Chapter Six: Time To Face It

16 5 0
                                    

3 Years Later~

"Your flight to the Philippines is 1:00 PM, Sir," saad ng sekretarya ko.

"Ok," maikling sagot ko.

Napabuntong-hininga ako nang maalala na naman ang nangyari 3 years ago. All the pains have molded me to become a better person. Matapos ang aksidente ay nawala ang ilang fragments ng memory ko because of the head injury I got, but not her. Di sya nawala. Pati ang mismong nangyari sa araw na yon ay di nabura sa alaala ko.

Pagkatapos kong makapagrecover ay napagdesisyunan kong pumunta muna sa ibang bansa para iwaksi ang lahat ng iyon. Gusto kong sa muling pagkikita namin ay maging mas better na ako. I moved in to Spain for almost 3 years. And I must say that my company is getting a lot of success. We already have branches in more than 15 countries. And as of now, dito ko muna pinapalakad ang kompanya ko sa Spain.

"Paki-prepare nalang lahat dito. Uuwi muna ako at aayusin ang mga gamit ko," I said to my secretary. I grab my coat and hurry to my condo.

Kahapon pa ako nakapag-empake kaya naging madali lang para sa akin na ayusin lahat ng gamit ko. I sighed as I close the door of my condo.

'Eto na, babalik na ako. Makikita na ulit kita'

Nagpatulong ako sa isa sa mga staff dito para dalhin ang mga gamit ko sa sasakyan.

"Gracias," pagpapasalamat ko sa tumulong sakin nang mailagay ko na ang lahat ng gamit sa sasakyan.

Tinanguan niya lang ako at muling pumasok sa loob. Agad naman na akong pumasok sa sasakyan, tiningnan ko ang aking relo and it's 10:30. 2 hours before the flight ay dapat nandoon na ako.

Tumungo muna ako sa maliit na opisina ko dito sa Spain at sinundo ang aking sekretarya habang dala-dala ang mga iba ko pang gamit. Sabay kaming umalis noon at sabay din kaming uuwi.

"Tara na, Sir?" aniya nang makapasok sa sasakyan.

Habang nagmamaneho ay napaisip ako. Kamusta na kaya siya? Meron na ba siyang iba? Naiisip ko pa lang na may iba na siya ay dinudurog na nito ang puso ko. Simula ng umalis ako sa Pinas ay napagdesisyunan ko din munang panandaliang iwakli siya sa isipan ko para makapukos sa trabaho.

"Kendra?" tawag ko sa sekretarya ko.

"Yes sir?"

"I have a favor. Pwede mo bang isearch sa social media ang pangalang Hailey Twyna Mendel. In any social media platforms. I just want to know her situation right now," seryosong ko aniya.

"Noted, Sir,"

Bigla niya kinalikot ang cellphone at ayon sa mga reaksyon niya ay di ko gugustuhin ang sasabihin niya sa akin.

"S-Sir?"

"Yes? Anong balita sa kanya?"

Sa halip na sagutin ako ay ipinakita niya lang sa akin ang cellphone niya and I can feel my heart pounding so much.

It was a post from Twyna, holding her child and with another guy. With a caption saying "Happy Birthday to my beloved son, Rendell". The post was almost a year ago.

"May anak na siya?!" singhal ko.

I looked at the guy beside her. It was her childhood bestfriend, Liam. Matagal ko na din tong di nakita ang gunggong na to simula nang naging kami ni Twyna.

"C-Calm down, Sir," parang natatakot na saad ni Kendra.

Napansin ko ding bumibilis ang aking pagmamaneho at humihigpit ang hawak ko sa manibela. Kaya sa takot na baka maulit ang nangyari noon ay kinalma ko ang aking sarili at dinahandahan ang pagmamaneho.

Pagkarating sa airport ay naghintay pa ako ng ilang oras bago nakasakay sa eroplano. Di ko alam ang mararamdaman ko kapag nakita ko na siya.

Magagalit ba ako dahil nakahanap na siya ng iba at may anak na sila? Malulungkot ba ako dahil parang wala na akong pag-asa sa kaniya? O matutuwa ako dahil nakikita kong masaya na siya?

Matagal bago kami nakarating sa Pilipinas at nang makalabas ng eroplano ay nilanghap ko ang simoy ng sarili kong bansa.

Naghahalong kaba at excitement ang aking nararamdaman. Pagkalabas ng eroplano ay ang pamilya ko ang sumalubong sa akin.

"Kuya!!!" excited na sigaw ni Rayla nang makita ako. Agad siyang tumakbo sa akin at niyakap ako.

"Kamusta na kayo?" nakangiting tanong ko sa kanila.

"Ok naman kami dito kuya! Alam mo bang nanganak na yung asawa ni Kuya Dizen tas kinasal na rin sila. Sayang wala ka noong kasal nila kuya HAHAHA naiyak pa kasi siya! Tapos si Ate Twyna naman—"

"Ang dami mo ng sinasabi," pagputol ko sa sasabihin niya saka ginulo ang buhok niya.

Tumungo naman ako kay Mom at Dad saka niyakap nila.

"Namiss ko kayo," mahinang saad ko.

"I'm glad that you're back. Congratulations to your success," my dad said which makes me feel so happy.

"Namiss talaga kita anak! Alam mo bang palagi kitang iniisip kung kamusta kana, kung inaalagaan mo ba ang sarili mo,"

"I'm fine, Mom. Inaalagaan ko ang sarili ko doon,"

"I have something to tell you, Anak. A-About Twyna, actually she already have a son and it is—" pinutol ko rin ang sasabihin ni Mom dahil parang ayaw ko itong marinig.

"Please, Mom. Huwag muna natin siyang pag-usapan," nakikiusap kong aniya.

"O-Ok,"nalulungkot namang sagot ni Mom.

"Let's go! Kumain muna tayo bago umuwi,"

Dumaan muna kami sa isang restaurant para kumain at di ko naman inaasahan na makita din si Dizen doon.

"Ryle? Is that really you?!" parang di makapaniwalang sabi niya.

"Yes bro,"

"Nakakabakla pero namiss talaga kita Ryle!!" natutuwang aniya. Napatawa naman ako sa reaksyon niya.

I looked behind him and saw a little cute girl.

"Is that your daughter?"

"Ohh yes! Hey sweetie come here!" tawag niya sa anak dahilan para lumapit din ito, "This is Ninong Ryle, standing in front of you," dagdag niya pa.

"Ninong?"

"Oo ginawa kitang ninong kahit wala ka dito noong binyag niya!" napatawa ulit ako sa sinabi niya.

"What's your name cutie?" tanong ko naman sa bata.

"Aysha!" tuwang-tuwa namang sambit ng bata.

"Ayesha kasi yon," dagdag ni Dizen.

"Congrats bro!" bati ko sakanya dahil parang napakamabuti niyang asawa at ama. Malayo sa dating Dizen na nakilala ko na tarantado at babaero.

"Oh anong balak mo ngayong nakauwi kana?"

"Still work of course,"

"Grabe! Napakaboring ng life mo!"

"Eh anong gagawin ko? I'm still planning to widen the success I already have,"

"Eh di mo man lang kakausapin si Twyna?"

"Ayaw kong makaistorbo pa sa kaniya at sa pamilya niya,"

"Ryle—"

"Huwag na natin siyang pag-usapan, Dizen. Instead, let's enjoy muna. Sumabay kana sa amin,"

Tumango naman si Dizen at sumabay nga siyang kumain sa amin. Naging masaya ang kuwentuhan namin pero sa loob-loob ko ay nalulungkot ako dahil nga sa nalaman ko tungkol ka Twyna.

Did I Ever Lose Your Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon