Chapter 9

6 2 0
                                    

Elliana's POV;

Mommy and i decided na mag mall and since kuya's friend and my friends are here sinabihan na din sila ni mommy na sumama.

We are walking right now, humiwalay sila kuya samin kaya kami ni mommy and my friends ang magkakasama.
Nagpunta kami sa isang boutique na pagmamay-ari ni tita Veronica to buy some clothes.

I picked 3 shirts, 3 highwaist pants and 2 tank tops i was about to go to the cashier pero napansin ko yung isang dress, it's a color red revealing dress na may slit and pa v-neck style siya tapos if susuotin mo siya makikita yung waist mo sa right side and makikita yung body curve mo.

Hinawakan ko 'to pero nagulat ako ng may humawak din sa kabilang side kaya napalingon ako and yung babae na may hawak din ay napalingon sakin, she looked shock nung makita ako, her face looks familiar.

"Uh pwedeng bitawan mo kasi kukunin ko?" sabi niya habang nakatitig sakin, tinitigan ko siya at tiningnan mula ulo hanggang paa, she's wearing a Turtle neck white tops and a pants and a nike shoes.

Ah i remember her, she's Claire, daddy's stepdaughter, but what is she doing here? nandito din ba si daddy?

"Miss?" pag agaw niya ng atensyon ko, Miss huh? as if hindi niya ako kilala.

"What? ikaw dapat yung bumitaw, ako yung nauna and I'm going to buy it." tinaasan ko siya ng kilay kaya kumunot yung noo niya nakita ko sa mga mata niya naiinis siya kaya mas lalo ko siyang iinisin. Elliana's bitch mode is on!

"Bibilhin ko din 'to at isa pa ang dami namang ibang dress diyan e, pumili ka nalang kasi akin 'to." hinila niya yung hanger ng dress pero hindi ako nagpatalo, hinila ko din yun ng malakas kaya medyo napalapit siya saken.

"Oh alam mo naman pala na may ibang dress pa so bakit hindi nalang ikaw humanap ng iba? and how could say that this is yours e wala naman nakalagay na name so definitely this is not yours. So i can buy it." i give her a death glare pero mukhang maldita din ang isang 'to but no one can beat me, pinaghalong ugali ng nanay at tatay ko ang attitude na meron ako.

"Ako ang bibili nito!" sigaw niya kaya naagaw niya ang atensyon ng ibang bumibili at nakita ko sila mommy na kanina pa pala kami pinapanood, mommy is smirking while achi and my friends are just watching and nung nakita ni achi na nakatingin ako sakanya tinaas niya ang kilay niya na parang sinasabi na wag akong papatalo. ofcourse i won't wala sa vocabulary ko ang matalo.

I looked at Clare again, this girl wants me to be bitch huh.

I was about to speak when a voice interrupt. "Claire!" and ng tiningnan ko kung sino yun i saw my daddy and her new wife kasama yung half brother ko and a guy named Clark.

Napako ang tingin ko kay daddy ng makalapit sila samin, nakita ko na nagulat siya and even his wife ng makita ako.

"Maureen." daddy whisper while looking at me, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

Hindi ko siya pinansin at binalik ang tingin kay Clare. "Hands off." madiing sabi ko sakanya dahil nanginginig na din ako dahil nakita ko lang naman yung tatay ko na limang taong hindi nagparamdam sakin with his new family.

"No I won't, ako ang nauna!" sigaw niya kaya napalingon ako and nakita ko na halos lahat ng atensyon ay nasa amin, nakita ko sila mommy na naglalakad palapit samin.

"What the fvck? how dare you say na ikaw ang nauna when in fact we both know na ako ang una, hawak ko na tapos bigla mong kukunin!" nangagalaiti kong sabi sakanya, i just want to get out of these place dahil nakita ko kung paano tumingin si mommy kay daddy at sa half brother ko at nakita ko din kung paano niya tingnan ang asawa ni daddy na ngayon ay nakatingin din sakanya pero ayoko naman na maging talunan sa harap nila.

"Maureen." napalingon ako kay daddy ng tawagin niya ako pero hindi ko siya pinansin at nanatili ang tingin ko sa babaeng nasa harap ko. "Just find some dress, Clare." sabi ni daddy kaya tiningnan ko siya bago ibalik ang tingin kay Clare na ngayon ay nakakunot-noo.

"No papa, I won't." mas lalong nag-init ang ulo ko ng tawagin niya si daddy ng papa, so ano? nagpapakatatay siya sa iba samantalang ako iniwan at pinabayaan niya.

He looked at me at nung tiningnan niya ako alam ko na ang ibig sabihin nun.

"No dad, I won't, ako ang nauna at alam mo na kung anong gusto ko, makukuha ko." tinititigan ko siya habang sinasabi ko yun, binalik ko ang tingin kay Clare talos biglang dumating sila kuya.

"What's happening he-" hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng makita niya sila daddy. "Tito." pagbati niya bago ako tingnan at tumingin sa dress na hawak ko tapos tumingin kay Clare then binalik ulit ang tingin sakin ng maintindihan niya ang nagyayari.

"Clare?" narinig ko ang boses ni Ashton kaya napatingin ako sakanya na ngayon ay nakakunot-noo na nakatingin kay Clare

Napatingin naman si Clare sakanya at bahagyang nanlaki ang mata. "Ashton?" sabi niya bago ilipat ang tingin sa lalaking nasa tabi ni Ashton. "Rhyle?"

"You knew each other?" nakatingin ako kay ashton kaya napatingin siya saken bago dahan-dahang tumango, tiningnan ko siya ng maigi kaya tumango siya, he knows that he needs to explain.

Nabalik ang tingin ko kay Clare ng sinubukan niyang hatakin ang dress pero nahigit ko ito agad.

"I. Said. Hands. Off!" madiing sigaw ko sakanya pero hindi niya binitawan.

I was about to push her pero biglang dumating si Tita Veronica.

"Anong nangyayari dit-" just like kuya Javier's reaction nagulat din siya ng makita si daddy, she looked at me then sa dress then sa kamay ni Clare na nakahawak din sa dress bago tumango na para bang naintindihan niya ang nangyayari.

"A-auntie inaagaw niya sakin yung dress." agad akong napalingon kay Clare ng marinig ko siyang nagsasalita, Auntie? natawa ako ng mahina, parang kanina lang ang tapang tapang tapos nung makita si tita biglang nagpaawa. She's plastic.

"Really? ako pa ha? e ako yung nauna e, kahit ipareview niyo pa sa cctv, ako yung nauna sa dress." hinarap ko si tita na nakatingin kay Clare habang nakakunot-noo, i think she didn't expect that she would call her auntie.

"Tita, i want this dress." hindi ko binago ang emosyon ko kahit na nandito si tita. I'm not plastic like her.

"Okay, okay. Leo can you tell to your STEP-DAUGHTER na bitawan na yung dress because my niece wants it." napangiti ako sa sinabi ni tita bago tumingin kay Clare na hindi makapaniwalang nakatingin kay tita, hinawakan ng mommy niya ang kamay niya at inalis ang pagkakahawak sa dress kaya nabitawan niya ito.

"And can you also tell her that i only have 2 niece, that is Elliana and Mikaela. She's not my niece kaya huwag niya akong tatawagin na Auntie. I don't have a plastic niece and kung meron man akong pamangkin sa'yo at sa bago mong asawa si Cleo lang yun." nakangiting sabi ni tita, nakita ko naman ang pagkapahiya sa mukha ni Clare kaya hindi ko maiwasang mapangisi.

Humarap sakin si tita at hinawakan ang buhok ko. "Elli you can go, ipalagay mo na yan sa paper bag, you guys don't need to pay, isa na yan sa regalo ko sayo for your upcoming birthday." napangiti ako sa sinabi ni tita.

"Thank you tita." i hugged her bago tumingin kay Clare, mukha siyang nagseselos, tiningnan ko naman si daddy and nakita ko na nakatitig siya sakin and it looks like he wants to talk to me, but I don't want to.

I didn't expect to see him, akala ko sa debut ko pa siya makikita kaya hindi pa ako handang makausap siya. I just want to go home dahil nasasaktan ako sa nakikita ko and i know that my mom is also hurting kaya nag-aya na akong umuwi.

kami dapat yun e, masaya sana kami ngayon. Pamilya ko sana yun.

GS#1; His Painful Game (On-going)Where stories live. Discover now