Mambabasa Finale

2 0 0
                                    

MAMBABASA
Genre: FANTASY
Story Category: FICTION
WRITTEN BY: LIRA LUNA🌙

FINALE (EPILOGUE)

"Habulin mo ako!"

Wika niya habang natatawa, napapangiti naman akong nakatingin sa kanya habang tumatakbo sa lawak ng kalawakan.

"Ano ba Mona! tama na nga ang takbo! halika na!"

Malungkot naman siyang lumapit sa 'kin, napangiti ako sa kanyang inasal. Kaya naman niyakap ko na lamang siya.

Pagkatapos ng laban namin ilang daang taon na ang nakakalipas, pinatawad ng Diyos si Mona at gayon din ang bayan ng Kural. Ngayon ay may ipapanganak na bagong hari sa bayan pagkatapos mamatay ni Bakunawa bilang si haring Orlan.

"Ngunit Luna, ako ay hindi pa handang mabuhay muli bilang mambabasa sa katauhan ni Selene, eh ang mga naging buhay no'n ay hindi nakakausap ang mga elemento. Hindi katulad ng mga naging buhay mo."

Wika niyang may tampo bagay na aking ikinatawa. Niyakap ko siya saka hinalikan sa pisngi.

"Mapalad ang iyong mga naging buhay Mona, dahil nakakausap mo ang mga hayop at mahaba ang naging buhay mo bilang tao. Nakasama at nagkaanak kayo ng hari sa mga naging buhay mo. Hindi nawawala ang kapangyarihan mo bilang mambabasa kahit nakikita mo ang mukha ng hari. Kaya huwag mo akong kainggitan, dahil ako maiksi lang ang buhay ko bilang tao."

Napangisi siya at hinawakan ako sa kamay. Napatingin naman ako sa kamay ko na hawak niya. Saka malungkot na napatingin sa 'kin.

"Hindi naman ako naiinggit, ako'y humahanga lang. Pero dahil sabi mo mas mapalad ako ay masaya na ako. Malulungkot lamang ako at magkakahiwalay tayong muli.''

Niyakap ko siya at gano'n din siya sa 'kin. Nang magbitaw kami ay namuo ang luha sa kanyang mga mata. Pinahid ko ito na ikinangiti niya.

"Lagi mo akong kasama Mona, lagi lang akong narito sa buwan at tinatanaw ka upang gabayan. Hindi kita pababayaan kapatid ko."

Napangiti naman siya saka tumango at sinabihan ko na siyang maghanda dahil dalawang minuto na lamang ay ipapanganak na ang kanyang katauhan sa lupa na si Selene.

Umilaw na ang kanyang katawan hudyat na ilalabas na ang batang maharlika na maging bagong mambabasa. Nagpaalam na siya sa 'kin at hanggang sa siya 'y nawala na.

Nalungkot ako sa pagkawalay ko kay Mona ngunit masaya naman ako 't magagampanan niyang muli ang kanyang tungkulin. Nasa gano'n akong sitwasyon nang may biglang yumakap sa likod ko. Hindi man ako lumingon ay kilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng yakap na 'yon.

"Bakit tila malungkot ang aking Luna?"

Aniya sa 'kin, napangiti akong hinarap siya. Hindi pa rin nagbabago ang kanyang kagandahang lalaki, siya pa rin ang lalaking pinagsisilbihan ko no'ng ako ay si Malaya pa lamang.

"Nalungkot lamang ako dahil nawalay sa 'kin ang aking mahal na kapatid."

"Ngunit hindi ka ba masaya na sila 'y magkikita nanaman ng kanyang pinakamamahal na si Libulan sa anyong tao."

Napangiti ako, dahil alam ko na si Mona ay matagal nang iniibig si Libulan ang kanyang hari. Ngayon ay mas mapapanatag ako na may mag-aalaga sa kanya at muling uusbong ang kanyang pag-ibig sa lupa, katulad ng pag-usbong ng aking pag-ibig dito sa Buwan.

At alam ko na gagabayan din siya ng mga bituin, at ni Bathala para hindi na muling maligaw pang muli ang kanyang landas.

Ako si Malaya ang iyong buwan, ako ang magbibigay liwanag sa madilim mong daan. Malungkot ka man ay tumingala ka lang bibigyan ka ng kasiyahan ng aking katiwasayan.

Huwag ka mawalan ng pag-asa, Si Bathala ay laging naririyan. Pagdadalamhati mo 'y kanyang nalalaman. Bawat butil ng luha mo 'y may halaga sa kanya, katumbas ng pasakit mo 'y, katiwasayan ang hatid niya.

Panatilihing maging mabuti, sa iyong kapwa, mahalin ang kaaway at patawarin sila. Nang sa gayon ay mapatawad ka sa iyong pagkakasala.

Tandaan mo, palaging may buwan sa kabila ng kadiliman, daan mo 'y bibigyang liwanag huwag ka lamang maligaw ng landas.

Ano man ang pagsubok mo 'y ipaubaya sa Diyos, dahil habang nabibigatan ka sa pasanin mo'y pasan-pasan ka ng Panginoon.

-Wakas

Salamat po sa pagbabasa ng aking kwento, sana po ay naibigan ninyo. Lagi pong tatandaan na ang Diyos ay laging nakabantay sa 'yo. Kaya huwag matakot. Gumawa ng bagay na nakalulugod sa kanya. Maging mabuti sa iyong kapwa at magpakumababa.

Lira Luna🌙

------

This story is a work of fiction, ideas, events, businesses , names, places, incedents are either products or based on authors imagination or used in a fictious manners, and based on korean character and anime characters which is authors favorite,

Included the name of the character related topics and not based on reality. Resemblance to actual names, places, incedents and events are entirely coincidential.

*****DISCLAIMERS******

• I do not own any photo or video and the credit
goes to people who deserve it..

• everything in this story, was come from my mind, and i write it use my own imagination it means it is my own creation

if any of my story have resemblance to yours are entirely coincedential.

•Any sight of plagiarism or copying are purely coincendetial and its not in the authors intention, please contact me if incase.

"PLAGIARISM is A CRIME"

Plagiarism is essentially theft and fraud committed simultaneously. It is considered theft because the writer takes ideas from a source without giving proper credit to the author. It is considered fraud because the writer represents the ideas as her or his own.

Plagiarism is cheating, a serious form of academic dishonesty punishable by the university. Plagiarism can be illegal, and a violation of Unites States copyright laws.

In the Philippines, plagiarism is the same as copyright and could be consider under the cybercrime law of the #RepublicAct10175.

WARNING: if this story may contain adult laguage, acts of violence and adult content, please be advice to Rated PG. This work of fiction.

this story is protected by copyright, so anyone who obtains or copies this story without the author's permission may be punished under RepublicAct10175

MAMBABASA
allright Reserved
Copyright protected

Lira Luna
Author.

MAMBABASA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon