Chapter Eight: Acceptance

10 5 0
                                    

Puro paghikbi lang ang naririnig namin sa bawat isa.

"Bakit di mo sinabi Twyna?! Edi sana nasamahan kitang alagaan ang anak natin! Edi sana ako yung nasa tabi mo nang manganak ka! Bakit hindi mo sinabi?! Napakasakit kasi di ako naging responsableng ama sa anak ko!"

"Di ko nasabi sa'yo Ryle kasi huli na nang malaman ko. Tatlong araw pagkatapos nating maghiwalay ay doon ako nagpa-pregnancy test kasi nakakaramdam ako lagi ng hilo at palagi din akong dumuduwal. Nang malaman kong buntis ako ay limang buwan na pala siya. Alam kong ikaw ang ama ng batang iyong Ryle. Ginusto kong sabihin sayo pero nang malaman kong naaksidente ka ay ikinubli ko muna,"

"Bakit mo naman tinago?"

"Kasi malala ang sitwasyon mo Ryle. Dahil sa aksidente ay nagkaroon ka ng minor head injury. At ayaw kong makita kang nakahandusay dahil sa akin. Ako ang dahilan kung bakit nangyari yon sa'yo,"

"Pero sana sinabi mo pa rin nang gumaling na ako,"

"Wala akong tapang noon, Ryle. Parang wala akong mukhang maihaharap sa'yo dahil nga ako ang dahilan kung bakit ako naaksidente. Pero noong nagkatapang na ako, handa na sana akong sabihin iyon sa'yo. Kaya pumunta ako ng bahay niyo at nalaman ko nalang na umalis kana pala papuntang Spain,"

I can't help but to hug her. Ginusto ko ring makita siya bago ako umalis noon pero nilamon ako ng sakit na nararamdaman.

"I'm sorry if I'm not on your side when you're carrying our baby. I'm sorry kung di ko nagampanan ang pagiging ama ng anak natin. Sana mapatawad mo ako, Twyna. I promised that if you'll give me another chance, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko to be a good father and a husband," pagmamakaawa ko sakanya.

"Di ko ilalayo sa'yo ang anak natin dahil karapatan mo yon bilang ama niya. Pero di ko alam kung kaya ka pang tanggapin ng puso ko ngayon,"

"I'll court you, I'll do anything so that you'll accept me again. Di na kita pakakawalan pa sa pagkakataong ito, Twyna,"

She just smiled and hug me back.

"I'm sorry if I can't accept you now, Ryle. But I know in my heart that one day, we will be happy again like we used to,"

"Thank you!" masayang sagot ko

Masaya akong nakauwi sa bahay. Dito na din nag-dinner sila Twyna at Rendell.

"I have an announcement to make," napabaling ang atensyon ng lahat nang marinig ako.

"Hmm? What is that anak?" tanong ni Mommy.

"Rendell is my son," I proudly said but I was shocked when no one seems to be surprised, "Why aren't you all surprised?" nagtatakang tanong ko.

"We know," sagot ni Daddy dahilan para magulat ako.

"But how? At bakit hindi niyo sinabi?"

"Kanina ko lang din nalaman. Your mom said it to me earlier,"

"Bakit di mo sinabi sa akin, Mom? Alam mo din ba to Rayla?" I'm really disappointed.

"Ate Twyna trusted us. Noong umalis ka ay pumunta siya dito sa bahay at sinabing buntis siya and you're the father pero sinabi niyang huwag munang sabihin iyon sa'yo. Me and mom agreed of course kasi alam naming balak ka niyang sorpresahin. Pero nang makauwi kana ay gusto na sana naming ipagpaalam sa'yo but you keep insisting that you don't want to hear about it so that's why we didn't tell you," mahabang eksplanasyon ni Rayla.

"I'm such a jerk,"

"Yes you are kuya," sarkastikong sabi ni Rayla.

Nanahimik nalang ako sa gilid at ibinaling ang tingin sa anak ko.

Did I Ever Lose Your Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon