Mambabasa part 7

5 0 0
                                    

MAMBABASA
GENRE: FANTASY
STORY CATEGORY: FICTION
NI: LIRA LUNA

Part 7-Ang Laban

Kasalukuyan nang inililikas ang mga mabubuting mamamayan, sa loob man o sa labas ng palasyo. Ang hari ay kasalukuyan nang nasa bahay ni Abu Kalaw. Naroon na din ang ibang maharlika. Ang sa labas naman ng palasyo na mga hindi maharlika ay tinipon sa bahay ng ibang mabubuting tao.

Ngunit tila hindi sapat ang aming pagtataguan dahil marami ang nagbalik loob kay Bathala bagay na akin namang ikinatuwa. Habang inililikas ang mga tao sa palasyo ay nagpakita sa'kin si Habagat.

"Malaya, ipinaaabot ni Lutos, Mulave at si Akiro ang lalaking nag bigay sa'yo ng gatas at tinapay na handa silang tumulong sa paglikas ng mga tao. Ang labas ng palasyo sa lugar kung saan ka itinapon ay hindi na saklaw ng kapangyarihan ni Mona. Nagtayo sila doon ng mga kubo para pansamantalang matutuluyan ng lilikas sa oras na magpaulan ang Bathala ng apoy."

Wika niya sa'kin, natuwa ako at sinabing ipaabot ang aking pasasalamat, binigay ko ang tatlong bato na magiging koneksyon namin sa isa't isa at ang apoy na si Lira ang siyang magdadala ng mensahe para sa  kanila.

"Salamat mahal kong Habagat, humayo ka't ipaabot ang aking pasasalamat."

Ngumiti si Habagat at naglaho na, sakto namang dumating si Amima at Ashela para ibalitang ang mga mananahi na lamang ang hindi nailikas, sapagkat mahina na sila't nangangatog sa gutom.

"Esmeralda...magpakita ka."

Si Esmeralda ay ang magandang duwende na naninirahan sa ilalim ng lupa ng palasyo. Nagulat naman si Amima at Ashela sa pangalang aking binanggit, pero mas nagulat sila sa biglang paglutang ni Esmeralda.

"Mahal na Mambabasa, narito ako para tumugon sa inyong pagtawag, ako'y natutuwa't kayo ay ligtas at buhay."

Wika niya, napatingin naman ako sa dalawang babae na gulat na gulat pa rin sa nasaksihan, napangiti ako at hinarap sila.

"Siya ay si Esmeralda ang dewendeng nakatira sa ilalim ng palasyo."

Pagpapakilala ko kay Esmeralda sa kanila, napangiti naman ang duwende at kumaway sa kanila.

"Huwag kayong matakot siya'y mabuting duwende."

Saad ko sa dalawang nakatulala habang nakatingin sa duwende. Napangiti naman ang huli sa kanila, saka muling tumingin ito sa akin.

"Ano po ang aking maipaglilingkod mahal na mambasa? sabihin mo lamang at kami ay susunod."

"Esmeralda, nais kong kayo ay kumuha ng pagkain sa kusina ng palasyo at dalhin sa mananahi, sila'y hindi makalakad dahil sa panghihina."

Napayuko naman si Esmeralda at kinampay ang kamay sa ere, bigla namang naglabasan ang iba pang mga duwende. Lalong nanlaki ang mata ni Ashela at Amima sa nasaksihang pagsulputan ng mga duwende kung saan, halos mawalan naman ng lakas si Amima sa mga nakikita.

"Tara! at ating sundin ang utos ng mambabasa"

Pagkawika noon ay naglaho silang parang bula, agad ko namang hinarap ang dalawang tulala. Tila wala sa sarili naman silang napatingin sa'kin.

"Amima, Ashela tara na sa mga mananahi".

Agad naman silang nakabawi sa kanilang pagkatulala, at sumunod sa'kin. Nagtungo kami sa silid ng mga mananahi. Palinga-linga pa kami habang papasok.

Pagkapasok namin ay nakikita ko nang kumakain ang mga mananahi, napatingin pa sila sa'min ng makapasok na kami.

"Kumain kayo, at tayo'y lilikas."

Nang marinig nila 'yon ay agad silang kumain ng mabilis, nahabag ako sa kanilang mga kalagayan dahil sa tindi ng gutom at panghihina, inaasikaso naman ng mabuti ni Amima at Ashela ang mga mananahi. Sa tindi nang kanilang gutom nawala na ang takot nila sa mga duwendeng naghatid ng kanilang makakain.

MAMBABASA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon