Mambabasa part 9

2 0 0
                                    

MAMBABASA
GENRE: Fantasy
STORY CATEGORY: Fiction
WRITTEN BY: Lira Luna

Part 9- Pagbabalik Tanaw sa Nakaraan At ang pagbabalik ng kakayahan

ANG mundo ay nababalot ng kadiliman, tanging tubig pa lamang ang siyang naghahari sa daigdig. Nakita niyang napakalungkot ng mundo, kaya nilikha niya ang araw para magsilbing liwanag sa dilim. At dahil malikhain ang aking amang si Bathala ay nilagyan niya ng palamuti ang langit, at 'yon ay ang ibon.

Ngunit isang araw, ay lumapit ang ibon sa aking amang si Bathala, at nakita niya itong tila nahihirapan at pagod na. Kaya tinanong niya ito kung bakit gano'n na lamang ang kanyang itsura. Ang sagot ng ibon ay wala siyang ibang ginawa kundi ang lumipad sa itaas at hindi siya makapagpahinga, dahil wala siyang madadapuang mga puno sapagkat dagat ang namamayani sa ibaba ng langit.

Kaya naman naisipan ni Bathala na pausbungin ang lupa sa gitna ng malawak na karagatan. At ito ay kanyang pinangalanan na lupa. Nag-isip pa si Bathala kung ano ang kanyang idadagdag, at do'n unang nasilayan ng ibon ang mga nagtataasang puno.

Ipinagkaloob din niya sa lupa ang hangin, upang ang lahat ng nabubuhay ay mabigyan ng buhay. At para mapangalagaan ang kalikasan siya'y nagtalaga ng kanyang mga anak na diwata at dito nabou ang mga elemento, sa pamamagitan ng inang kalikasan.

Namangha ang Bathala, sapagkat kapag umikot na ang mundo at nagiging madilim na ang ibang bahagi nito. Kaya naman pinangalanan niya ang madilim na gabi at ang liwanag ay umaga.

Ngunit nakikita ni Bathala na ang mundo ay nanatiling tahimik at malungkot. Kaya naisipan niyang lagyan ng mga damo ang lupa, bulalaklak at mga hayop. At ito na ang simula ng pagsibol ng daigdig.

Bago pa man nalikha ang pinaka espesyal na nilikha ni Bathala ay nilikha na niya ang mga anito't diwata, ang mga diyos at diyosa, at ang mga Elemento. Saka niya nilikha ang mga tao na siyang pinakanamumukod tangi sa lahat ng kanyang obra.

At para matulungan ang mga hari ng kanyang nilikha, pumipili siya sa mga diyosa o diyos na maging isang mambabasa. Sila ang mga nilalang na nabuhay bilang tao at may kakayahang makabasa ng kinabukasan.

At ako, na si Malaya ay ang ika-isandaang libong Diyosa ng buwan na nagsaling lahi bilang tao, sa iba't-ibang pangalan, katauhan o persona, Para maging isang mambabasa.

Sa kalagitnaan ng aking panaginip ay hindi ko maintindihan, ngunit panaginip lamang ba ito? wala akong matandaan maliban sa isang bagay. Ang umakyat ako sa langit at muli kong nakita ang aking ama,

"Luna, Luna"

Naririnig kong tawag ng isang babae, hindi ko siya nakikita ngunit pamilyar sa'kin ang kanyang boses.

"Malaya! Gumising ka!"

Pagtawag nang isa pang boses sa'kin, hinanap ko ngunit hindi ko makita. Muli kong binalik ang tingin ko sa kung paano nagsimula ang mundo. Nakita kong unti-unti na itong gumaganda.

Nakita ko rin kung sa paano nabou ang mga diyos at diyosa, at paano nabou ang mga kalahating tao at diyos, o kalahating tao at mga anghel.

Nakita ko rin kung paano pinarusahan ng diyos ang mga anghel na nagsuwail sa kanya. hinulog sila nito sa ilalim ng lupa at pinarusahang hindi na makakabalik sa langit.

Ngunit hindi lahat ng Anghel na pinarusahan ay nakasama sa ilalim kung saan ang nagliliyab na apoy ang namumutawi. Ang ibang anghel ay nagtago sa butas na matatagpuan sa pinaka gitna ng mundo. Do'n sila nanirahan at nagtayo ng isang lugar na tanging ang mga diyos at diyosa lamang ang nakakaalam.

Ang mga anghel na ito ay namuhay na parang mga tao. nagkaasawa sila't nagkaro'n ng mga anak sa mga taong kanilang naiibigan. Hindi alam ng tao na isang anghel na inihulog sa lupa ang kanyang napangasawa. At ang tanging nakakaalam lang ay ang mga diyos at diyosang nagkatawang tao sa lupa dahil sa kanilang mga misyon.

MAMBABASA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon