Chapter 1

13 3 0
                                    

Elliana's POV;

"WHERE are you going, Kuya?" tanong ko kay kuya Javier ng makita ko siya na lalabas ng bahay.

Kuya Javier is my cousin on my father's side, He is living in our house since nagbabakasyon lang naman siya dito sa Philippines. Sabi ni tita dapat daw ay nagcondo nalang si kuya pero mas gusto ni kuya na dito na lang sa bahay namin mag-stay para daw may magbantay sakin since my mom is always traveling because of our business and my dad. He left us when i was 12yrs old and now I'm 17yrs old and it's five years since he left.

"Court, maglalaro ng basketball."

"Sinong kasama mo?"

"The seven idiots." He said while smirking. "Ashton is also there, of course." He's teasing me.

"Whatever kuya, lalabas din kami ni Achi mamaya." pagpapa-alam ko sakanya, naisipan kasi namin ni Achi Ella na ilakad si Chloe at Max. Chloe is my puppy and Max is Achi's puppy.

Mikaela Aria is also my cousin on my father's side, dito din siya sa bahay nags-stay dahil mas malapit ang bahay namin sa school na pinapasukan niya.

"Saan kayo pupunta?" kunot noo niyang tanong, protective as always.

"Ilalakad lang namin sila Max kuya tapos pupunta kami ng court para manood sainyo, diba Elli!" sabat ni achi na kakababa lang galing sa kuwarto niya.

"oo nga kuya and pupunta pala sila Ashianna mamaya." nakangiting sabi ko sa kanya.

"okay basta wag lang kayo gagawa ng kalokohan ha. Elliana!" kapag kalokohan ako agad? hindi ba pwedeng si achi.

"Yeah, whatever." inirapan ko siya kaya naman pinanlakihan niya ako ng mata.

Umalis na si kuya at nagpaalam na din ako kay achi na aakyat muna para kunin si Chloe.

----

"I'm tired na achi, let's go na sa basketball court." tumango siya kaya naglakad na kami papunta sa court ng village.

nakita namin si kuya na naglalaro with his bestfriend, I think kumpleto sila. Hindi ko naman kilala lahat ng friends niya yung kilala ko lang ay yung nagpunta nung birthday ni kuya. Sila Ashton, Kennedy at yung kambal na si Markian at Marxian.

"Kuyaaaaa!!!" Sigaw ko dahilan para mahinto sila sa paglalaro at napatingin sa gawi namin.

Oh god! Nakakahiya ka Elliana Maureen!

Naglakad na kami papalapit sa puwesto ni kuya at nakita ko kung paano nanlaki ang mata ng kambal ng makita ako.

"Elli!" sabay na sigaw ng kambal at agad tumakbo at naguunahan kung sino ang unang yayakap sakin.

"Ako ang una dahil ako ang mas gwapo." sabi ni Kian

"Ako ang una dahil ako ang pinaka-guwapo. Mas ka lang, pinaka ako." hindi naman nagpatalo si Xian kaya ako na ang lumapit sa kanilang dalawa para sabay silang yakapin.

"Oh ayan okay na?" natatawa kong sabi sa kanila, napunta ang tingin ko kay Kennedy na nakatingin kay achi kaya lumapit ako sakanya at pinitik ang noo niya kaya napahawak sya doon bago tumingin sakin.

"What the hell, Elliana?" mahinang tanong niya sakin habang nakahawak pa din sa kanyang noo.

"baka matunaw ang achi ko sa kakatitig mo." napangisi ako ng makita siyang nagulat, umiwas siya ng tingin saken.

"H-hindi ko kaya siya tinititigan." umalis siya sa tabi ko at lumapit kay kuya Javier. as if i didn't know that he likes my achi.

Nagulat ako ng may kumalabit sakin kaya napalingon ako at nakita ko si Ashton na nakangisi.

"Hi!" sabay yakap sa akin kaya binati at niyakap ko din siya pabalik.

"How are you?" bumitaw siya sa pagkakayakap saken at ginulo ang buhok ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Makatanong naman ito parang di tayo magka-usap kahapon." natawa siya ng kaunti kaya inirapan ko siya.

napatingin naman ako kay kuya ng lumapit siya pati ang mga kaibigan niya sa puwesto namin.

"Elli and Mika I want you to meet, Zeus, Andrei, Samuel and....Rhyle" isa-isa niyang tinuro ang mga kaibigan niya na hindi ko pa kilala.

"Hi Elliana, I'm Zeus Maverick Smith." pagpapakilala ng lalaki may kulay blonde na buhok

"I'm Andrei Felliazar, ang pinaka-guwapo sa kanilang lahat." pagpapakilala ng lalaking medyo maputi at matangkad habang nakangiti.

"uhm no offense ha but i think si James ang mas gwapo sa inyong lahat." sabi ko dahilan para mapawi ang ngiti sa kanyang labi at tiningnan si Ashton na nagpipigil ng tawa.

"Wow! first time namin marinig na may tumawag kay Ashton sa second name niya." sabi ng lalaki na nasa gilid ni Andrei.

"Anyway I'm Samuel Nikolo Montenegro." inabot niya sa akin ang kanyang kamay para makipag shake hands kaya agad ko itong tinaggap.

Napunta ang tingin ko sa lalaking nasa gilid ni kuya na nakasuot ng jersey na sando at short, nakatingin din siya sa akin.

alam ko na maganda ako kaya hindi na niya ako kailangan titigan! Napansin siguro ni Ashton na nakatingin ako duon sa lalaki kaya nagsalita siya.

"Kuya, why don't you introduce yourself?" napatingin ako sa kanya bago tumingin doon sa lalaking tinawag niyang kuya na nakangisi na ngayon.

Kuya? hindi ko alam na may kapatid siya ah!

"I'm Rhyle Christian Saavedra." then kumindat siya sakin at ngumisi.

WHAT THE HELL!?!

GS#1; His Painful Game (On-going)Where stories live. Discover now