MAMBABASA PART 1

4 0 0
                                    

MAMBABASA
Ni: Lira Luna
GENRE: Fantasy
STORY CATEGORY: FICTION

Part 1- Ang Mambabasa

Bata pa lamang ako, hindi na normal ang buhay ko. Sa edad na anim na taong gulang, hindi ko na naranasan paano ang maging bata. Ang pamilya ko ay may katungkulan sa aming tribo, ang tribong Maharlika. At sa murang edad ko, itinali na ako sa responsibilidad, na maging isang mambabasa ng kinabukasan.

Dahil ang aking magulang ay isa sa mga pinakamahalagang tao sa aming angkan, isa din ako sa pinakamahalagang bata sa aming tribo, dahil maliban sa ako ay may dugong maharlika, taglay ko din ang kakayahan ng isang mambabasa.

Nasa isang silid kami, akin pang natatandaan. Natatandaan ko kung paano pagdesisyonan ng aming mga nakakatanda ang aking magiging kapalaran, kapalaran ko na alam kong hindi ko kayang baguhin at matatakasan.

“Taglay ni Malaya ang isang katangian ng mambabasa, kailangan siya ng ating tribo, para maprotektahan ang ating nasasakupan. Lalo na ang ating Pinuno at hari”

Saad ng isang nakakatandang lalaki sa aming tribo. Kaylan ba nagsimula ang lahat? Kung paano nila nalaman ang aking kapalaran o palatandaan na ako ay isang mambabasa? Ang sabi ng aking magulang ay dahil daw sa aking palatadaan na hugis bituin sa aking kabilang balikat.

Hindi lahat ng kabataan sa aming tribo ay biniyayaan ng ganoong kakayahan, sabi nga nila madami ang tinawag, pero kaunti lang ang pinili at isa ako sa napili. Para sa iba ay biyaya ang pagiging mambabasa, pero ang totoo ay napakalungkot ng buhay ng mga nagtataglay ng palatandaan na nanggagaling sa bituin. Hindi sila maaaring makisalamuha sa mga normal na bata o tao. May dugong maharlika man o ordinaryong membro ng tribo.

Anim na taon ako nang ipasok ako sa palasyo ng hari na kung tawagin ay Kural, ang palasyo ng Kural ay ang nagsisilbing pader sa pagitan ng mga tao sa labas ng palasyo at sa tribong maharlika.

Ako ang pinakabatang mambabasa sa panahong ‘yon. Dahil matanda na ang unang mambabasa ay kailangan na niyang palitan, ngunit sa panahong ‘yon walang pinili ang bituin na hirangin para palitan ang naunang mambabasa. Kaya nang ako’y isilang nagbunyi ang aming tribo dahil tinataglay ko ang palatandaan ng bituin.

“Malaya! Sabihin mo sa akin, ano ang magiging kinabukasan ng ating tribo?’’

Wika sa’kin ng kamahalan isang araw. Sa bulwagan ng palasyo makikita mo sa gitna ang liwanang na nanggagaling sa buwan. At do’n mo makikita ang mga bituin na nagsisilbing libro para mabasa ang kapalaran ng boung nasasakupan.

Napatingala ako sa langit, para basahin ang mensahe ng mga bituin. Ako ay napaatras sa aking nabasa at sa mga panahong ito ako ay labing anim na taong gulang na. Sa sampong taon na pamamalagi ko sa palasyo ng hari ng tribo, ngayon lamang ako nangamba sa hindi magandang mensaheng pinadala ng bituin.

“Ano ang iyong nababasa Malaya?”

Napayuko ako, sampong taon akong nanatili sa piling ng hari ngunit ni minsan ay hindi ko pa nakikita ang kanyang mukha.

Bilang mambabasa ipinagbabawal sa amin ang tumitig o tumingin sa mukha ng hari, ito ay paraan ng aming pagbibigay galang at para ingatan ang aming kakayahan.

“Kamahalan, pinaaabot ng bituing si Ashton na ang ating kaharian ay may nagbabadyang panganib, magbabago ang galaw ng mga bituin batay na rin sa kapalarang matatamasa ng inyong kaharian, mayro'ng darating na susubok sa inyong katatagan, dalawa lang ang dala ng darating na ito, kapahamakan sa inyong kaharian o kamalasan.”

“Ngunit sino! Ano! Kaylan at saan!”

Galit na tanong ng hari ngunit nanatili akong nakayuko at hindi tumitingin sa kanya, alam kong siya ay nangangamba bata’y na rin sa boses nito kahit pa ito ay galit.

MAMBABASA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon