bigla akong lumingon sa gawi niya.
"R-Ryle," the same voice I heard 3 years ago.
"Hello," malamig na saad ko.
Ngumiti siya ng matamis sa akin, and I can feel my heart pounding. Ayan na naman ang mga ngiti niyang naging dahilan kung bakit minahal ko siya ng sobra at patuloy na mamahalin.
"Mama!!" sigaw ng isang bata na bigla nalang lumusot mula sa likuran niya.
"Hi Rendell!" bati ng kapatid ko sa batang lalaki.
Nanatili kaming nagtitinginan ni Twyna na parang inaalisa ang dapat naming maramdaman ngayong muli kaming nagkita.
"Twy! Ano? Nakapili na ba si Rendell? Ba't andito kayo sa laruan ng mga babae—" di natuloy ng walang hiyang kababata niya ang sasabihin din nito nang makita ako.
"Hi Ryle," di ko alam pero napakasarkastiko ang dating ng pagkakasabi niya noon.
Di lang ako kumibo at nanatiling nakatingin kay Twyna. Pero umiwas na siya ng tingin.
"I'm sorry Rayla but we have to go. Long time no see, Ryle. I'm glad to meet you again," nakangiting aniya saka inakay ang anak at naglakad palayo. Sumunod na man ang walang hiya niyang kababata sa kanila.
"You look pissed, Kuya," sabi ng kapatid ko ngunit isinawalang-bahala ko lang yon.
Natapos siya sa pamimili ng laruan para kay Ayesha kaya dumiretso na kami sa iba pang store para bilhin ang gusto niya at nang makatapos ay kumain kami sa isang resto dito sa mall.
"Oh it's Ate Twyna again,"
Napabuntong-hininga nalang ako. Sinasadya ba talaga ng tadhanang makita ko siyang may anak na at masaya na sa iba? Eto na ba ang karma ko?
"Why don't you join us here, Rayla?" pang-iimbita ni Twyna.
"Kuya?" baling ng kapatid ko sa akin na para bang nanghihingi ng permiso. So I just nodded as a response.
Parang napakabigat ng bawat paghinga ko dahil ang lapit-lapit lang niya. She was in front of me with her child on her lap. I've always longing for her noong nasa Spain na ako and now that I'm back, she was so near to me pero parang napakalayo pa rin niya.
"Birthday nga pala ni Rendell sa Saturday kaya pumunta kayo," sambit ni Twyna habang sinusubuan ang anak.
"Of course pupunta kami! Right kuya?" sagot naman ni Rayla. And for the second time around, I just nodded.
BINABASA MO ANG
Did I Ever Lose Your Love?
RomanceYou are perfect and you don't deserve to be hurt, my angel. But unfortunately, I hurt you. I make you feel unimportant and worthless. That's the worse mistake I've done in my life. I'll do everything to make you mine again. I'll cherish you this tim...